S.A 50: Stealing Special Part 1

1.3K 35 0
                                    

"Andito lang pala kayo!!" Napatingin kaming tatlo sa likod dahil sa sigaw.

"Jerzon?! Lindel?!" gulat na sambit ko sabay yakap kay Jerzon, yinakap niya din ako kaya lang maya-mayay inilayo naman ako ni Kuya Ken sa kanya.

Toh talaga si Kuya!! Napaka protective!!

"Bakit kayo nandito?! Paano niyo natunton tong lugar nato!?" di makapaniwalang tanong ko.

Humihingal pa siya bago sumagot saken. "Kimshria-chan, mamaya nalang natin yan pag-usapan..okay ka lang ba?" tanong ni Jerzon. Tumango naman ako. "Galit na galit si Yana nung malaman niyang nawawala ka. Dapat nga eh sasama yun kaso di siya pinayagan ng Uncle mo."

kumunot ang noo ko. "Uncle? Sinong uncle?"

"Asan si Niven, Kimshria?" sabat ni Lindel samin bago pako sagutin ni Jerzon. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Muntik ko na namang nakalimutan! Si Niven nga pala!!

"Nandiyan siya sa loob ng bodega! May sugat siya kaya di ko siya pinalabas! Tulungan niyo siya please!" paghihingi ko ng tulong sa kanila. Pati si Kuya Ken sinenyasan kong tumulong. Sinimangutan niya lang ako. Toh talagang kapatid ko oh!

Bago paman lumabas si Niven kasama sina Lindel at Jerzon eh natunton kami ng mga alalay nung Trixter.

Pati siya eh kasama din nila pati yung nag ngangalang Led.

"Niven!" tawag ko sa kanya ng makita ko silang nakalabas na ng bodega. Tumakbo ako papalapit sa kanila kaya lang biglang may paparating na patalim patungo saken.

Napapikit nalang ako sa takot.

Dito na ba ang katapusan ng buhay ko?

Mamamatay na ba ako?

*wushhhh...*

"Okay ka lang, Kimshria?" Iminulat ko ang aking mga mata at makitang may maitim na parang anino ng tao ang nasa harapan ko. Nilingon ko si Loki na naka #1 sign ang hintuturo na nakaturo saken. Sa kanya ba tong anino na nasa harapan ko?!

Ito ba yung nagprotekta saken?

Tinignan ko siya at nakatingin na siya kay Led. Si Led yung tumira saken! Walang hiyang mukhang Nobita na yan ah!!

Finorm ni Loki ang hintuturo niya na parang nagbabaril lang siya at *wushhhh....* tila isang iglap dumilim ang paligid at may lumabas na malalaking anyo ng tao ..pero naka shadow form lang yun. I think mga nasa limang shadow ito.

Lumapit yung mga shadow kay Loki tsaka humiga ito sa lupa...at tinapakan niya ito.

Napakurap kurap pako sa tinatayuan ko.

Pa..paano niya ginawa yun?!!

Bigla siyang nag snap ng daliri at ewan ko kung ano ang ginawa niya eh andun pa naman ang mga shadow sa saheg!!

Napansin ko nalang na nagkakainisan yung limang mga alalay ni Trixter pati yung Led sa isa't isa at sinasabing di sila makagalaw!!

"Ngayon, wala ng magtangkang sugatan si Kimshria." sabi ni Loki tsaka ako nginitian.

(0//////////o)

Wahhhhhh! parang pasabog yung sinabi niya!! Umiinit tuloy ang mukha ko sa kilig!!

"Salamat Tol." sabi ni Kuya Ken kay Loki at tinapik ang balikat nito. "Pero, di pa rin ako papayag na ligawan yang kapatid ko." Nawala nalang ang ngiti ni Loki tsaka ito napalitan ng nguso. Hahahaha! Grabeh talaga ni Kuya oh!

Special Academy -Time Immemorial (SEASON 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon