Ten

654 34 1
                                    

----------------

"Sino siya?" rinig kong tanong niya.

Tinignan ko naman siya at tumingin sa tinuro niya.

"Kambal ko siya." sagot ko sa kanya na ikinabigla niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Si Sandy..."

JM's POV

"May kakambal ka?" nagtataka kong tanong kay Karylle. Ngayon ko lang kasi napansin yung litrato na nakasabit malapit sa may bintana ng kwarto niya.

"Yup." maikli niyang sagot at halatang matamlay siya.

"N-nasan siya?" tanong ko muli sa kanya. Umupo naman muli siya sa gilid ng kama niya at tumingin sa litrato ng kanyang kakambal.

"She's gone. Wala na siya..." bakas sa pagsasalita niya ang kalungkutan. Nakadama naman ako ng kirot sa aking dibdib. Tila, hindi ko nais na makita siya sa ganitong sitwasyon. Yung malungkot at umiiyak.

"Namatay siya apat na araw after kaming ipanganak ni Mama. Siya ang panganay sa aming dalawa. Maswerte na nga lang daw ako nang mabuhay pa ko. Pero, maswerte pa nga kaya ako ngayon?" pagpapatuloy niya na parang sarkastiko ang tono ng boses niya.

"Sa tingin ko naman maswerte ka parin dahil nabuhay ka. Ang kailangan mo nalang sigurong gawin ngayon ay yakapin ang katotohanan na mapalad ka at dapat ay matutunan mong tanggapin ang mga nangyayaring pagsubok sa buhay mo." seryoso kong sabi sa kanya.

"Yan nanaman ang W.O.W. niya."  rinig kong sabi ng isip niya.

"Anong W.O.W?" takang tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin at napatawa ng mahina. Ang sarap pakinggan ng tawa niya.

"P-p---- Anyway, tara na. Nagugutom na ko eh." aya niya sakin at tsaka tumayo na mula pagkakaupo sa kama at naunang lumabas ng kwarto niya.

Habang naglalakad na rin palabas ng kwarto ay napaisip nalang ako bigla.

Kung may kakambal siya, at ito ay sanggol pa lamang nang ito'y mamatay.... Hindi kaya..... Kung tama ang hinala ko sa sinabi sakin ni San Pedro nung isang araw sa aking panaginip? Kung tama nga ito... Hindi nga kaya.... O.O

-

"Diba Linggo bukas?" biglang tanong sa akin ni Karylle habang nandito kami sa sala at nanonood.

"Uuh, O-oo. Pw-pwede ba kong----"

"Magsimba?" pagpapatuloy niya sa dapat ay itatanong ko sa kanya. Tumango na lamang ako. Nakita ko namang napangiti siya. ".. Oo naman. Basta kasama ako ha."

"T-talaga?" gulat kong tanong sa kanya. Ngayon ko lang kasi siyang narinig na magsisimba kasama ako.

"Oo naman. Tsaka diba, tamo. Si Duterte na ang Presidente. Kailangan na ng pagbabago. Tsaka isa pa, diba ito naman ang dapat kong gawin? Masyado lang kasi akong nilamon ng galit at pagkamuhi sa Diyos dahil sa katulad nga ng sinasabi mo. Yung mga Pagsubok niyang binibigay sakin, masyado kong kinaiinisan, parang lalo lang palang dumarami at nadadagdagan eh." seryoso pero nakangiti niyang sabi. Ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binitiwan niya.

"Ano? Sama ako ha." rinig kong muli niyang sabi kaya napatango nalang ako nang sunud-sunod.

-

Magpapahinga na sana ako nang may isang tinig akong narinig.

"JM.."

"S-san Pedro?"

"Ako nga JM. Pansin kong naisasakatuparan mo na ang iyong misyon dyan sa lupa, Anak. Mukhang hindi ka mabibigong ipanumbalik ang dating Karylle na nakikita ko mula dito sa Langit. May isang linggo ka pa, Anak. Makakaya mo ang iyong misyon sa tamang oras."

Fall inlove With An ANGEL [VICERYLLE] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon