PART 15 - ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and Anger

242 4 7
                                    

hindi naman ako ang nakipagbreak, kusa ko syang iniwan

ha? teka teka parang magulo ang kwento mo dave!

4th year 2nd grading period namen ng maglakas loob akong lumapit sa kanya para magtapat ng nararamdaman ko. nagulat ako nang sumagot agad sya ng oo, oo kase kame na daw. di ko alam ang gagawin ko nun. pero tuwang tuwa ako dahil ang pinaka magandang babae sa klase namen eh girlfriend ko. sya ang unang girlfriend ko. punyeta sya.......

oh teka teka dave bakit napamura kana dyan?

naging kame simula mid 2nd grading period hanggang 2 days bago mag graduation, ang sweet nya naman sa aken, ganun din ako sa kanya. sa sobrang loyal ko sa kanya kulang na lang eh halikan ko ang sapatos nya, lagyan nya ako ng kadena at ilakad sa park. mahal na mahal ko sya pare pero nalaman ko na lang na....

na ano? tanto pa bitin naman eh

nalaman ko na pinagkatuwaan lang pala ako, Ragnarok player kasi sya.

oh RO player un aus ah pakilala mo ako

unggoy wala na ako pakialam sa kanya.

oh anung pinagkatuwaan?

pinagpustahan lang pala ako ng mga kaibigan nya, 1k RO load ang binibigay sa kanya sa bawat buwan na kame pa. pumayag sya dun kasi nga adik sya sa RO. kalat na kalat un sa buong section namen, kahit sa mga karatig section namen e balitang balita, hiyang hiya ako sa sarili ko nun. gusto ko nang lumipat pero malapit na kameng magtapos ng 4th year.

taena nagawa nya sayo yun?

oo sa loob ng limang buwan eh pinaikot nya lang ako sa palad nya. wala akong mukhang mapakita sa kanila, nalaman ko yun 2 days before the graduation kaya, pagkakuha ko ng diploma ko eh binirahan ko ng uwi kasama si mama.

so alam ng mama mo?

oo naman, open ako kay mama, lahat ng nangyayare sa school eh alam nya. lalo na un kasi 1st girlfriend ko un eh sobrang sakit nun pare sa tingin mo ba eh matutuwa ako sa ganun?

naku sensya kana pare nahalukay ube pa naten yan

ok lang pre mapagkakatiwalaan ka naman eh di lang halata sa mukha

tanamo! hahaha emo mode ka nanaman akala ko ba magbabago kana

eto na nga sinisimulan ko na eh

Natahimik kame ni Cris ng mga ilang minuto hanggang sa magsalita sya.

wag mo kasi ikulong ang sarili mo sa nakaraan, kung natatakot kang magmahal muli eh ano naman!? di mo malalaman kung anong meron sa kabilang dulo ng tunnel kung di ka dadaan. hindi ka tatapang dahil sa mga sugat kung di ka madadapa.

.................................tama ka

di ka naman dapat sumuko sa ganyang pagsubok sa buhay mo, di mo naman ikamamatay yan pre dapat nga maging matapang kapa eh

.......................

subukan mo kasing buksan muli yang puso mo, naranasan mo na ang ma-inlove diba?

............................oo kahit papano

oh un naman pala eh! anong pakiramdam!?

.................masaya

gusto mong maranasan ule?

.................oo naman pero.....

wala nang pero pero, kung may pagkakataon kang sabihin sa isang tao ang nararamdaman mo, wag kang mag dalawang isip sabihin agad ito sa kanya. kasi kung ipagpapabukas mo pa eh baka maunahan ka nang iba at pagsisihan mo pa.

..........................................

walang taong nagkasyota sa mundo na dinaan sa kindat lang, lahat ng bagay sa mundo eh pinaghihirapan

example nun eh ung ginagawa mo ganun?

oo mismo! patunayan mo sa kanya, sa tingin mo ba kapag nagkita kau ng hazel na un na ganyan ka pa din baka tawanan kapa nun eh, pagong nga kahit mabagal nag mmove on, ikaw pa kaya.

make sense ha, salamat parekoy!

taena ikaw lang eh, di naligo ka sa sermon ko hahaha

ok lang tara sa labas yosi

geh

Sinampal ako ni Cris ng katakot takot na pangaral may sense din naman eh. Ngayon ko lang sya narinig ng ganun ibang klase pala sya kung mag sermon. Tama sya pagong nga nagm-move on kahit mabagal, ako pa kaya!?

pabile 2 malboro pula

*hit hit*

*buga*

Siguro ito na nga ang tamang panahon para limutin ang lahat. Di ko akalain na sa abnoy na to pa ako mauuntog para matauhan. Salamat parekoy shokoy.

*11:15am*

Haba ng vacant namen. 1pm pa pasok namen, sinamahan ko si Cris kasi pinuntahan nya si Jacky ang aming presidente. Bitbit ni Cris ang isang sandwich at juice na may halong pagmamahal. Habang ako ay bitbit ang bag nya na may halong sama ng loob. Ginawa akong maid ni Cris amp. Nang makarating na kame sa lugar ni Jacky hinayaan ko na silang mapagisa moment na nila yun eh habang bitbit ko pa rin ang bag ni Cris.

*tut tut*  *tut tut*

Aba nag text si Nic, wala naman ako extra load. 

hi dave :(

Aws! Mukhang malungkot ah pano kaya toh, Hiniram ko muna cellphone ni cris sakto globe si kumag.

nic c dave 2 ano ang prob?

buti naman at globe kana din dave :(

nakitxt lang ako oh bakit ka naman sad

bad mood eh

panung bad mood?

may kaaway ako eh

sinong kaaway tara itutupi ko sa walo

hehe di po wag ganun

eh sino ba yang nangaaway sau?

ung boyfriend ko po.......

.....................................................

Tumigil ang tibok ng puso ko. Nanlaki ang mga mata ko. Tumindig ang mga buhok ko sa katawan. Nanlamig ako bigla. Huminto ang oras. Ang mga tao sa paligid ko ay tumigil din sa mga ginagawa nila. Nakita ko pa nga yung isang estudyante na nakayuko at akmang kukunin ang bente pesos na papel na nasa lupa. Nanuyo ang lalamunan ko. Gustuhin ko mang lumunok ng konting laway ay di ko magawa. Nagpawis ang magkabilang kili-kili ko. Tumulo ang luha sa aking mga mata. Binasang muli ang text ni Nicole.

ung boyfriend ko po.......

*sampal sa mukha*

-----

itutuloy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and AngerNotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon