S.A 6: Kenshrio's SPECIAL

2.6K 45 0
                                    

-STEEL'S POV-



"Sa..san mo nakita yan Kenshrio?!" Taranta kong tanong.


Hindi ko inakala na magkakaroon narin ng Pet si Kenshrio!!

Hindi namin yan naisip ni Sting!! Lahat pa naman ng Pet eh galing sa Spelxia at may connection sa Special na meron ka.

Pero ang iba naman eh parang pamana ng mga unang henerasyon ng pamilya ninyo.


Katulad ng sa amin ng kakambal ko. Sina Styla at Stylo na kambal na pet namin daga ay nagmula sa mga magulang naming namamayapa na.

Parang inheritance nila Mama at Papa itong mga alaga namin ngayon.


Pero yang kay Kenshrio!  Kahit na hindi namin inexpect na magkakaroon na siya ng Pet dahil masyadong maaga pa eh may parte din sakin na naeexcite!!

Anong klaseng Pet kaya yan noh? Hehehe. 


"Aba ewan ko, nasa higaan ko na yan kaninang umaga. Ang corny nga oh? Kulay Yellow green pa? Lol! Ano yan, parang Easter egg? Di pa naman Easter Sunday ah." Natatawang pa ni Kenshrio samin. 

Tatawa tawa lang siya dahil di naman niya alam kung anong nasa loob niyan. Eh kami ng dalawang kakambal ko, kahit na nacucurious din kami sa itlog na yan eh hindi kami dapat magpapadala ng nerbyos!! 

Isang dulas lang dila namin eh malilitikan na talaga ang matagal na naming tinatago sa kanila ni Kimshria kapag nagkataon!!


"May iba bang nakakita ng itlog na yan Kenshrio-sama?" Tanong ni Sting. Same with his plain expression. Parang yung best friend lang ni Kimshria na si Yana. 

Alam ko namang nenerbyos natong kakambal ko, marunong talaga siyang magdala ng emosyon niya. 

Di tulad ko na parang maiihi na!!


"Muntik na kanina nung papaakyat nako ng classroom namin. Buti di nahulog sa bulsa ng bag ko. Nagulat nga lang ako dahil di ko naman toh nilagay sa bag ko kanina. Plano ko ngang itapon sa bowl sa CR ng school kanina eh. Pero hindi ko nalang itinuloy baka kase itlog ito ng manok. Kawawa naman kung ganun." mahabang sagot niya sa kakambal ko pero di ko napigilan ang sarili ko at napahagalpak nalang ng tawa!!


"Pfft! Hahaha! Bwuahahah!!"


"Anong nakakatawa Steel?" Tanong ng kambal ko with matching patalim look. 


"Eh kase, sabi ni Kenshrio itatapon niya sana yung itlog sa bowl ng CR!! Nyahahaha! Kaninang umaga gusto ko ding kaseng itapon si Styla sa bowl din ng CR! Ahahaha!" Sabi ko at humagalpak pa ng tawa! 

Special Academy -Time Immemorial (SEASON 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon