S.A 51: Stealing Special Part 2

1.5K 36 0
                                    

(AN: Supposedly this chapter will be the Epilogue..kaso may nag request na dagdagan ko pa ng chappies dahil ayaw niyang mabitin ng bonggang bongga! Hahaha! Well, eto na. Request granted! Though few more chappies nalang talaga para sa ending ng Season 1 ng Special Academy. Lovelots! (: )

*KIMSHRIA FHION KABE's POV*

Tumatakbo ako patungong clinic ng Highschool Building.

Naka-alis na rin kami dun sa Pier at nadakip narin yung mga tauhan ni Trixter. Si Trixter naman ay ewan ko, ang sabi raw ni Uncle Kei na nakatakas daw siya nung namulat na cya galing sa pagkabulagta.

And you heard it right. Uncle Kei...nalaman ko narin na siya pala ay hindi masamang tao.

Kadugo pala namin siya ni Kuya Kenshrio.

Kapatid pala siya ng yumao naming ama na si Kenchard Kabe.

Sa susunod ko nalang siya tatanungin at magpakwento tungkol sa mga magulang namin!

Excited ako!! Akala ko pa naman hindi ko na makikilala man lang ang totoo naming mga magulang ni Kuya Kenshrio!

Sana may litrato pa si Uncle Kei ng mga magulang namin!

Sino kaya ang kamukha ko noh? Si Daddy kaya? Kase ang sabi nga ni Uncle Kei saken eh itong Special ko eh namana ko kay Daddy.

And Yes..alam ko na rin kung ano ang kakayahan ko.

Nullification Special...

Sinearch ko nga ito at di naman siya ganun ka powerful na Special..pero bihira lang ang mayroon ng ganito na kakayahan.

Parang..shield lang naman tong Special ko..bakit parang big deal sa kanila na itago pa ito diba?

"Kimshria.." huminto ako sa pagtakbo at tinignan sa likod kung sino ang bumanggit sa pangalan ko.

"Niven..." bulalas ko rin ng makita ko siya. Naka simpleng jersey shorts lang siya at naka puting tshirt.

May bandage pa nga ang kanyang tenga. Dahil kase yan sa natamo niya sa Special ni Trixter. Voice Pheromone Special kase ang kanyang kakayahan. Kapag may gusto siyang ipapagawa sayo na labag sa loob mo, macocontrol ka noya gamit ng kanyang boses. Parang hypnosis lang. "Okay ka na? Di na ba masakit yang sugat mo?" tanong ko ng makalapit siya saken. Sabay na kaming naglalakad ngayon.

"Hindi na. Naghilom na naman agad. Ginamot ng Kuya mo." Sabi niya. "Pa..pakisabi nga pala sa kanya.. Salamat." dagdag niya sabay iwas ng tingin saken. Sinabi nga din pala saken ni Kuya Kenshrio na HP ang Special niya. Nakuha niya rin daw ito sa Daddy namin. Naisip ko nga, ano kaya ang Special ng Mommy namin?

Napangiti nalang ako at tinusok ang tagiliran ni Niven.

"Yiee! close na kayo ni Kuya Ken?! Hehehe." naghissed siya. Pero akala ko sisimangutan o di kaya kukunotan niya ako ng kilay at bubungangaan na naman ng masasamang mga salita pero hindi pala.

Instead ngumiti siya saken dahilan para matameme ako ng wala sa oras.

Dugdug...

Special Academy -Time Immemorial (SEASON 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon