Nagpunta ako sa Mosco pero gamit ko pa dn ang level 1 Bow Mercenary. Katabi ko si Nic pero madameng nadikit sa kanyang mga lalake. Kalat pala sa buong Moscovia ang ganda ni Nic. Kaya ang mga manyakis na lalake eh parang bubble gum na dumikit sa buhok kung kumapit kay Nicole. Pero friendly kasi si Nicole kaya lahat sila eh kinakausap nya. Iba talaga sya. Wala akong masabe kundi ang ganda nya......
ate pede makuha friendster mo?
ay sorry wala akong ganyan eh
ay ganun baka lalake ka po /gg
oo nga pre lalake yan panggap lang yan /gg
aba teka! ang sasama nyo ah anu akala nyo sa aken chiksilog!?
bakit inde ba? mantakin mo wala ka FB man lang or friendster pano naman malalaman kung babae ka talaga!?
wahaha oo nga pare lalake yan positive!!!
Napansin ko na pinagtutulungan si Nicole ng mga utak lamok na lalake dito sa Moscovia. Kaya nandito si Dave para tagapagtanggol.
hoy mga unano anong ginagawa nyo sa friend ko!?
bakit!? mayabang tong novice na to pare oh
oo nga pinagtatanggol pa yang chiksilog na panggap
huhuhu dave tignan mo mga yan ang sasama :(
yaan mo na sila Nicole tandaan naten name ng mga yan wag kau papakita sa Pk maps at PVP
ahh ok akala mo natatakot kame unggoy ka!?
wahaha unggoy yan pare hhahaha
tara nic lipat ng spot sa taas tau
cge po :(
Lumipat kame ng spot dun kame sa taas. PM mode kame ni Nicole, bawal kasi pub kasi di mag sskill ang alipin kong mercenary.
nagkaroon nga ako ng madameng zenny, madame naman nagagalit sa aken dave :(
shhhh wag kana malungkot nic yaan mo lang sila ganun talaga pag walang pinagaralan
eh kaso dave mahirap ang ganitong kalagayan eh :(
shhhhhhh stop it ok wag kana malungkot
kelangan ko pang patunayan sa kanila na babae ako? requirements ba talaga yun :(
naku naman nicole wag kana malungkot pleaseeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
.....................
............
......
ok sige smile na uli ako hayaan na naten sila maglaway sila :)
tama yan hahaha
hehehe salamat dave
walang anu man nic :)
Napasarap ang kwentuhan namen ni Nicole at di ko namalayan ang oras. Naaaliw din kasi ako mag pa level, umabot ng 80 ang level ng novice ko. Di na masama prem+afm ba naman kaya mabilis mag palevel. Sakto pa may puhunan pa ako para mag paleech.
*11:30pm*
aba nic 11:30 na pala mauna na ako sau may pasok pa ako bukas
sige dave wala ako pasok pag lunes eh :)
sige nic nyt nyt :)
nyt dave :) salamat sa time
sure no prob :))
Natulog ako na may bakas pa ng ngiti sa mga labi ko. Tanda na nasisiyahan ako sa ginagawa ko. Ang pakiramdam na mainlove sa unang pagkakataon, ung tipong di ka makatulog kakaisip sa babaeng nililigawan mo. Para kang lumulutang sa ere tapos kaya mo pang lumakad sa ibabaw ng tubig. Grabe inlove naba ako sa kanya, baka ma basted ako pag nanligaw ako sa kanya? Ayoko ng na rereject masakit sa pakiramdam un eh, alam ko na daanin ko na lang sa pagkakaibigan bago ako manligaw sa kanya, pero pano nga kung ma basted ako? Anung gagawin ko!?
Naku tama na nga yan! Never ako maiinlove, flirt lang tong nararamdaman ko tama na ang ilusyon mo Dave. Mahirap umasa sa isang bagay na alam mong wala ka naman talagang mapapala.
Hay tama na ang pag iisip matutulog na ako, maaga pa pasok bukas kasi may flag ceremony pa kame eh.
ZZzzzzzzZZZZzzzzZZzZ
*5:30am*
Rise and Shine Dave Ocampo! Ang ganda ng gising ko parang ako magandang lalake. *LOLZ* Isang mabilis na asikaso para pumasok sa eskwela tulad ng araw araw na nangyayare sa bahay namen, nandoon si mama sa teritoryo nya ang kusina para maghanda ng makakaen namen sa umaga. Hotcake at Hot Chocolate for breakfast? Taman tama para sa isang katulad ko na Hot Guy. Dame kong naiisip ngayon ah, mukhang maganda ang pasok ng lunes para sa aken. Wish me Luck Whammy. Pagkatapos kumaen, nagpasalamat ako kay mama para sa isang masarap na almusal na hinain nya sa aken. Sabay panik sa kwarto para maligo.
Kuskos dito. Hilod doon. Punas dito. Sabon doon. Shampoo dito. Toothbrush doon. Facialwash dito. Cleanser doon.
Ayos Fresh nanaman ako. Sinuot ang uniporme. Suot ng medyas at Black shoes. Nagmano kay mama. Humingi ng baon. Now im off to school.
Nagaabang ako ng tricycle. Nakakapanibago wala pa din si tatang? Siguro tinanghali lang ng gising si tatang, dala na din ng katandaan nya. Sumakay ako sa ibang tricycle, ayos din naman mabilis ang biyahe. Baba sa kanto sakay ng babybus. Tsempo ako sa babybus magaganda ang tugtog, masasabe ko na ang driver nito ay namulat sa tugtog ng dekada nobenta. Nakakamiss ang Eraserheads. Mga kasabay ko eh mga kapwa ko estudyante din mga ka schoolmate ko. Naaaliw na ako sa tugtog sa babybus ng may nag text....
goodmorning dave, ingat sa pagpasok :)
Aba si Nicole nag text? Umagang umaga akalain mo yun kaso wala ako load kaya di ako makakareply saka magkaiba kame ng network eh. Kaparehas ng network namen ang ugali namen at pananaw sa buhay, magkaiba...
Para po!
Bayad po estudyante
Nagaaral mabute
Sinuot ko ang ID ko tanda ng pagsunod sa batas ng eskwelahan. Pero ang pinagtataka ko, bakit kailangan pa ng ID!? Sinasabe nila na ang ID daw ang tanda na ikaw ay estudyante ng paaralan na ito pero para saan pa ang uniform namen!? E di sana nag civilian na lang kame kung mag i-ID din pala.
Pero wala akong magagawa kailangang sumunod sa alituntunin ng paaralan. Pinuntahan ko ang pila namen at tulad ng inaasahan nandun na agad si Cris, nakaupo sa railings at nakikipagkwentuhan sa mga babae. Matindi talaga ang kaibigan ko matulis sa chicks.
oi dave aga mo ah!
oo naman flag ceremony eh
ahaha oo nga noh, nabalitaan mo din pala ang memo ng school
oo! ung absent na for the whole day pag di naka attend ng flag ceremony
haha oo un nga
wala naman tayo magagawa cris eh
oh mag sstart na pila na tayo
*Drum Roll*
Handa Awit!!!
-----
itutuloy
BINABASA MO ANG
ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and AngerNotes
FanfictionLaro lang sa Computer, na naging laro din ng pag-ibig Nasa wattpad na ang storya na sinusubaybayan sa facebook :) WARNING: Nakakaadik tong basahin