Eleven

700 30 2
                                    

GENERAL POV

'Tama ba ang narinig ko? O talagang nag-iimagine lang ako? Urgh! Ano ba kasi! Nakakainis tong gantong pakiramdam! Ano ba kasing nangyayari? Totoo kayang anghel siya? URGH!' sigaw ng isip ni Karylle at napatakip nalang ng kumot. Maya maya pa'y nakatulog nalang din siya dahil sa kanyang pag-iisip.

-

Kinabukasan, sa di malamang dahilan ay maagang nagising si Karylle. Kahit wierd para sa kanya ito ay ginawa na lamang niya ang kanyang morning routines. Pagkababa niya ay agad siyang may naamoy na sobrang bango mula sa kusina at parang may sariling buhay ang kanyang mga paa at kusa itong naglakad papunta sa kusina. Naabutan nama niyang nagluluto ang isang lalaki na alam niyang si... JM.

"JM?" patanong na pagtawag niya sa lalaki na agad namang napatingin sa kanya.

"Ang aga mo nagising ngayon, Karylle ah." nakangiting sabi nito habang hawak pa ang sandok.

'yung ngiti nanaman niya...' sigaw nag isip niya, "A-ahh o-oo. Hindi ko nga alam kung bakit eh pero siguro ngayon lang ito. Tsaka, ano ba yanh niluluto mo?"

"Ah." maiksing sagot ni JM at maging siya ay hindi alam kung anong naluto niya. ".. Hindi ko alam eh. Uhm, bigla ko nalang kasing naisipang magluto kung ano amo na nandito sa ref."

"Ow. Wow. Just wow." sabi na lamang ni Karylle para mabawasan ang 'awkwardness' sa pagitan nila.

Maya maya ay natapos nang magluto si JM at hinain niya na ang kanyang niluto sa lamesa.

"Mukhang masarap ah." nakangiting sabi ni Karylle habang nakatingin sa niluto ni JM. Napangiti naman ang binata sa tinuran ng dalaga.

Inabutan naman ni JM si Karylle ng kutsara at plato upang makakain na silang pareho. Matapos non ay naulo na rin siya sa isang stool.

"Hmmmmmm. Ang saraaaaaap!" parang batang papuri ni Karylle sa luto ni JM na pawang napapangiti na lamang sa nakikita niya. ".. Grabe. Hindi mo man lang sinabi na magaling ka pala magluto. Pwede favor?"

Ngumiti at tumango na lamang si JM.

"Pwedeng ikaw nalang ang magluto ng pagkain sa birthday ko?" nangungusap matang sabi ni Karylle.

Ang kanina'y nakangiting labi ni JM at napalitan ng lungkot.

"Ahhh. O-oo naman, Karylle." nag-aalangang sagot ni JM. Napa'YEHEY' na lamang si Karylle at ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.

'Sana nga, Karylle. Sana nga."

-

Lumipas pa ang dalawang araw. Mamaya ay lilisanin na ni JM ang lupa dahil iyon na ang takdang oras upang siya ay bumalik sa langit.

"JM..."

"San Pedro?"

"Alam mo namang mamaya na ang iyong pagbabalik rito sa langit..."

"O-opo." bakas sa tono ng kaniyang pagsasalita ang kalungkutan.

"Bakit tila malungkot ka, Anak?"

Fall inlove With An ANGEL [VICERYLLE] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon