PART 4 - ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and Anger

210 2 0
                                    

*9:25am*

Sakto lang ako para sa first class ko, ano kayang mangyayare sa maghapon na ito? Katulad din kaya kahapon at kahapon ng kahapon?

Suot ng I.D

"Oi Dave aga mo ah!"

"nag download na ko ng RO sa bahay, enge ako zenny ha!"

"Yun lang, wala ako zenny ngayon eh"

"Kahit 1B lang ok na sa aken amp"

"lols! 1B ka dyan, kotos gusto mo!?"

"hehe basta enge zenny ha"

Yan si Cris, ang seatmate ko na na-inspire lang mag Ragnarok ng malaman na mayaman ako sa Valkyrie. Sira ulo yan eh, last month ko pa naririnig na mag-ddownload sya ng RO sa PC nya parang sirang plaka eh. Pero mabait yang si Cris sya ang backup ko pag nabubully ako o napagttripan sa klase may katangkaran din kasi sya kaya walang makaporma pag nag gagalit-galitan na sya. Nung Lunes nga napagtripan ako, tinali ung bag ko sa upuan ang pagkakatali pa eh sobrang higpit kaya pag angat ko ng bag ko sumama si upuan ayun lagapakan na sa loob ng room na sya namang kinagulat ng Prof ko na magugulatin at ano ang sunod na eksena? Eh di sermon bago umuwi.

*9:55am*

Anak naman ng tokwa oh! Late na ng 25 minutes yung Prof ko! Kapag kame ang napasok ng late galit na galit ang mga teacher  may tendency pa na di ka papasukin pag na tripan nila pero pag sila ang late patay malisya parang walang nangyare.

zzzZZzzzzzZZZzzz

Ay oo nga pala magpapaload ako at i-ttext ko yung buyer ko ng zenny.

"Cris punta lang ako canteen papaload lang ako ha"

"geh repapips!"

Punta ako ng canteen namen, ang canteen na puro culinary graduates ang nagluluto. First day of School lang ako kumaen dito at di na naulit yun, panong di ka madadala eh matindi sila magluto.

Monday Menu

Menutas - Menudong 90% patatas 10% karne

Sinigang - kumpleto sa rekado kaya lang tinipid sa paasim

Porkchop - eto matinde, ang laki-laki pero pag kinagat mo na saka mo marrealize na arina pala ang ulam mo

Tuesday Menu

Kare-Kare - pwedeng kainin kahit walang bagoong kase maalat na sya

Adobo - ayos ung sabaw nya masarap ang timpla kaso ung manok malaki pa ung holen pag pinagkumpara mo

Fried Chicken - katulad ng porkchop, malaki nga pero puro arina

ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and AngerNotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon