PART 3 - ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and Anger

199 2 1
                                    

*8:17am*

arghhhh... alas otso nanaman!

Yan ang oras ko ng pagbangon fix yan kahit late na ako matulog, pero pagdating ng hapon inaatake na ako ng pinakamahirap na kalaban sa lahat ang antok.Kaya malimit napapagalitan ako ng prof ko kasi nahuhuli akong tulog sa klase.

Dave baba na dyan kakaen na!

Andyan na po ma!

Bago bumaba tinignan ko muna si IngatYaman na iniwan kong nakatambay sa secret tambayan ko sa Alde Baran, nagulat ako at may nag pm sa aken.

MissTake: ui, sell mo pa ba ung zenny?

MissTake: sure buyer naman po ako e, don't worry :0

Bigla kong naalala ung buyer ng zenny ko! Hinanap ko ung cellphone ko at daliang tinext ung buyer...

Ako ung Bachelor na selling ng zenny, sunday @ MOA 2pm onwards

*Check Operator Service*

Naku naman! check op pa ako, mamaya ko na nga lang i-tetext makakaen muna baka ma-late pa ako sa school eh.

*ligo mode*

Pagkatapos kong maligo bumaba na ako para kumaen ng almusal nang bigla kong matanaw ang nakahain sa hapag-kainan. Biglang kumislap ang aking mga mata /bling. Panung di ako matatakam eh ang paborito kong almusal ang nasa lamesa.

Sinangag

Tinapang Bangus

Sawsawan ay Suka na may bawang at sili

Icecold Ice tea

*burp*

Busog nanaman,toothbrush na ako tapos larga na papunta sa battlefield na kilala din sa tawag na school.

Ma, alis na po ako!

Habang nag aabang ng masasakyan sa labas, biglang lumakas ang tibok ng puso ko ung mga paso sa paligid ng bahay namen eh nag-galawan...

Taena may lindol ba!?

Palakas ng palakas ang bayo na naririnig ko, pamilyar ang tunog na un...

*beep*   *beep*

Iho sakay na, malalate kana sa eskwela

Si Tatang lang pala yun. Meet Tatang sya lang ang kilala kong Tricycle driver na sumasabay sa uso. Biruin mo ung tricycle nya e nagmistulang mobile tricycle. Alam mo kung bakit, imagine may dalawang de-diyes na speaker sa ilalim ng upuan tapos may makukulay na ilaw sa paligid ng tricycle, na kapag nagpatugtog na sya eh parang lumilindol pag nadaan sya.

boom boom pow

gotta get that

boom boom pow ....

Wasak nanaman ang eardrums ko nito pero enjoy hehe. Music lover dn kasi ako eh, at ang matindi dito ginagamitan ng buzzer para makapara ka, kasi di ka nga nya maririnig sa lakas nya magpatugtog.

*buzz*

Dito na lang ako sa kanto tatang, eto ho bayad ko.

Ingat Dave!

Salamat tang~

Sakay naman ako ng baby bus, tama kayo sa nabasa nyo baby bus isa ito sa mga palatandaan na nasa Cavite kana. Ang baby bus ay parang bus pero baby pa lang. Ang setup at itsura ng baby bus? Isipin mo may naka set na sounds sa loob nito may speakers, amplifiers, at music player kung minsan nga may tv dn eh indi ito naka aircon pero ang tatatak sayo at ang unique sa baby bus eh ang panlabas na itsura nito. Isipin mo ung bus ginawang canvass at dinorawingan ng kung ano-ano. Ipinapakita ng baby bus ang nararamdaman ng may-ari nito, tulad ng sinasakyan ko ngayon ang drawing nito sa labas eh Dallas Mavericks e di ibig sabihin ung may-ari ng bus na to eh paborito ang Boston Celtics, malinaw diba.

Kung anong ganda ng tugtog sa tricycle kanina, ganun naman ka badtrip tong nasa baby bus. Di ko alam kung Visayan song or Bicolano song tong pinapatugtog ng driver eh, mahaba pa naman ang biyahe sa baby bus tapos traffic pa tapos ganito ang sounds WTF!

May sumakay sa baby bus, isang lalake at isang babae umupo sila sa may bandang gitna at magkatabi sila, ah mag boyfriend siguro sila. Sa dulo ako nakaupo sa may kanang bahagi ng baby bus. May sumakay uli mag-syotang j3j3mon, jejejejeje. Paano ko nalaman na jejemon sila? kh4zi pOEwz uN6 pHorm4z niL4 eH kHaivA x4 fOrm4 n4t3n, saka naka jeje cap sila kaya nasabe ko na j3j3mon sila. Habang ako eh napapangiti bigla akong natigilan ng mapaling ang tingin ko sa unahan.

Napansin ko na 11 kaming sakay ng baby bus, 5 ang mag syota... natigilan ako bigla.

Pero napatawa uli ako at biglang naisip na 

Atleast ako walang pinoproblema 

Walang sakit ng ulo

Walang kunsimisyon

Masaya ako ng ganito

(Evil Laugh)

Aba malapit na pala ako sa battlefield.

*buzz*

Para po!

Bayad po, estudyante nag-aaral mabute

-----

itutuloy

ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and AngerNotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon