S.A 22: Provisional Student

1.5K 32 0
                                    

-YANA ALEXIS MONTEI's POV-

Papunta nako sa dorm room ko na nakabusangot ang mukha.

Nakita ko ang bestfriend ko dito sa Special Academy.

Hindi naman sa ayaw ko siyang makita o makasama.

Sa kaloob looban ko nga ay masayang masaya ako na nakita ko siya at narinig ang kanyang tinig.

Kaya lang, naiinis din ako sa kanya.

Hindi man lang pala niya sinai kina Sting at Steel na andito siya.

Pati si Kuya Kenshrio hindi niya rin sinabihan!

Siguradong nagloloko na yun sa kakahanap kung nasaan siya ngayon!

At isa pa, hindi niya kase alam kung ano itong Academy natoh!

Limang araw na kase since yung araw na natransfer ako dito.

Sa limang araw na yan, hindi ako nagpaligoy ligoy.

Naghanap ako ng nga detalye kung ano ang past ng Special Academy nato.

Kung ano ang dapat kong malaman.

At may dapat din kase akong gustong hanapin dito.

Baka sakaleng makita ko ang matagal ko ng gustong makita simula pagkabata palang.

-NIVEN LUCA GRANDILLA's POV-

Tsk! Nakakainis!

Hanggang ngayon Bad trip na badtrip ako!

Kung hindi lang sana dumating si Naru-sensei eh sana nakalabas na ako sa lintek na Academy natoh!!

Sinipa ko ang pinto ng classroom dahilan para mapatingin ang mga kaklase ko saken ng gulat.

Tsk!

"Niven, ano ka ba naman. Ang aga-aga pa." Saway saken ni Lindel na pabulong habang hawak-hawak niya ang isang kuneho sa kanyang kamay.

Siya ang matagal ko ng bestfriend.

Akala ko nga hindi na kami magkikita pa bata palang kase kami nung mga panahon nung nagkahiwalay kami ng tinitirahan.

Sinabi nga nya saken na siya daw mismo ang kusang pumunta dito.

Tsk! Baliw toh!!

Sinong gustong pumasok sa lintek na Academy natoh!!

"Tsk! Shut up." sagot ko at padabog na naglakad papasok sa classroom.

Ramdam na ramdam kong lahat sila ay nakatitig saken kaya agad ko silang tinapunan ng tingin.

"Gusto niyo bang mamatay?" tanong ko.

Narinig kong kumawala ng hangin si Lindel sa tabi ko.

Tinignan ko ulit ang mga kaklase ko.

Yung mga mukha nila ay parang na-estatwa na parang anytime iihi na sila.

"Tsk!"

Hindi ko nalang sila pinansin ulit hanggang sa maka upo ako sa aking  pwesto.

Ipinatong ko ang dalawang paa ko sa lamesa.

Special Academy -Time Immemorial (SEASON 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon