PART 1 - ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and Anger

658 7 2
                                    

"Full Baps muna!"

"Steel Body na ako ha"

"FCP! FCP!"

"Devo mo ung Bio pre"

"Oh game lure ko na ha"

"Pota naman! Devo!"

"Ayan ma dededs na yan"

Congratulations! You are the MVP!!! Your reward EXP Points are 173589!!!

Congratulations! You are the MVP!!! Your reward item is Oridecon.

You got a Oridecon 1.

-----

Mr. Ocampo.....

Mr. Ocampo..........

Mr. Ocampo!!!!

*Blag*

"Aray! Sinong nambato ng eraser?"

Nakatingin lahat ng classmate ko sa aken, yung iba nagtatawanan yung iba nagtatakip ng mga mukha na parang nakakita ng nakakadiring eksena at yung seatmate ko naman nakanguso at nakaturo ito sa direksyon ng Prof ko na palapit na sa kinauupuan ko.

"Mr. Dave Ocampo"

Mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko kanina.

"Mr. Dave Ocampo, bakit mo tinutulugan ang klase ko!?"

"Sorry po mam, puyat lang po kasi ako"

"So kasalanan ko ba na mapuyat ka!? Get out of my class......... NOW!"

*shit*

Habang binabaybay ko ang daan palabas ng classroom namen, naririnig ko ang mga classmates ko na nagtatawanan at nagbubulungan. Badtrip talaga! Napahiya nanaman ako.

-----

Ako nga pala si Dave Ocampo, 17 years old. Isang Business Management student sa isang Unibersidad dito sa Cavite. Hindi mabubuo ang isang araw ko sa school kapag di ako napapagalitan ng professor ko, napagtatawanan o nabubully ng mga classmates ko na ang dahilan kung bakit nag-enroll sa school na ito e pag tripan ako araw-araw. Napalabas ako ng prof ko dahil nahuli akong natutulog.Sanay na ako sa ganitong eksena, paano ba naman napuyat ako kagabe nayaya kasi ako mag Boss Hunt ng mga ka guild ko sa Ragnarok. Ay oo nga pala naglalaro ako ng Ragnarok at Valkyrie ang server ko. Yan pala ang number one reason bakit ako napupuyat gabi-gabi bukod sa pagaabang ng Wild Confession ni Papa Jack sa radyo.

Champion nga pala ang job ko sa Valkyrie. 99/70 at may imbang equips. Masarap pakinggan "Champion" sa laro, "Loser" sa tunay na mundo. Pero ok lang atleast sa Valkyrie kilala ako bilang isa sa pinakamagaling na champ ng guild namen.

*ding*

5:00pm

Aba alas-singko na pala, makauwi na gusto ko nang mag online.

Ragnarok Online

*click*

Username: dave002

Password: **********

ENTER

Bachelor

Yan ang character ko si Bachelor, tulad ng meaning ng Bachelor mayaman ako sa Ragnarok pero walang girlfriend sa madaling sabe BINATA.

Para kasi sa aken magastos mag ka girlfriend madame silang demand, masakit sa ulo at saka magastos. Masaya na ako sa ganito walang iniintindi kundi sarili ko lang.

Guildsmen Bachelor connected.

Isa sa mga ginagawa ko kapag online ako bukod sa mag BossHunt e tumambay at makipagkwentuhan sa mga ka-guild ko, mag Buy and Sell sa Prontera, mag PVP at WOE.

*Warp Portal*

Prontera

[Welcome to Bad Boys Guild]

[WOE: Monday & Wednesday 8:00pm - 10:00pm / Saturday 2:00pm-4:00pm]

Pumunta ako sa tambayan namen sa left kafra ng prontera, walang tao. Character select muna makapag Buy and Sell.

Character Select

Binuksan ko ung merchant ko si IngatYaman. hehe cool ng name no? literal ang name ng mga character ko, si IngatYaman ang tagapagtago ng zenny ko.

Alt+V

1,258,372,420z

Aba naka 1B na pala ako, makapag trip nga na i benta to. Punta ako sa PHP Seller Spot at makapag gawa ng pub.

ALT+C

S> 1/m Cavite-Manila Area 

(MissTake) has entered.

Aba may pumasok sa pub ko babaeng High Priest 99 din sya.

-----

itutuloy

ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and AngerNotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon