S.A 9: The Three Princes of Kimshria-sama

2.2K 41 0
                                    

*KIMSHRIA FHION'S POV*



Binuksan ko ang pinto ng kwarto nina Sting at Steel.
Nanggaling ako sa kwarto ni Kuya Ken pero wala siya dun eh.



"Sting? Steel? Nandito ba kayo? Nakita niyo ba si Kuya Ken? Wala kase siya sa..." di ko natapos ang tanong ko dahil nakita ko si Steel kasama si Kuya Ken na kumakain ng keso?! Habang naglalaro ng cards.



Pumasok ako at lumapit sa kanila.

"Kanina kapa dito Kuya?" Tanong ko sabay upo sa harapan nilang dalawa.



Nakita kong lumunok muna siya at isinantabi yung keso na hawak niya bago nagsalita.

"Hehe Oo, kani..I mean di naman sis." Sagot niya.



Tinaas ko agad ang isa kong kilay at tinignan siya ng maigi.

"Kuya, sa pagkaka-alam ko di mo ako tinatawag na sis dahil bading pakinggan diba? Eh bakit ngayon Sis ang tawag mo saken? Is there something I don't know?" ang weird naman kase ni Kuya Ken. Bigla ba naman akong tinawag ng ganyan.



"Ha? Ah wala naman! Hehehe, ano kase, ah! Simula ngayon, Sis na ang itatawag ko sayo."

Napanganga ako sa sinabi niya. 


May mali eh. Di naman kase ganito si Kuya Ken.


Well alam ko namang mahal niya ako pero no offense, ang panget talaga ng ugali niya. Super Sungit!!

Kaya nga nakakapagtaka eh.



"Pfft! Hahahaha! Lintek Kenshrio-sama! Ang baduy mo! Sis?! Hahaha! So gay!" Sabi ni Steel na kaharap ni Kuya Ken habang yakap ang kanyang tiyan dahil sa kakatawa.



"Tumahimik ka nga Steel! Eh mas baduy nga kayo ni Sting dahil may pa Kenshrio at Kimshria-sama pa kayo! Bwiset! Kasalanan niyo toh ni Sting eh! Kinakabahan ako!"



"Huh? Bakit ka naman kinakabahan kuya? Ano bang ginawa ni Steel at Sting sayo?" Sabat ko.

Special Academy -Time Immemorial (SEASON 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon