S.A 5: Sting and Steel Sylerio: The Twins

2.7K 46 0
                                    

-STING'S POV-



"Kamusta sina Kenshrio at Kim diyan Sting? May mga kakaiba bang nangyayari?" Tanong saken ng kabilang linya ng cellphone ko.


"Okay naman po sila Ate Dimple. Wala naman pong mga kakaibang nangyari." Sagot ko.


"Mabuti naman kung ganun. Alagaan niyo anak namin Sting ah. Lalong lalo na si Kimshria. Wag na wag mong iwala yan sa paningin mo, alam mo naman may katigasan yan ng ulo,Sting. Tsaka bata pa yan. Ikaw narin ang magsabi kay Steel."


"Naiintindihan ko po Ate Dimple. Makakaasa po kayo."


"Hindi ba pinapahirapan ni Ken si Steel? Alam mo naman yung batang yun masungit at napaka initin ang ulo."


"Hindi naman po. Matanong ko pala Ate, kailan ang balik niyo dito?"


"Baka sa susunod na Sabado Sting pero depende lang baka matagalan pa kami dito. Oh sige na, pakisabi sa mga bata mag-iingat sila palage. Kayo rin. Alam niyo namang pamilya ko na kayong apat. Alagaan niyo ang inyong mga sarili Sting. Paalam."


*Toot Toot*


Inilapag ko ang cellphone ko sa mini table na nasa harapan ko at umupo sa couch.


"Oh kambal! Anong sabi? Kailan sila uuwi? May pasalubong ba?"


Nakangiting tanong ni Steel na nakatayo sa harapan ko at buhat buhat si Styla, ang kulay white with blue na pet niyang daga na kasing laki ng kamay namin.


"Hindi pa sila siguradokung kailan sila makakauwi. Anong oras na? Baka dismissal na nina Kimshria-sama at Kenshrio-sama." Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang wrist watch.


"Chill ka lang Sting, wala naman sigurong mangyayari diba? Malayong malayo tayo sa Spelxia. Don't tell me, hanggang dito naghahanap parin sila ng mga batang may Special?" Sabi ni Steel.


"Maaring hanggang dito naghahanap pa din sila Steel. Kapag nagkataon, pati kayong dalawa ni Sting eh kukunin din nila ulit. Buti nalang at may mababait pang mga ordinaryong tao katulad ni Dimple at ang kanyang asawa." 

Sabat naman Stylo, ang kulay white at red na pet kong daga na katulad sa kambal ko. Lalake lang saken, sa kanya ay Babae.


"Tama si Stylo! Hanggat nandito tayo, hindi dapat malaman ng taga Spelxia! Hanggat nandito tayo, dapat hindi gumamit ng Special sina Kim at Kenshrio-sama! Hindi dapat!" sabat na rin ni Styla at tumabi sa kakambal niyang si Stylo.

Special Academy -Time Immemorial (SEASON 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon