PART 8 - ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and Anger

147 1 0
                                    

Home > Kanto > Noveleta > Baclaran > MOA

Hindi yan Menu ng cellphone yan ang ruta ko papuntang MOA. Anak ng tinapang hilaw naman! Walang masakyang baby bus. Di ako makasindi ng sigarilyo kasi baka may makakita sa aken at isumbong ako kay mama. Kapag nasa baby bus na ako saka ako mag yoyosi.

Ayun may jeep biyaheng Noveleta talo-talo na to baka ma-late ako eh.

Sakay ako sa jeep kapag sinuswerte ka nga naman may karga itong isda. May nakasakay kasing tindero ng isda dalawang timba ang nasa bukana ng jeep. 

"Anak ng tokwa naman hindi pa sa dulo nilagay yang packing tape na timba ng isda na yan"

Bulong kong sinabe habang nakikipag patintero sa timba ng isda.

Pwesto ako sa dulo, sa likod ng driver.

Bayad po, paki-abot!

Sigaw ng magaling na tindero ng isda.

Inabot ko ito tanda ng pakikisama at pagsunod sa alituntunin ng jeep. Na dapat eh makisama ka, walang mayaman o mahirap dito. Kapag may nagpaabot ng bayad kunin mo at isilid sa bulsa ay mali dapat ibigay sa driver. Kawawa naman ang driver ng jeep mahal na nga ang gasolina kukupitan ko pa saka di ko gawain yun.

Ilan tong bente?

isa lang ho kasasakay lang

Saan bababa?

Dyan lang  sa Ligtong

Paabot ho ng sukli oh

Inabot ko ang sukli tanda na honest ako sa hindi pagkupit ng pamasahe ni manong fish vendor.

Ayos malapit lang pala si manong fish vendor. Mabilis ang patakbo ni manong driver para syang si Lewis Hamilton kung magpatakbo. Siguro dating driver ng F1 si manong. Mapapakapit ka sa bakal na hawakan ng jeep eh umaangat ang paa ko sa bawat drift ni manong driver. Siguro natatae sya kaya mabilis sya magpatakbo at kailangan nya makarating sa pinakamalapit na palikuran.

*ting ting*

Binatingting ni manong fish vendor ang bakal na hawakan tanda na bababa sya. Sagalpakan ang mga pasahero papunta sa unahan at syempre sino ang kawawa? E di ako na nasa likuran ni manong driver. 

Tangina naman men! ayaw mag dahan dahan!

Pabulong kong sinabi, nakakahiya magmura in public baka sabihin wala akong breeding.

Inabot ko ang bayad ko kay manong driver na abala pa din sa pag-drift at pagccounter flow.

Boss bayad po!

Nagabot ako ng benteng buo, otso lang ang pamasahe kaya may sukli pa ako na kinse joke lang dose lang ang sukli ko.

San galing ang bente?

Sa bulsa ko po boss

Rosario po kasasakay lang

Eto sukle oh

Salamat ho

Malapit na ako sa Noveleta.

*1:05pm*

Para!

Sakto baba ko may aircon bus na biyaheng Baclaran. Sakay agad ako para makaiwas sa inet na dala ng haring araw. Pwesto ako sa may dulo. Dun sa pangalawa sa dulong upuan sakto walang nakaupo pwesto ako sa tabi ng bintana para kita ko mga magagandang tanawin ng Cavite. Siningil agad ako ng kundoktor.

ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and AngerNotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon