S.A 39: Box

1.3K 28 0
                                    

-LINDEL YHIL's POV-

Kakapasok ko lang ng classroom namin at hinanap ko agad si Niven Luca.

Dalawang araw na kaseng hindi ko siya nakasama.

Samantalang noon eh di yan humihiwalay sa tabi ko.

"Yo! Kamusta? Ang aga mong pumasok dito ah. Himala yata yan, Niven." bungad ko sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat bago umupo sa tabi niya.

Sinimangutan niya ako at clinick pa ang kanyang dila. "Tsk..Bakit? Bawal na bang pumasok ng maaga ngayon?"

"Naiinis agad? San kaba kahapon at nung sa isang araw ha?"

"Wala. May ginawa lang." sagot niya tapos iniwas ang kanyang tingin saken.

Huh?

"Wala kang ginawa? Eh bakit di rin kita nakita sa dorm?"

Hindi niya ako sinagot at tinitigan lang niya ang pintuan ng classroom namin.

Nag isip isip naman ako kung san siya pwedeng pumunta...

Wag niyang sabihing dun siya pumunta?!!

"Pumunta kaba ulit dun Niven?! Pinapabalik ka ba nila ha?"

Hindi niya parin ako pinansin dahil seryoso parin siyang nakatitig sa pintoan.

"Ang sabi mo di kana babalik sa Anonymous Niven..Napag-usapan na natin yan. Baka mapa..." pinutol niya ang sasabihin ko sana.

"Tsk..Mamaya na natin yan pag-usapan. Wag kang maingay diyan baka may makarinig." Sagot niya at buglang umayos ng upo.

Tinignan ko naman yung tinitignan niya, Si Kimshria kasama ang pinsan kong si Yana at si Jerzon na kakapasok lang ng classroom.

Binalik ko naman ang tingin ni Niven at gulat na makitang nakangiti ang loko?!

Kinurap kurap ko pa ang aking nga mata baka kase nag-iimagine lang ako.

Impossible kase eh!

Napakalaking impossibleng ngumingiti tong kaibigan kong ito.

"Sino ba yang tinitigan mo ha?" tanong ko. Alam ko namang sino yang tinitignan niya, inaasar ko lang. Hehehe.

Taranta naman siyang lumingon saken tapos sinamaan agad ako ng tingin. "Tsk.. Shut up."

Ngumisi ako ng nakakaloko. "Hehehe. May palihim ka pang pangiti-ngiti diyan ah! Himala yata yan Niven ah. Akala ko ba di ka marunong ngumiti? Hehehe."

"Ti..tigilan mo nga ako Lindel! Gu..gusto mong silaban ko yang upuan mo ng apoy ha?" inis na sagot niya.

"Nauutal ka pa? Hahaha. Iba na talaga yan tol! hahahah!"

Bago paman niya ako masuntok eh bumungad si Kimshria samin ng nakangiti.

"Hello Lindel!! Hello din Niven!!" sabi nito.

Special Academy -Time Immemorial (SEASON 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon