General POV
"Ah, Ma'am.. Saan po ba tayo pupunta?" biglang tanong ni JM kay Karylle.
"Hindi ko rin alam eh. May alam ka bang lugar? Ayoko pa kasi talagang umuwi. Nababagot lang ako sa bahay." seryosong sabi ni Karylle. Napaisip naman si JM kung saan sila pwedeng pumunta. Kusa nanamang gumalaw ang kamay at paa ni JM na ikinabigla niya nanghuli.
Dinala sila nito sa isang lugar kung saan may mga batang may sakit katulad ng cancer o anumang malalang sakit.
"Childhaus?" takang tanong ni Karylle. Napatingin naman si JM sa kanya. Sa katunayan ay alam niya ang lugar na ito dahil nakikita niya ang lugar mula sa langit.
"Pasok po tayo sa loob?" aya naman ni JM sa kanya.
"Sigurado ka ba? Pero... Pero pa'no mo nalaman tong lugar?" takang tanong ni Karylle.
"Ah. Basta po. May.. May problema po ba?" nag-aalinlangang tanong ni JM.
"This Childhaus is mine. Ako ang nagmamanage nito." sagot naman ni Karylle na ikinabigla ni JM.
"Ga...gano'n po ba?" tanging nasabi nalang ni JM.
"Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito eh." maliit na ngiting sabi ni Karylle.
"Bakit? Hindi na po ba kayo pumupunta dito?" usyosong tanong ni JM.
"O...oo. Masyado na kasi akong nagpakasasa sa pagpaparty sa club. Hindi ko naisip.. Naisip na may mga bata palang naghihintay sa akin dito." sagot naman ni Karylle. "Tara. Pasok tayo sa loob."
Napangiti naman si JM dahil sa natuklasan niyang side ni Karylle.
"May pag-asa pa siya."
-,-,-,-,-,-,-,-
"Ma'am Karylle, ang tagal mo pong hindi pumunta dito ha." nakangiting sabi ni Pinky - nakatokang namamahala sa Childhaus habang wala si Karylle.
"Sorry Pinky ha. Masyado lang kasi akong naging busy eh." alinlangang sabi ni Karylle.
"Okay lang po yun Ma'am Karylle." nakangiting sabi ni Pinky. ".. May kasama po pala kayo."
"Ow. Yes. Pinky si JM, Ah. Bodyguard slash driver ko." nakangiting pagpapakilala ni Karylle. Nagshake hands naman silang dalawa.
"So, kamusta na ba si Lauren?" tanong ni Karylle kay Pinky.
"Ayun po, minsan sinusumpong parin po ng asthma niya. Mas malala nga po yung pagsumpong nitong mga nakaraang araw eh. Tsaka, namimiss ka na niya Ma'am Karylle. Pero don't worry, hindi naman po namin siya pinapabayaan lalo na ni Laurice. Gusto mo po ba siyang puntahan?" hindi mawalang ngiting sabi ni Pinky.
"Si...sige. Namiss ko rin yung batang yun eh." nakangiting sagot naman ni Karylle.
Sumunod naman sila Karylle at JM kay Pinky papunta sa kwarto kung nasan si Lauren.
"Oops. Natutulog pala siya." nakangiting sabi ni Pinky nang makapasok na sila sa silid ng bata.
"Kanina ko pa siya pinatulog. Inaantok din kasi siya eh." nakangiting sabi ni Laurice na nagbabantay kay Lauren.
"Uhm, pwede bang iwan niyo muna kami dito kay Lauren?" sabi naman ni Karylle sa dalawa at tumango rin naman sila bago lisanin ang silid. Lumapit naman ang dalawa kay Lauren na mahimbing na natutulog.
"Ma'am, sino siya?" biglang tanong ni JM.
"Siya si Lauren..." sagot ni Karylle habang hinahaplos ang ulo ni Lauren. ".. May cancer siya. Sinabayan pa ng pagsumpong ng hika. Maraming doctor na ang nagsabi na wala na daw pag-asang tumagal pa ang buhay niya."
"Ah. Wag po sana kayong mawalan nang pag-asa. Tutulungan siya ng Diyos para maduktungan pa ang buhay niya. May awa Siya. Basta lagi lang nating ipagdasal ang kalagayan niya. Siguradong tutulungan siya ng Diyos para mabuhay bilang normal na bata." walang alinlangang sabi ni JM. Napailing naman si Karylle.
"Doctor nga hindi siya mapagaling, yun pa kayang dasal na sinasabi mo?" sarkastikong sabi ni Karylle habang tinitignan si Lauren na mahimbing na natutulog.
"Alam mo Ma'am, subukan mo pong buksan ang puso at isip mo para sa Kanya. Hangga't alam Niyang nananalig ka sa Kanya. Lahat ng kailangan mo hingin mo man o hindi, ibibigay Niya." inosenteng sabi ni JM kay Karylle.
"Ang lalim ng mga sinasabi mo ha." nakangiting sabi ni Karylle. ".. Kung totoo yang sinasabi mo, bakit naghiwalay ang mga magulang ko? Bakit maraming bata ang may sakit? Mga batang hindi nagagawa abg mga bagay na dapat ginagawa ng mga ordinaryong bata katulad ni Lauren?"
"Ma'am. Hindi mo o natin makukwestyon ang Diyos. Lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan. Maganda man o hindi. Kung hindi man maganda ang nangyari katulad nang nangyari kay Lauren, may dahilan at paraan kaya iyon nangyayari. Ang dapat lang nating gawin at manalig sa kakayahan Niya." walang pag-aalinlangang sabi ni JM at nakangiti.
"Bakit ganyan ka magsalita? Parang iba ka talaga. Pakiramdam ko may hindi ako alam sa'yo, ano ka ba talaga?" takang tanong ni Karylle dahil nacucurious na rin ito sa mga ginagawa at sinasabi niya. Punong puno ng kahulugan.
"H-ha? Wala po. Ano, na-natutunan ko lang yun sa... Sa Nanay ko." alinlangang sabi ni JM, napatango naman si Karylle dito.
May tumulo naman mula sa noo ni JM at agad niyang pinunasan iyon.
'Ano ito? Parang.. Parang ito yung nangyari din kay Ferdie. Naguguluhan na ako.'
---xxx---
(A/N: Sorry Guys! Ngayon lang nagUD. naging Busy kasi ako nang tatlong araw eh! Pero don't worry tutuloy ko itong story hehe. Thalamat sa support! ^____^)
BINABASA MO ANG
Fall inlove With An ANGEL [VICERYLLE] (COMPLETED)
FanfictionAn Guardian Angel sent from heaven and a Woman that's so stubborn. Paano kapag nagkaharap sila? Magkakasundo kaya sila? O lagi nalang nagtatalo? Or ELSE.... May mamuong PAGSASAMAHAN na mauuwi sa PAGMAMAHALAN? "Fall inlove with an Angel" [VICERYLLE]...