Karylle's POV
"... Mag-ingat ka lagi ha. Don't worry, babalik naman kami next month for your birthday." sabi sa akin ni Mama. Nandito na kami sa airport dahil ngayong araw na ang alis nila pabalik ng America.
Yes, NILA. Kasama niya si Tito Dolphy yung kaLive-in partner ni Mama."Yes, Ma. Ikaw na ang bahala." simpleng sabi ko nalang sa kanya. Hindi naman ako umaasang babalik sila para lang sa birthday ko. Aasa lang ako sa wala.
"Sige na. We got to go na. Take care ha." huling sabi niya at hinalikan pa ang noo ko. Tumalikod na sila at pumasok.
Napabuntong hininga nalang ako at humarap kay JM na nakatayo lang sa gilid ko.
"Tara na. Umuwi na tayo." walang gana kong sabi sa kanya.
"Ah, Linggo po ngayon diba? Hi...hindi po ba tayo magsisimba?" rinig kong sabi niya. Tss. Hindi na uso sa akin yun.
"Ayoko. Hindi na ko nagsisimba. Matagal na kaya umuwi na tayo." walang gana ko pa ring sabi sa kanya at nauna nang naglakad. Ramdam ko namang nakasunod siya sa akin.
"Ma... Ma'am, bakit hindi mo po subukang magsimba ulit?" rinig kong sabi niya. Mapilit to masyado tss.
"Ayoko nga sabi JM. Kung gusto mo, ikaw nalang." inis kong sabi sa kanya. Sumakay na kami sa kotse.
"Ayaw mo po ba talagang magsimba?" tanong niya pa ulit. Hindi ko nalang siya sinagot para malaman niyang ayoko talaga. ".. Bakit po ba ayaw mo?"
"Pwede ba JM, manahimik ka nalang dyan at magdrive. Kung gusto mong pumunta sa simbahan at magsimba. Dumaan nalang tayo pero ikaw nalang ang pumasok. Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na ayokong magsimba." irita kong sabi sa kanya. Hindi naman na siya umimik. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa bintana.
-,-,-,-,-,-,-,-,-,-
JM's POV
"Pwede ba JM, manahimik ka nalang dyan at magdrive. Kung gusto mong pumunta sa simbahan at magsimba. Dumaan nalang tayo pero ikaw nalang ang pumasok. Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na ayokong magsimba."
Nanahimik nalang ako habang nagmamaneho. Pinipilit ko lang naman siyang magsimba dahil isa yon sa misyon ko sa kanyang dapat tuparin. Parang meron akong di pangkaraniwang nararamdaman. Parang nakakapanlumo. Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko sa pagtanggi niya sa pag-aya kong magsimba.
Nakarating na rin kami sa isang simbahan dito. Tinignan ko naman siya.
"Bago ka pa magsalita, uunahan na kita. Ayoko. Kaya sige na, pumasok ka na. Hihintayin nalang kita dito. Tsaka dalian mo lang. Gusto ko na talagang umuwi." halatang walang gana niyang sabi. Nakaramdam nanaman ako nang hindi ko maintindihan. Kumikirot ang bandang dibdib ko. Kakaibang pakiramdam nanaman.
Lumabas nalang ako ng kotse at iniwan siya sa loob. Pumasok naman na ko sa simbahan.
Naupo ako sa medyo dulo na. Lumuhod at Pumikit ako sabay nagdasal.
'Panginoon, kung naririnig mo po ako. Gusto ko po sanang humingi ng tawad dahil mukhang babagsak po ako sa misyon kong ito. Mukhang hindi ko po yata magagawa ito. Matigas po ang ulo ng alaga ko ngayon. Ayaw niyang magbalik-loob sa'yo sa kahit anong pilit ko kanina. Pero sana po, buksan mo po ang puso niya para sa'yo. Manalig siyang muli sa'yo. Buksan niya ang puso niya para sumampalataya sa'yo. Hindi ko man po ito matapos sa nakatakdang oras na binigay sa akin ni San Pedro, at kahit bumalik na ako dyan sa langit. Sana ay maliwanagan na siya kahit wala na ko dito sa lupa. Patawarin mo rin po sana siya kung may mga pagkukulang siya sa'yo. Pinapangako ko po na gagawin ko po sa abot ng aking makakaya ang lahat para hangga't nandito ako sa lupa ay magbalik loob na siya sa'yo. Yun lamang po. Amen.'
Dinilat ko ang mga mata ko at naupo nang maayos. Huli ko nang napansin na may katabi pala ako.
"A...akala ko po ba ayaw mo dito? Akala ko sa kotse ka muna po?" takang tanong ko kay Karylle. Oo. Siya nga.
"Nabagot kasi ako sa kotse kaya naisip kong sumunod sa'yo. Sorry nga pala sa nasabi ko kanina." seryoso niyang sabi.
"Ha? Wala na po yun. H'wag nalang po nating alalahanin." tanging nasabi ko nalang sa kaniya.
"Tapos ka na bang magdasal?" rinig kong tanong niya. Tumango naman na ako. "Tara, may pupuntahan tayo."
"Sa... Saan naman po? Akala ko uuwi na tayo?" takang tanong ko naman sa kanya.
"Basta. Tara na." aya pa niya at hinawakan ang kamay ko. Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman kong hinihila na niya ko palabas ng simbahan. Hindi ko ito namamalayan dahil nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
'San Pedro, ito na po ba ang sinasabi mo at huling bilin mo sa akin na h'wag akong mahulog sa kanya?! Tulungan mo naman po ako, hindi ko na alam ang nararamdaman ko.'
---xxx---
BINABASA MO ANG
Fall inlove With An ANGEL [VICERYLLE] (COMPLETED)
FanfictionAn Guardian Angel sent from heaven and a Woman that's so stubborn. Paano kapag nagkaharap sila? Magkakasundo kaya sila? O lagi nalang nagtatalo? Or ELSE.... May mamuong PAGSASAMAHAN na mauuwi sa PAGMAMAHALAN? "Fall inlove with an Angel" [VICERYLLE]...