PART 10 - ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and Anger

144 1 0
                                    

Isip...

isip....

Isip.....

Mga limang minuto syang nakatayo lang at nagiisip kung saan kame kakaen at dahil gutom na gutom na talaga ako binasag ko na ang trip nya na tumayo lang dun at mag-isip.

uhm nic sa Jolibee na lang tayo

ayoko dun nakakasawa na eh

mcdo?

sawa na din ako dun eh, gusto ko naman ng iba

eh san mo gusto?

dun sa di ko pa nakakainan

Napaisip tuloy ako kung ano pa ba ang di nya napupuntahan para kainan, eh mukha namang halos lahat ng pagkaen eh natikman nya na. Bigla syang napangiti at tumingin sa aken na ikinagulat ko at ikinapula.

got it! alam ko na

san?

sa turo turo tayo kumaen, di ko pa nattry dun eh

Napa OMG WTF ako sa sinabe nya. Anong turo turo!? meron ba nun dito sa MOA!?

eka eka meron ba nun dito sa MOA!?

wala ata pero sa Baclaran meron, gusto ko ma try dun wala lang ako kasama sumubok eh

ah eh madame pa...

sasamahan mo ba ako?

Pumorma sya na parang nag papaawa na sya namang ikinahina ko na kahit ganun sya umasal eh maganda pa din sya. Nakakapanglambot ang ganda nya talaga. Sabagay di ko pa naman din na try na kumaen sa ganung lugar kaya susubukan ko na din. Wag lang sana katulad yun nang mga ulam sa campus namen. /swt

sige sige sasamahan na kita pero ngayon lang to ha

yehey!

Nagtatatalon sya na parang bata sa tuwa. Ung tipong binigyan mo ng lobo sa unang pagkakataon. Bigla kong naalala ung lobo na gusto nyang bilin kanina.

nic ung lobo tara balikan naten

ay oo nga noh sige bibilin ko yun

Binalikan namen yun pwesto kung saan nandun yung lobo kanina subalit wala na ang lobo doon. Iilang piraso na lang pala yun at naubos na kaya nagmukhang malungkot si Nicole, nawalan ng gana kaya nagpasya sya na dito na lang sa MOA kumaen.

so ano nang balak mo nic?

dito na lang tayo kumaen :(

oh wag ka nang malungkot cheer up!

ok

Dahil na din sa gutom na gutom na ako nagulat ako sa sarili ko nang hinatak ko ang kamay nya papunta sa Fastfood chain na ang mascot eh payasong may lipstick na pula at buhok. Nagulat ako sa ginawa ko lalo na sya nagulat din sya. Napatitig sya sa aken na parang galit, kinabahan nanaman ako at di alam ang isasagot kung sakaling magtanong sya kung bakit ko nagawa ang bagay na yun sa kanya.

dave??

ah eh nic sorry

Sabay bitaw sa kamay nya

ok lang its not a big deal naman eh

ah eh sorry talaga nabigla lang gutom na talaga ako e

sige dito na lang tayo sa mcdo

Sinuklian nya ako ng mapaminsalang ngiti imbes na magalit dahil sa inasal ko. Pumasok na kame sa loob para umorder pero madameng tao, mahaba ang pila kaya napagpasyahan namen na maghanap na sya ng pwesto para di kame maubusan.

ARINOLA: A Ragnarok Inspired Novel Of Love and AngerNotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon