Karylle's POV
"... Wala ka nang dahilan para pilitin pa akong bumalik sa America kasama kayo ni Tito Dolphy. I have my body guard na." madiin at matapang kong sabi kay Mama na nandito sa kusina.
"Sino naman, aber?" tanong naman niya sa akin pabalik.
"Si JM." kampante kong sagot sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.
"Ano? Eh, hindi nga natin masyadong kilala yun eh. Tsaka isa pa parang bago lang siya dito sa Maynila." umiiling na sabi pa ni Mama.
"Why should've give a try? Tsaka isa pa mukha naman siyang mabait eh." depensa ko pa. Mukha naman talagang mabait si JM eh.
"Sabihin na nating mabait siya, ikaw ba mabait? Diba ikaw na ang nagsabi na you're adult at ayaw mo nang may nagbabantay o laging nakabuntot sa'yo? Bakit kumuha ka pa ng body guard?" taas kilay na sabi ni Mama. Inirapan ko naman siya.
"Simple, I just don't want to go back to America with you. Tss." naiirita ko nang sabi. Nakaskainis naman.
"Yeah. Ayaw mong sumama, pero ako pa rin ang Mama mo at ako ang masusunod sa ating dalawa. Baka sa sobrang bait ng JM na yan hindi ka niya mabantayan ng maayos. I know you. Baka habang wala ako maging happy go lucky girl ka nanaman. Ipapafroze ko talaga ang account mo sa banko." deretsang sabi niya.
"What?! No way! Ano bang dapat kong gawin para payagan mo kong dito nalang at hindi sumama sa inyo?!" naiinis kong sabi sa kanya.
"Wala. Like what I said yesterday, You'll come with us.. Weather you like it or not." madiin niyang sabi.
"Ma.. Please naman oh! Let me stay here. Promise, hindi na ko magbabar. Just let me stay here. Preety please." pagmamakaawa ko na sa kanya. "... Meron naman na akong body guard eh. Please Ma."
Tinignan naman niya ako at napabuntong hininga. Hindi niya ko matitiis. Tsk.
"Okay.. Okay. Fine. Please, Ana Karylle. Be responsible habang wala kami. Yun lang ang hinihiling ko." seryoso niyang sabi. Parang nagliwanag naman ang mukha ko at napangiti nang malawak.
"Thank You Ma!" nakangiting sabi ko sa kanya at saglit siyang yinakap.
"Oh. One more thing..." bigla niyang sabi kaya napatingin ako muli sa kanya. "... That JM, pagkakatiwalaan ko siyang bantayan ka. Sa nakikita ko at malamang nakikita mo rin naman. He's handsome. At alam kong gano'n ang tipo mong lalaki. Kaya please, wag mo na siyang idagdag sa boys collection mo."
Napasimangot naman ako bigla sa narinig ko.
"Psh."
-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-
General PoV
".. Kain na hijo." nakangiting sabi ng ina ni Karylle kay JM.
"A...ah. Magdasal po muna kaya tayo, para magpasalamat sa mga pagkaing kaloob ng Diyos sa atin ngayon." nakangiting sabi ni JM. Nagkatinginan naman ang mag-ina. Napairap naman na si Karylle.
"Tss. Hindi naman ito galing sa Diyos, pinaghirapan ito ni Mama. Kaya dapat sa kanya ka magpasalamat." iritang sabi ni Karylle.
"Ana Karylle. Matuto kang rumespeto." madiin na sabi ng kanyang ina sa kanya kaya napairap namang muli siya. ".. Sige JM. Ikaw na ang manguna sa pagdadasal."
Napangiti naman nang malaki si JM.
'May pagkabaliw din tong lalaking to eh. Magdadasal lang tuwang tuwa na.' usal ng isip ni Karylle.
Nagsimula naman nang magdasal si JM pati ang ina ni Karylle pero taliwas naman ng ginagawa ni Karylle na nakapangalumbaba at hinihintay lang silang matapos.
"Amen." sabay na sambit ni JM at Zsazsa.
"Sa wakas. Kakain na." walang ganang sabi ni Karylle at nauna nang kumain.
Kumain na rin naman sila JM.
************************
"So, JM.. Ito ang magiging room mo..." nakangiting sabi ni Karylle at inakbayan si JM bago magsalita ulit. ".. Pero kung gusto mo naman, pwede kang pumunta sa kwarto ko. Feel free huh?" mapang-akit na sabi ni Karylle sa tenga mismo ni JM.
Tinanggal naman na niya ang pagkakaakbay kay JM.
"Sige ha. Labas na muna ko. Tandaan mo yung sinabi ko." nakangising paalam ni Karylle at lumabas ng kwarto ni JM.
Napahawak naman si JM sa bandang dibdib niya. Dugdugdugdug. Ang bilis ng tibok.
'Ganto po ba kabilis ang tibok ng puso ng mga tao? Normal lang siguro ito.'
Lumapit naman si JM sa kama at manghang mangha nang maupo siya dito dahil sobrang lambot pa.
'Parang ulap sa langit.' nakangiting usal ni JM. Tinignan naman niya ang paligid. Nakakapanibago sa kanya ang mga nakikita niya sa kwarto.
"JM...." rinig niyang pagtawag aa pangalan niya.
"San Pedro? Nasa'n po kayo?" tanong ni JM sa boses.
"Nandito sa langit. Wag kang mag-alala, binabantayan kita sa mga ginagawa mo. Naririnig ko ang sinasabi ng utak mo.." sabi ni San Pedro. ".. Paanong bumibilis ang tibok ng iyong puso?"
"Hindi ko rin po maintindihan San Pedro. Sa tuwing, magdidikit ang balat namin ni Karylle. Hindi ko alam pero bigla nalang pumibilis ang tibok nito." sagot naman ni JM at pinakiramdaman ang puso niya.
"Sa ngayon ay hindi mo naiintindihan JM. Lagi mo sanang tatandaan ang mga bilin ko sa'yo, lalo na ang panghuli. Malapit nang matapos ang araw na ito. May pagbabago na ba kay Karylle?" dire-diretsong sabi ni San Pedro.
"Lagi ko naman pong natatandaan San Pedro. Hindi ko po iyon makakalimutan. Sa ngayon po, wala pa rin po. Baka sa mga susunod na araw po. Pinapangako ko pong matatapos ko po ng maayos ang misyon ko sa kanya dahil gusto ko na po agad makabalik dyan sa langit." magalang na sabi ni JM.
"Mabuti naman, JM. Sige. Pagbutihin mo ang iyong misyon." sabi pa nito.
"Opo." magalang na sabi niya at hindi na sumagot si San Pedro.
Inisip naman ni JM ang huling bilin ni San Pedro sa kanya.
"H'wag kang mahuhulog sa kanya. Hindi nararapat ang tao sa isang anghel sa katulad mo."
'Hindi ko naintindihan ang sinasabi mo San Pedro pero sana ay maintindihan ko rin ito sa mga susunod na araw. Pero hindi ko maalis sa isip ko kung ano ang sinasabi mong H'wag akong mahulog sa kanya. Ano ba talaga ang ibig sabihin nito?'
---xxx---
(A/N: Sagutin niyo nga si JM xD ViceRylle moments sa next chaptersssss. ^_____^)
BINABASA MO ANG
Fall inlove With An ANGEL [VICERYLLE] (COMPLETED)
FanfictionAn Guardian Angel sent from heaven and a Woman that's so stubborn. Paano kapag nagkaharap sila? Magkakasundo kaya sila? O lagi nalang nagtatalo? Or ELSE.... May mamuong PAGSASAMAHAN na mauuwi sa PAGMAMAHALAN? "Fall inlove with an Angel" [VICERYLLE]...