S.A 11: Hindi Dapat Malaman

2K 46 0
                                    

*KIMSHRIA FHION'S POV*

Napahawak ako sa aking ulo dahil masakit.

"Ayos ka lang, Kimshria-chan?" Tanong ng isang penguin sa harapan ng mukha ko.

O___o

Napabalikwas ako sa paghiga at napahawak saking dibdib!
Nakakagulat yun!!

Tinignan ko ulit yung penguin na ngayoy na sa tabi kong nakaupo at nakatingin rin saken.

"Je..jezno? Yung penguin ni Yana? Ikaw ya..yan diba?" Tanong ko.

"Hai! (Yes!) Hindi na ba masakit ang ulo mo Kimshria-chan?"

"Ah, hindi na. Ano bang nangyari? Teka, kanina nasa bahay kami eh. Tapos..Tapos si Sting! Asan si Sting?! Asan si Kuya Ken at Steel?!" Taranta kong tanong at tumayo.

"Teka lang Kimshria-chan!" Hinila ako ni Jezno para maupo ulit gamit ng kanyang malabot at cute na mga kamay pero hindi ako nagpa awat sa kanya.

Kailangan kong malaman kung nasan ang Kuya Ken, si Steel at lalong lalo na si Sting!

*STING'S POV*

Kumatok ako sa pintuan ng bahay ni Yana, ang bestfriend ni Kimshria.

*tok! Tok!*

Bumukas ang pinto at binungad ako ni Yana.

"Sting! Pasok ka. Andito na sina Steel at Kenshrio" napatitig ako sa kanya.

Bakit hindi man lang siya nagulat?

"Hehe, alam ko na yung tungkol sa SPECIAL, Sting. May pet ako. Di ko pa nga lang alam kung ano ang SPECIAL ko." Pagpapaliwanag niya.

Kaya pala.

"Asan si Kimshria?" Tanong ko at humakbang papasok sa bahay nila.

"Nasa itaas. Nawalan siya ng malay kanina eh. An.." hindi siya natapos sa kanyang sasabihin dahil pinutol siya ng kambal ko.

"Kambal!!! Wahhh! Mabuti naman at nandito ka na! Ayos ka lang ba? Nasugatan ka ba?"

Umupo muna ako sa sofa. "Okay lang ako. Akala ko nga diko kayo makikita. Salamat naman at ginamit mo yang utak mo bago kayo nag teleport Steel."

"Hehehe, Oo naman kambal! Minsan lang naman akong isip bata." Nakangising sabi niya at umuponsa tabi ko.

"Sting! Ano bang nangyayari?! Bakit tayo andito sa bahay ni Yana?" Singhal na tanong ni Kenshrio at padabog na umupo sa harapan namin.

Si Yana naman ay naglapag ng Orange juice sa lamesa bago umupo sa side. And as usual, cool at pachill lang yan.

"Yung bisita kanina, hinahanap ka Kenshrio." Panimula kong sabi.

Kumunot naman agad ang noo ni Kenshrio. "Ako? Bakit ako? Sino ba yun? Bakit kailangan pa nating magteleport agad-agad? Pati yung kapatid ko nahimatay pa kanina!"

"Dahil kailangan Kenshrio. Di pa namin masasabi ng kambal ko ang dahilan pero sana naman maiintindihan mo at maniwala ka samin dahil para da inyo din tong ginagawa namin."

Hinilamos nya ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Pero di naman sa lahat ng oras maiintindihan ko kayo Sting. Di ko gusto yung ganito eh. Yung wala akong ka alam-alam sa mga nangyayari."

Special Academy -Time Immemorial (SEASON 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon