*
"... Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita, Karylle. Tandaan mo ring, may nagbabatay sayo mula doon..." rinig kong sabi niya dahil sobrang nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa pag-iyak habang hawak ko pa rin ang gitara ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa gitara. "... Pangako mo na bubuksan mo ang puso mo para sa taong talagang para sa'yo. Pero tandaan mo at lagi mong isipin na minsan sa buhay mo ay minahal ka nang katulad ko..."Hindi parin ako makapagsalita. Pakiramdam ko kasi, ito na talaga ang huli naming pagkikita. Gusto kong namnamin ang oras na tong kasama ko siya. Gusto kong magsalita pero yung dila ko parang umatras. Pakiramdam ko kahit pigilan ko siya. Wala na rin akong magagawa.
Dama kong hinalikan niya ang kamay ko bago muling magsalita. "... May mawawala man ngayon, pero alam kong may papalit sakin. Gusto ko makita kitang masaya mula sa taas. Lagi kitang babantayan, ako ang anghel na tagabantay mo. Hindi man tayo magkasama pero pangako ko, hinding-hindi kita pababayaan, Paalam at Mahal na mahal kita, Karylle."
Hinawakan niya ang baba ko at naramdaman kong papalapit siya sakin dahil dama ko ang paghinga niya. Napapikit na lamang ako habang tuloy sa pag-agos ang luha ko. Hanggang sa tuluyan nang naglapat ang labi namin sa isa't isa.
Yung halik naming, punong puno nang pagmamahal ngunit may kasamang pangungulila. Pangungulila sa pag-alis niya at muling pagbalik kung saan siya nagmula.
BINABASA MO ANG
Fall inlove With An ANGEL [VICERYLLE] (COMPLETED)
FanfictionAn Guardian Angel sent from heaven and a Woman that's so stubborn. Paano kapag nagkaharap sila? Magkakasundo kaya sila? O lagi nalang nagtatalo? Or ELSE.... May mamuong PAGSASAMAHAN na mauuwi sa PAGMAMAHALAN? "Fall inlove with an Angel" [VICERYLLE]...