PART 6 - ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and Anger

159 3 0
                                    

Anung ulam naten ma?

Ano pa e di ang paborito mong ulam

Binuksan ni mama ang takip ng mangkok at bumulwak ang mabango na may konting asim na amoy. May kulay puti, berde at mamula-mulang bagay akong nakita na lumulutang lutang sa ibabaw nito.

Aba! sinigang na hipon! /hungry

Oh! maghugas muna ng kamay bago kumaen

Opo mama!

Subo sa kanan, inom ng tubig sa kaliwa. Ang sarap talaga ng luto ni mama . Naparame ako ng kaen lumobo ang tiyan ko para na akong Bigfoot or ZipperBear sa laki ng tiyan ko.

Habang nililigpit ang pinagkainan...

Oo, nga pala ma aalis ako bukas punta ako MOA

Oh anung gagawin mo dun?

mamamasyal lang po ako

ah, akala ko may ka date kana uli anak eh

mama naman, pass na ako sa mga ganyang bagay

anak naman, wag mo ikulong ang sarili mo sa nakaraan dapat matuto kang mag-move on

ma, matagal na akong nakamove-on it's been 4 months hello

oo nga kaya pala ganyan ka kung mag-react pagdating sa babae noh

pero ma...

subukan mong buksan muli yang puso mo wag kang matakot normal yan na pinagdadaanan ng isang teenager

opo......

*silence*

Eto nanaman kame. Ang sugat na matagal ko nang dinadala. Ang peklat na di na mabubura ng siyensya. Ang sakit na kahit anong pain-killer ang inumin ko eh hindi tumatalab. Kahit ilang litro pa ng anestisya ang iturok sa aken eh ramdam ko pa rin ang sakit. Na kahit ata sa kabilang buhay ay daladala ko. Ang sakit na pinaranas sa akin ng aking unang pagibig. Pagibig na akala ko ay sya nang huli. Tama nga huli.... huli na nang malaman ko ang lahat. *bullshit*

ma panik na ako sa taas

sige iho, ako nang bahala dito 

Panik ako sa taas. Pasok sa kwarto diretso sa banyo, bunot sa likod ng cabinet upo sa trono. Marlborong Pula at Lighter ang kasama pagkatapos kumaen ng isang masarap na putahe. Isa ito sa mga sikreto ko kay mama ang aking bisyo na paninigarilyo, ewan ko ba pero kakaiba ang pakiramdam kapag bagong kaen ka tapos hihithit ka ng isang sigarilyo.

ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and AngerNotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon