PART 14 - ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and Anger

167 2 0
                                    

Nilagay ko ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib. Ito ang hudyat na aawitin namen ang theme song ng Pilipinas, ang Narda.....

Naku hindi yun, joke lang! Lupang Hinirang ang pambansang awit ng Pilipinas. Proud ako sa kantang yan dahil isang kabitenyo ang sumulat nyan, si Idol Julian Felipe. Ito lang ang kanta bukod sa Narda na solo ng bawat Pilipino na makikita mo sa daan. Isa itong requirements bilang isang tunay na Pilipino. Habang inaawit  ito eh nakatingin ka dapat sa watawat habang tinataas ito. Pero si Cris nakatingin sa mga katabi nameng tourism students. Hanep kasi ang uniporme ng mga tourism dito nakakaenganyo talaga tignan.

.......ang mamatay ng dahil sayo

Tapos na ang Flag Ceremony. Dumiretso na kame ni Cris sa ameng classroom. Tulad pa din ng nakaraang linggo at ng mga nagdaang linggo pa yun at yun din ang flow dito sa loob ng classroom. Sabe nga ng teacher ko eh common sense na lang ang pairalin nyo sa topic naten for today. Napaisip tuloy ako bigla, common sense!? E di sana di na lang tayo nag-aral kung common sense din lang pala ang papairalin. Napapa S word tuloy ako sa upuan ko eh. Binasag ng teacher ko ang katahimikan ng klase nang magsambit sya ng isang sumpa.

ok class get one whole sheet of yellow paper

Patay tayo dyan! Pormang may exam kame ngayon! Di pa naman ako ung tipo ng tao na nirereview ang mga sinulat ko sa paaralan. Ang trabaho ko kasi kapag sinilid ko na sa bag ko ang notebook ko eh kinabukasan ko na ito bubuksan oh gagalawin. Hindi ako ung tipo ng tao na nagrereview lage lang akong nakadepende sa stock knowledge ko. Kaya kung minsan parang pa essay lage ang mga sagot ko. At may isa pa akong problema! Wala akong yellow paper pero tulad ng ginagawa ko araw araw dito sa eskwelahan nahingi ako sa aking seatmate na si Cris at nangangakong babayaran ito pag labasan na namen, pero tulad naman ng inaasahan nya eh di ko na ito ibabalik o papalitan.

ok write your name and section on the left side of the paper

Eto na, simula na ng pakikibaka sana eh alam ko ang isasagot sa mga tanong ni mam. Dahil kung hindi para nanamang linggo ang lunes ko dahil sa mga sermon nya sa aken. *crossfinger*

Isulat nyo muna ang mga tanong class

Amp ano kayang tanong ni mam!? At ano kaya ang isasagot ko!?

This is an essay type exam kaya madali lang...

Isulat nyo ang ginawa nyo sa nagdaang weekend?

Oh yan lang muna for now, pupunta lang ako sa library ok pagkatapos nyo dyan pwede na kayong lumabas ibigay nyo sa class president

Anak ng hanep-a-shet! Akala ko naman kung ano na ang ipapaexam ni mam! What a great relief, buti na lang at essay type kaya ang ginawa ko eh pinaspasan ang sulat. Syempre hindi ko kinuwento ung nangyare nang sabado at ni kuwento ko lang eh ung date namen ni mama. Panigurado kasi babasahin yan ng teacher ko at baka ma tsismis ako mahirap na.....

oi dave tara na tambayan!

Sigaw ng magaling kong seatmate/bestfriend na si Cris.

oo eto na cris, eka san nanaman bag ko!?

ugok eto oh bitbit ko na unggoy

nak ng tokwa ka naman haha amen na

oh sambot!

Umalis na kame ni Cris. Nasa may corridor na ako pero sya eh naiwan sa loob. May pinopormahan kasi sya sa mga classmates namen. Nabilang ko na lahat ng lumabas na classmates namen pero di pa din sya nalabas. Ung presidente kasi ng klase namen ang pinopormahan nya. Nabalitaan nya kasi na may gusto din ito sa kanya kaya may lakas sya ng loob para ligawan ito. Kumbaga eh may insurance na sya dito kasi nga gusto sya ng babae. Pakipot pa si Pres, pinapahirapan pa si Cris. Tawag ko nga kay Cris eh TIGAsin.

ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and AngerNotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon