Seven

795 39 3
                                    

---xxx---

"San Pedro, hindi ko na po talaga maintindihan ang nararamdaman ko, sa pagkakataong dadampi ang balat niya sa balat ko may kakaiba akong nararamdaman. Ganto po ba talaga kapag tao? Normal lang po ba ito? Masyado na po talaga akong nalilito."

"Normal lang yan sa mga tao kagaya ni Karylle."

"P-pero, sa katulad ko po? Normal parin po ba?"

"Sa sitwasyon mo, dahil naging tao ka. Normal lang namaramdaman mo yan."

"Pero, hi-hindi ko po alam kung anong pakiramdam ito. A-alam mo po ba? Sabihin mo naman po sa akin San Pedro."

"Matutuklasan mo rin anak. Sa tamang oras at pagkakataon na nandyan ka sa lupa."

"Hindi po ba pwedeng sabihin mo nalang po sa akin?"

"Kung ako rin lamang ang magsasabi sayo, sana hindi nalang kita pinababa dyan sa lupa...."

"Buksan mo ang puso at isip mo, JM. Malalaman mo ang sagot sa lahat ng katanungan mo."

"JM!!!"

Halos mapabalikwas naman ng upo sa kama si JM nang marinig ang paggising ni Karylle sa kanya.

"Ba-bakit?" halatang kagigising lang na sabi ni JM kay Karylle na ngayon ay natatawa na.

"Mukhang ang ganda ng panaginig mo ha?" nakangiting sabi ni Karylle. Nakaramdam nanaman ng kakaiba si JM nang hawakan ng dalaga ang kamay niya.

"H-ha? W-wa-wala." nauutal na sabi ni JM dito at napatingin sa kamay nila.

"Tara, pasyal tayo?" aya naman ni Karylle.

"Sa-saan tayo pupunta?" takang tanong ni JM.

"Hm, somewhere na may masarap na simoy ng hangin." tila nalungkot naman si Karylle. Naramdaman naman iyon ni JM kaya parangmay kumurot sa puso niya.

"Bakit parang malungkot ka ngayon? Dahil ba sa pag-alis ni Ms. Z?" tanong naman ni JM.

"Uhm. Maybe. Siguro." napabuntong hiningang sabi ni Karylle.

"Bakit hindi ka nalang sumama sa kanila?" inosenteng tanong ni JM. Napahinga naman nang malalim si Karylle at tumingin kay JM. Mata sa Mata. Nakita ni JM sa mga mata ng dalaga ang pagkalungkot. Pangungulila.

"You know what? Kahit naman sumama ako sa kanila parang itsapwera nalang naman ako sa kanila.." malungkot na sabi ni Karylle at nagsimula nang magcrack ang boses niya-naiiyak na siya. ".. Sila parang isang buong pamilya. Samantalang ako, mag-isa... Wala man lang nagmamahal sa akin. Kaya nga nagkaganto ako eh. Diba nagtataka ka kung bakit hindi na ko naniniwala sa Diyos na sinasabi mo? Para sakin, Siya ang nay kasalanan nang lahat. Kung bakit mag-isa ko ngayon. Kung bakit walang nagmamahal sa akin kahit sarili kong Nanay. Pakiramdam ko, pinaparusahan Niya ko. Pero ang daya daya kasi. Naging mabait naman akong anak pero bakit Niya naman ito ginagawa sa akin? Pinarurusahan Niya ba ko?" litanya pa ni Karylle na umiiyak na. Taimtim namang nakikinig sa kanya si JM. "... Urgh! I-I don't know kung bakit ko to sinasabi sayo ngayon. Siguro, parang mapagkakatiwalaan ka naman. H-H'wag mo nalang intindihin ang kadramahan ko." huling sabi ni Karylle at nagulat siya nang punasan ni JM ang pisngi niya na basang basa ng luha niya.

'Ito siguro ang sinasabi nilang luha. Luhang galing sa mata kapag sobrang lungkot ng isang tao.' salita ng isip ni JM habang patuloy na pinupunasan ang pisngi ni Karylle na nakatingin sa kanya.

"Salamat Ma-Ma'am dahil sinabi mo sa akin ang nasa loob mo.." nakangiting sabi ni JM at tumigil na sa pagpunas ng pisngi ni Karylle. ".. Kahit nung nakaraan mo lang akong nakilala. Pinagkatiwalaan niyo ako ng iyong ina. Pinatira at binigyan mo pa ako ng trabaho. Alam mo Ma'---"

"Just call me Karylle. Masyadong pormal kapag Ma'am eh." medyo halatang umiyak na sabi ni Karylle at slight na natawa.

"Si-sige. Karylle. Ano, sa mga narinig ko sa'yo. Yung nga pinakita mo sa akin nitong nga nakaraang araw, masasabi kong mabait ka naman talaga. Siguro kaya Niya sayo binibigay ang mga pagsubok na naramdaman mo dati at ngayon ay kaya mong harapin at alam Niyang malalagpasan mo ito. Alam mo, Ma-- Ah, Karylle.. Buksan mo ang puso mo para sa Kanya, tutulungan ka naman Niya sa lahat ng dumadaang problema sayo. Ang gusto lang naman Niya ay lapitan niy--- ah, mo siya. Tutulungan ka naman Niya eh. Alam mo, pakiramdam mo man ngayon na wala ni isang nagmamahal sayo, mali ka dahil nando'n siya..." sabi ni JM at tumingin sa taas bago tumingin ulit kay Karylle sabay ngiti. ".. Mahal ka niya. Mahal niya lahat ng nakikita natin dito sa mundo, kasi lahat nang ito.. Gawa Niya. Alam mo ba ang pinakaayaw Niya? Ang may nasasaktan ang isa sa mga anak Niya, nahihirapan Siya kahit alam Niyang ginagawa lang naman Niya ito para lapitan natin Siya. Ma--- Karylle, buksan mo lang ang puso mo para sa kanya. Mahal na mahal ka Niya."

"Alam mo ikaw JM, nakakadugo ng ilong yang ang lalim ng tagalog mo ha?" slight na natatawang sabi ni Karylle. Napangiti naman si JM. ".. Bakit ang galing mo magsalita nang ganyan?" sumeryosong sabi ni Karylle.

"Ah, na-natutunan ko lang sa Na-nanay ko." biglang nag-alangang sabi JM.

"Alam mo, nakakatuwa ka talaga. Sana nga someday maramdaman ko rin yang sinasabi mo. Pero,  Ang lakas ng pananalig mo sa Diyos, Anghel ka siguro ano?" pabirong tanong ni Karylle na ikinagulat naman ni JM. ".. Hahaha, biro lang. Pero seryoso, salamat ha?" nakangiting bawi ni Karylle.

"Ah-eh. Wa-walang anuman." nakangiting sabi ni JM.

Nagulat naman siya lalo nang lumapit abg mukha ni Karylle sa mukha niya. Halos one inch nalang ang pagitan. Gusto mang lumayo ni JM dahil medyo naiilang siya ay parang may pumipigil sa kanyabg gawin ito bagkus ay lumapit pa lalo sa dalaga hanggang sa...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
... Tuluyang maglapat ang labi nila sa isa't isa. (Hindi Uso HOPIA ditooo. Hahahaha xD gebye.)

Napalayo naman agad si Karylle at nginitian si JM na nagulat sa nangyari.

"Tara na nga! Ang drama natin eh!" aya ulit ni Karylle at hinila si JM patayo sa kama.

Napahawak naman si JM sa dibdib niya nang maramdaman ang kakaibang pagtibok ng puso niya.

'Ito nanaman! Hindi ko na talaga maintindihan ang mga nangyayari.. San Pedroooo."








"I started Liking you kahit sandali palang tayo magkakilala.. Ibang iba ka kasi sa mga nakilala ko... Sana ikaw na lang talaga ang mahalin ko... Hindi na siya."

-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-

(A/N: HELLOOOO FROM THE OTHER SIDE. HAHAHAHA. SORRY NGAYON LANG NAG-UD. KASALANAN PO NG PHONE KO. CHAROT. DE. BUSY SI AUTHOR EH. HUHUHUHU. SORRY TALAGA. :( MAPAPATAWAD NIYO PA BA KO? ANYWAY, SORRT ULIT.)

VOTE... COMMENT... ^______^

YOU CAN FOLLOW ME ON TWITTER @praybeytlaurice :) thalamath. ^^,

Fall inlove With An ANGEL [VICERYLLE] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon