S.A 13: Transfer

1.9K 39 0
                                    

-KIMSHRIA FHION's POV-

"Kimshria, may gusto ka bang ipapabili? Pupunta akong super market mamaya." Tanong saken ni Sting.

Papunta na kaming school. Si Sting ang nag da-drive.

Si Kuya Ken ay nasa passenger seat sa side ni Sting.

Kami naman ni Steel ay andito sa likod.

"Hmm, samahan nalang kitang mamili Sting!" Sabi ko.

Napatingin naman si kuya saken sabay tanggal ng eyeglasses niya. "Wow! Bunso! Himala at gusto mong sumama noh?"

Sinimangutan ko siya. "Kuya, alam mo ba? Ang epal mo."

"Hahaha! Ang ganda ng sikat ng araw nag babangayan na kayo diyan?" Sabi ni Steel na naka cross legs pang nakaupo sa tabi ko. "Oy kambal! Di mo ba ako tatanungin kung anong ipapabili ko?" Baling naman niya kay Sting.

"Hindi ka kasali Steel. Tumahimik ka diyan."

"Kambal naman! Di mo ba ako love?" Tapos ngumuso pa si Steel para makita ni Sting.

"Hoy! Kadiri ka Steel ah! Sapakin kaya kita diyan?!" Inis na singhal ni Sting.

"Kung kayo kayang dalawa ang sapakin ko diyan ano?" Sabi naman ni Kuya.

"Pfft! Hahahaha! Nakakatawa talaga kayong tatlo! Hahahaha!" Natatawang sabat ko.

Kaso tinignan lang nila akong tatlo ng masama.

Mga Lalake nga naman. -___-

"Hehehe, toh naman, di naman kayo mabiro oh." Sabi ko. "Basta Sting ah! Sama ako sayo mamaya after school."

"Masusunod Kimshria. Nga pala Kenshrio may sasabihin ako sayo." Sabi ni Sting kay Kuya.

Tinignan naman siya ni Kuya at tinanguan nito.

"So pano, ihahatid na kita Kim?" Tanong saken ni Steel sabay dala ng gamit ko.

"Teka, Kuya..di ka sasama mamaya sa supermarket?" Tanong ko kay Kuya Ken. Si Steel ay nakatayo na sa tabi ko. Kakadating lang namin sa tapat ng gate ng highschool building namin.

Nakalabas na kase ako, si Steel at si Kuya. Nasa loob ng driver seat lang si Sting.

Tinap niya ang ulo ko at hinalikan ang buhok ko. "Sasama ako. Sige na, susunduin ka namin after class. Mag aral ng mabuti Kimshria Fhion ah?"

Ngumiti ako ng napaka lapad. "Oo naman Kuya! Mag aaral kaming dalawa ni Yana ng mabuti tapos gragraduate kami ng sabay!"

"Ohh sige na. Ikamusta mo nalang ako kay Yana ah. Steel, ihatid mo muna si Kim. Bunso? Wag makulit. Sige na."

Tinanguan ko si kuya at kiniss ang pisngi niya. Kinawayan ko naman ng Bye-bye si Sting ng nakangiti.

-YANA ALEXIS's POV-

Gabi na pero bumaba ako at kukuha ng tubig dahil nauuhaw ako.

Special Academy -Time Immemorial (SEASON 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon