PART 12 - ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and Anger

154 1 0
                                    

*9:16am*

Sarap ng tulog ko. Bumangon ako para umupo uli sa kama ko sabay nag isip ng magandang gagawin sa buong araw.

Ano ba ang magandang gawin this Sunday morning? DVD marathon? wala naman akong bagong bala na mapapanuod. Food trip? wala naman makakaen. Maggala uli? pwede may pera naman ako eh. Eh saan naman kaya ako gagala? kung mag mall ako, nakakaiyak naman kasi solo mango lang ako.......

Alam ko na! Ililibre ko si mama matagal ko nang di nagagawa kay mama yun eh. Pero ang totoo di ko pa nagagawa kay mama yun, ang ilibre sya. Ngayong may pera na ako pwede ko na sya dalin sa paborito nyang restaurant para kumaen. Tama! yun nga ang gagawin ko, masuklian man lang ang mga nagawa nya para sa aken. Masuklian man lang ang pagbibigay nya ng buhay sa aken, ang paggising ng maaga para paghandaan ako ng makakaen ko bago pumasok sa eskwela, ang paglalaba ng mga damit ko, ang walang sawang pagpapaalala na may magulang ako na handang makinig sa lahat ng problema ko, ang pagpunta sa school para kausapin ang Guidance Councilor para i depensa ang unico hijo nya, ang pagluluto ng masasarap na pagkaen, sa pagaaruga, sa pagmamahal.

Maraming salamat sayo ma, tama yun ang gagawin ko ngayon ang idate si mama. Dali dali akong bumaba para sabihin kay mama na lalabas kame para kumaen. Tulad ng inaasahan nandun sya sa kusina para mag luto ng almusal namen.

Good morning ma, anung almusal naten?

Champorado anak

naku masarap yan ah

oo naman luto ni mama eh

mas ok ma kung sa labas tayo mag llunch

ha? san ka naman nakakuha ng pera ha, baka nag susugal kana ha

naku indi po basta may pera ako at mag dadate tayo

oh sige anak sa labas tayo mag llunch

thanks ma, tama na po yan kaen na tayo

eto na matatapos na to

Ninamnam ko ang luto ni mama. Simple lang pero masarap. Parang si Hazel. Gaguhan amp! bakit ba pumasok sa utak ko yun? Nahahawa na ako kay Paul at Cris eh.

Pagkatapos kumaen nuod ako ng TV, puro pakilig na mga storya lang ang napapanood ko di ako maka relate. Nakakaawa naman ako. Pihit dito pihit doon wala talagang magadang palabas puro mga artista lang na dinaan sa mukha at ganda ng katawan pero pag pinagsayaw mo puro kaliwa ang step at pag pinakanta mo puro low notes nakakabobo lang panuorin ang mga ganyang artista. /swt

Panik ako sa kwarto para mag Ragnarok.

Ragnarok Online

*click*

Username: dave002

Password: **********

ENTER

Wala naman magawa, walang woe wala na din yung guild namen. Kung gumawa na lang kaya ako ng guild? Totohanin ko na kaya? Alam ko na gagawa ako ng bagong character gagawa ako ng breaker na sinx, tama yun nga ang gagawin ko habang hinihintay ang oras para sa date namen ni mama.

Gumawa ako ng bagong character, ano kayang magandang name? Matagal akong nag isip, nag-google din ako para sa mga cool name pero wala akong nagustuhan. Eto na lang.

- Philophobia -

Ayan hehe ang pinaka cool na name sa balat ng lupa. Hahapitin ko nang pa level to para maging top breaker ng Valkyrie.

Nagtraining ako sa Novice Grounds walang tao kundi ako lang. Sundot dito. Sundot doon. Tagal mag level 15 para mercenary na ako. Nakailang kill na ako ng katakot-takot na mob dito eh di pa rin ako nag lelevel 15.

ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and AngerNotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon