---xxx---
Kinabukasan...
"Flight na namin bukas. Inaasahan kong tutuparin mo yang promise mo sa akin Ana Karylle." seryosong sabi ng kanyang ina sa kanya.
"Yes, Ma. Pakasaya nalang kayo ni Tito Dolphy doon. H'wag niyo na kong alalahanin..." sabi ni Karylle habang nakatingin sa cellphone. 'Sanay naman na akong mag-isa.'
"Buti naman. Parang awa mo na, magpakatino ka habang wala kami." sabi pa nito. ".. Teka, where's JM?"
"Nasa kwarto niya siguro Ma..." sagot ni Karylle at tumingin sa kanyang ina. ".. Siya nga pala, pupunta kami ng park."
"Sino magdadrive sa inyo? Pagdadrive pa ko ni Manong Johnny papuntang mall to buy some stuffs." salita naman ng kanyang ina sa kanya.
"Ano? Bakit.. Urgh. Okay. Siguro si JM nalang ang magdadrive." medyo nairitang sabi Karylle.
"Marunong ba yung magdrive?" takang tanong ni Zsazsa sa anak.
"Siguro. Basta. Kinuha mo yung driver ko eh. Kaya no choice. Tsaka diba, ayaw mo akong pagdriven?" sabi nito at tumayo. ".. Puntahan ko lang si JM" paalam nito at tuluyang pumunta sa taas. Naiwan namang napabuntong hininga naman ang kanyang ina.
-,-,-,-,-,-,-,-,-,-
"JM?" kumakatok na pagtawag ni Karylle sa may labas ng kwarto ni JM. Pumihit naman ang doorknob at nakita ni Karylle si JM na suot ang isang white V-neck shirt at black jeans plus simple shoes.
"Ayos lang po ba yung suot ko? Me...medyo hindi po ako komportable." kamot ulong sabi ni JM. Nakatulala naman sa kanya si Karylle.
"Ah." sabi ni JM at kinaway ang kamay niya sa malapit na mukha ni Karylle na napabalik na rin sa wisyo.
"Ano... T...Tara na?" nauutal na sabi ni Karylle.
"Pero. Hindi mo pa sinasabi kung ayos lang ang suot ko." salita pa ulit ni JM at tinignan ang suot niya.
"H...ha?" sabi ni Karylle at pinasadahan ng tingin si JM. ".. Ayos naman ah."
"Talaga?" di makapaniwalang sabi ni JM. Tumango naman si Karylle as sign of assurance.
"Kaya, tara na!" aya ni Karylle at hinakawan ang kamay ni JM.
Naramdaman nanaman ni JM ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Nilagay naman niya ang isa niyang kamay sa dibdib niya.
'Ano ba talagang nangyayari sa akin?'
*************************
"JM, marunong ka bang magmaneho?" tanong ni Karylle sa kanya.
"Magmaneho?" takang tanong ni JM.
"Drive?" sagot pero patanong na sabi ni Karylle. ".. Kotse."
"Magmaneho? Oo... Oo. Marunong ako." tumatangong sabi ni JM.
"Good. Tara na." aya pa ni Karylle at pumasok na sila kotse.
''San Pedro?! Pa'no po ba magdrive?" usal nang isip ni JM at nakahawak na siya manibela.
Bigla namang umandar ang kotse na ikinabigla ni JM.
"Nice driving skills ha." nakangiting sabi ni Karylle.
"Ha?" takang tanong ni JM at napatingin kay Karylle. Kusang gumagalaw ang kamay at paa niya na siyang nagpapaandar sa kotse.
"Sa Park tayo ha." simpleng sabi ni Karylle na nakadungaw sa bintana.
"San Pedro anong nangyayari sa nga kamay at paa ko?! Tsaka ano ba tong umaandar na bagay na ito?!"
-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-
BINABASA MO ANG
Fall inlove With An ANGEL [VICERYLLE] (COMPLETED)
FanficAn Guardian Angel sent from heaven and a Woman that's so stubborn. Paano kapag nagkaharap sila? Magkakasundo kaya sila? O lagi nalang nagtatalo? Or ELSE.... May mamuong PAGSASAMAHAN na mauuwi sa PAGMAMAHALAN? "Fall inlove with an Angel" [VICERYLLE]...