S.A 35: Sulat

1.5K 30 0
                                    

-NARU DAIZAO's POV-

"Oh Naru, nandito kana pala. May pinapabigay na sulat para sa isa sa mga studyante mo." bungad saken ng pinsan ko, si Vino na kapwa sensei ko din. (Read in previous chapters)

kakapasok ko lang sa Faculty room galing sa ibang klase.

Medyo busy kaming mga sensei's ngayon dahil babalik na raw ulit ang principal dito sa Highschool campus.

Babalik ulit Siya....

Kinuha ko naman ang sulat na inabot niya. "Galing kanino ba toh? At para kay?" binasa ko naman ang nakasulat sa labas ng sulat at sabing To: Kimshria Fhion

From: Your Secret Admirer

"Hahaha! Uso pa talaga ngayon ang panliligaw sa sulat pinsan ah! Diba New generation na tayo? Hahaha!" natatawang sabi ko habang hawak-hawak ko pa rin ang sulat.

Pfft! Mga bata naman ngayon oh. Bakit hindi nalang pag-aaral ang unahin keysa sa pag lalablyf na yan.

Pero sabagay, hindi naman natin mapipigilan ang ating mga puso sa pagtibok.

Naaalala ko tuloy nung mga panahong nasa Highschool pa ako dito sa Special Academy...

Naaalala ko tuloy si K...

*Pak!!*

"Aray!! Ano bang ginawa ko sayo Vino?! Nakakagulat ka naman!" pinalo ba naman ang ulo ko gamit ng libro?!

hindi ako masyadong nasaktan sa pagpalo niya. Nagulat ako!!

Tarantado talaga tong pinsan ko minsan kaya nga inaasar ko ito eh!!

"Dalian mo na at ibigay mo na yan! May meeting na naman tayo mamaya kasama na ang Elementary at College department." Sabi niya habang nililigpit ang mga libro sa desk niya.

"Eh? Kasama sila? Bakit naman? Parang ang pagbalik lang ng Principal natin? Parang ang sosyal naman ata niyan." sagot ko at nilalaro laro ko ang sulat saking kamay.

"Alam mo namang kinatatakutan si Principal, Naru."

This time di ko mapigilang kumunot ang aking noo. "Oo nga naman. Hindi ko rin makakalimutan ang ginawa niya noon."

Kumawala siya ng buntong hininga. "Learn to forget about the about the past. Let go of the pain. Let go of her, Naru...at isa pa wala tayong laban kapag kokontra tayo sa ating Principal.." mahinahong sabi niya.

Tinitigan ko ang sulat bago nanlumo sa inuupuan ko. "Paano ko naman yun gagawin Vino? How can I forget her? How can I let her go? Tell me? When all i see is everything that reminds me of her." napangisi ako ng mapait. "I tried. I really tried to forget the past. The memories. Everything! Pero bumabalik din lahat dahil nandito ako sa Academy nato!"

"Then why are you still here, Naru?" seryosong tanong ni Vino kaya nilingon ko siya. "Bakit andito ka parin sa Academy? You know you're free to do what you want now, Naru. Anytime pwede ka ng makaalis dito dahil di ka na studyante dito sa Academy. Kahit anong oras, pwedeng pwede kang umalis dito at iwanan tong Academy nato." Tinignan niya ako. "Pero pinili mong manatili dito sa loob bilang isang Sensei. Isn't it your choice and fault kung bakit hindi mo kayang malimot ang nakaraan lalong lalo na siya?"

Special Academy -Time Immemorial (SEASON 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon