PART 9 - ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and Anger

139 1 0
                                    

Message > Write Message 

sorry nandito na ako sa MOA asan kana?

*Sent*

Nagpunas ako ng pawis gamit ang dala kong panyo.

*tut tut*  *tut tut*

where have you been!? late kana ah

sorry trapik eh asan ka na?

level 1 ice skating rinks

ok w8 mo ako jan

Wew! taena hinihingal ako sa pagod eh at sa inet. Punta na ako ice skating rinks para matapos na to. Pinaspasan ko ang lakad na parang malapit na ako sa finish line.

Nakarating na ako sa ice skating rinks na hinihingal pa din.

ei asan ka dito, anu suot mo? dameng lalake dito di ko alam sino ka d2

wtf! babae nga po ako! grrrrr!

ok ok asan ka nga dito?

ako yung naka shirt na white long hair at naka maiksing shorts at may backpack.

Kaliwa't kanan na ang tingin ko pero wala pa rin. Di ko sya makita sa dame ng tao. Text uli ako..

 di pa dn kita makita eh

hmp! ikaw anong suot mo?

naka-polo shirt na white tapos may headset, pantalon n white shoes

*Sent*

aun! cge kita na kita, and you are???

call me dave

Bigla akong napalooban ng katakot takot na tarou sa dibdib at limpak limpak na creamy sa tiyan. 

Hey Dave!!!

May tumatawag sa aken pero di ako pamilyar sa boses. 

Hey Dave!!!

Inulit nya uli, sa likuran ko nanggagaling ang boses. Nakita ko na sya. . .

Mr. Dave finally nakita din kita!

Totoo ba ang nasa harapan ko!? Isa syang babae! Napa OMG WTF ako sa nakita ko. Parang nandito si Guldo dahil biglang tumigil ang oras, yung babae lang at ako ang nakakagalaw. Papalapit sya ng papalapit sa aken! Babaeng may tangkad na 5'3 mahaba na straight ang buhok na hanggang dibdib tpos kulot ung dulo,  burol ang likurang bahagi, bundok naman ang sa unahan, makinis ang hita kagaya nung katabi ko sa bus kanina, may killer smile na susi sa walang katapusang giyera sa Mindanao, bilugang mata na pinaganda pa lalo ng contact lens nya na asul, matangos na ilong, simple ang make-up polbo lang saka lipgloss ang ginamit para lumabas ang ganda nya. Eto ba si MissTake!? Napalunok ako ng mga tatlong ulit. Sabay tingala baka mabagsakan ako ng Colt 45 tulad nung napanood ko na patalastas sa tv.

Papalapit na sya nang papalapit. Dala nya ang ngiti na nagpapanginig ng mga tuhod ko. Tangina sya ba talaga yan!? Tanong ko sa mga bulate sa tiyan ko. Pero pano!?  Imposibleng Ragnarok player yan! Eto na sya ilang hakbang na lang ang layo namen sa isa't isa. 

Hello Mr. Dave the Bachelor

Inabot nya ang kamay nya para makipag handshake. Sabay ngiti uli na nagpanginig sa aking mga labi.

h-h-h-h-hello m-m-m-misstake

Inabot ko ang kamay ko na nanginginig sa kaba

oh para ka namang nakakita ng ghost nyan dave

ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and AngerNotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon