Two

912 48 4
                                    

General POV

".. Ana Karylle, wake up." paggising ng kanyang ina sa kaniyang. Pupungas-pungas naman siyang tinignan ni Karylle.

"What?" halatang kagigising lang na sabi ni Karylle habang nakatingin sa kanyang ina.

"Who's the guy downstairs?" biglaang tanong ng ina niya. Tila nagising naman ang diwa ni Karylle at napatingin sa kanyang ina.

"Who's guy?" kunot-noong tanong ni Karylle.

"That's why I'm asking you. Hindi ko siya makausap nang maayos. Ang sinasabi niya lang, nakabunggo mo siya. At nabunggo ka niya for short, nagkabungguan kayo. So, what happened last night?" tanong muli ng kanyang ina na ngayon ay nakataas na ang kilay sa kanya.

"Ma. I... I don't know him." kunot-noong sabi ni Karylle.

"Oh C'mon. Alam kong yung tipo niya ang gusto mo. Umamin ka nga, boyfriend mo ba yun o one of you boys collection?" maawtoridad na tanong muli nito. ".. I told you na h'wag kang magdadala dito sa bahay ng lalaki."

"Ma.." tanging nasabi nalang ni Karylle bago tumayo mula sa kama. ".. Tara nga. I want to see that guy."

Pagkababa nang mag-ina ay naabutan nila ang lalaki na nakaupo sa sofa. Agad naman nila itong nilapitan.

"He looks... Looks, crazy." kunot noong sabi ni Karylle.

"Uhm, Hi?" sabi ni Karylle sa lalaki kaya napaangat ang ulo nito sa kanya. 'Good news, craxious!'

"Ah, hijo.. Anong pangalan mo?" tanong ng ina ni Karylle sa lalaki habang natulala naman si Karylle sa nakikita ng dalawang mata niya.

"A..ah.. J... JM po." nakangiting sabi ni JM. Napatango nalang ang ina ni Karylle sa kanya.

"Karylle!" pagtawag nito sa anak. Bigla namang bumalik sa wisyo si Karylle.

"A... Ano yun?" biglaang saad nalamang ni Karylle.

"You talk to JM, I'm going to prepare our breakfast." nakangiting sabi ng ina ni Karylle sa kanya. Tumango naman si Karylle at naupo sa tabi ni JM. Samantalang, ang ina naman niya ay pumunta sa kusina.

"Uhm." tanging na sabi nalang ni Karylle para makuha ang atensyon ni JM. At nagwagi siya dahil tinignan siya nito. 'He's handsome huh.'

"Where are you from?" tanong ni Karylle dito pero parang naguluhan si JM. "Okay. Hindi ka nakakaintindi ng english? Ano. Saan ka nakatira? Saan bahay mo?"

"Saan ako nakatira? Sa... Sa... La...." nauutal na sabi ni JM. "h'wag na h'wag mong sasabihin sa kanya na isa kang anghel lalo na ang dito ka sa langit nakatira." naalalang tagubilin ni San Pedro sa kanya kaya napahinto siya sa pagsasalita.

"La? Laguna?" pagpapatuloy naman ni Karylle.

"Laguna! Oo. Laguna nga, Karylle." nakangiti naman sabi ni JM.

"Pa'no mo nalaman ang pangalan ko?" kunot-noong tanong ni Karylle.

"A-ano.. Na.. Nalaman ko lang sa... Sa Ma.. Mama mo." nag-aalangang sabi ni JM. Napatango naman si Karylle.

"Teka.. Paano ka nga pala napunta ng Manila?" excited na tanong ni Karylle. Napaisip naman si JM nang dahilan at buti naalala niya ang bilin ni San Pedro kanina.

"Kasi, naghahanap ako ng trabaho dito sa.. Sa Maynila." sagot nalang niya.

"Gano'n ba?" patango tangong sabi ni Karylle.

"Pwede bang pumasok?" inosenteng tanong ni JM na ikinalaki ng mata ni Karylle.

"Anong pumasok?" laki matang tanong ni Karylle.

"... Ng Trabaho?" inosente pa ring sabi ni JM. Bigla namang nawala ang iniisip ni Karylle.

'Ang Green talaga ng utak mo Karylle.' usal ng isip ni Karylle sa sarili.

"Ahh.. Wala ka na bang ibang mahanap na trabaho?" tanong muli ni Karylle.

"Wa... Wala na po eh. Meron po ba?" nakangiting sabi ni JM.

"Ano, gusto mo bang maging body guard?" nabuhayang tanong ni Karylle.

"B... Body Gu..guard?" takang tanong ni JM.

"Oo, Body Guard. Yung magtatanggol sa akin? Ano? Ayaw mo ba?" nakangising sabi ni Karylle. 'Wala pang tumatanggi sa akin.'

"A...anong trabaho po yun?" inosenteng tanong ni JM.

"Simple lang, ikaw ang magbabantay sa akin. Lagi dapat kitang kasama. Kapag may gumawa sa akin ng hindi kaaya-aya, kailangan mo kong proteksyonan. Gano'n lang. Alam mo na?" paliwanag ni Karylle.

"Tanggapin mo na JM." rinig na usal no San Pedro sa kanya.

"Si...sige po. Ta...tatanggapin ko na po yang trabaho." tumatangong sabi ni JM.

"Good. Ano ba ang buong pangalan mo?" muling tanong ni Karylle.

''Jose Marie Viceral ang sabihin mo." rinig muling usal  ni San Pedro sa utak ni JM.

"Jo....Jose Marie Viceral po." nauutal paring sabi ni JM.

"I see. So, saan ka nakatira dito sa Maynila?"

"Wala nga po eh." kamot-ulong sabi ni JM.

"Gusto mo dito ka nalang para mapanindigan mo ang pagiging body guard?" suwestyon ni Karylle kaya walang pag-aalinlangang tumango si JM.

"So, tanggap ka na ha. Pag-usapan nalang nating next time ang salary mo. Welcome dito." nakangiting sabi ni Karylle at yinakap si JM na halatang ikinabigla niya.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni JM sa ginawang pagyakap sa kanya ni Karylle.

Pagkakalas sa yakap ay nginitian pa siya ni Karylle na pagkatamis tamis.

"Wait lang JM ha. Punta lang muna ko sa kusina." sabi nito bago tumungo sa kusina.

Napahawak naman si JM sa bandang dibdib niya dahil nakakaramdam siya sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

'Bakit po ang bilis ng tibok ng puso ko? Normal lang po ba ito sa mga tao?'

---xxx---

(A/N: GAME! Kung kayo ang tinanong ni JM. Anong isasagot niyo? COMMENT NAAAA!!! ^_____^)

Fall inlove With An ANGEL [VICERYLLE] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon