S.A16: Kenshrio's Decision

1.7K 38 5
                                    

-STING's POV-

"Steel, hindi parin bumaba si Kimshria?" Tanong ko saking kakambal.

Nandito kaming tatlong lalake sa hapag kainan, kumakain kami ng dinner.

At sa pagkakabilang ko, almost 5 weeks ng hindi umiimik ng matino si Kimshria samin.

Kinakausap nga niya kami at ngumingiti pero makikita namin na peke lang yun.

Hindi namin alam ang buong pangyayari, basta ang sabi lang niya ay iniwan siya ni Yana.

"Hindi pa nga kambal eh. Hindi na yun kumakain sa tamang oras eh! Ano ba naman yan! Asan ba kase pumunta si Yana-chan?!" Nakangusong sabi ni Steel at kumuha ng adobo tsaka nilamon.

"Nagtanong ako sa principal nung isang araw, ang sabi niya ay nag transfer si Yana. Tinanong ko siya kung saang skwelahan pero hindi niya sinabi. Hindi daw niya alam. Pero feeling ko, alam niya eh." Sabi ni Kenshrio.

Napatingin agad ako sa kanya.

Di kaya...

"Para kaseng may mali eh. Diba kung normal na transfer lang eh sana sinabi na ni Yana kay Kim..may karapatan naman sigurong malaman ng kapatid ko dahil mag bestfriend naman sila diba?" Sabi ulit ni Kenshrio.

"Oo nga. Tsakar graber namar! Biglaar namar ang pagtransfer ni Yanar!" Sabi ni Steel na punong puno ang bibig ng kanin.

Nilapag ko ang tubig sa harapan ng kambal ko. "Uminom ka nga muna. Para ka talagang bata Steel." Ininum naman niya agad yung tubig.

"Baka naman may nakaalam namay SPECIAL si Yana?!" Napalakas na sabi ni Steel kaya binatukan siya ni Kenshrio pagkatapos niyang lunukin yung kinain niya.

"Yan din ang naisip ko Sting." Sang ayon naman ni Kenshrio.

"Posible nga ang sinabi ni Steel. Posibleng pinilit siyang magtransfer dun sa Academy."

"Academy? Saan? Sa lugar na SPELXIA?"

"Oo Kenshrio, dun kami nag-aaral noon ni Steel. Mahabang storya pero wala pa tayong kasiguraduhan kung dun nga nag transfer si Yana."

"Tara! Puntahan natin yang Academy na yan. Hindi ko gusto ang ganitong Kimshria. Hindi masiyahin. Hindi palangiti. Hindi nga nangungulit saken eh. Ayokong nagkakaganito ang kapatid ko."

Tinignan ko si Kenshrio ng seryoso. "Hindi pwede Kenshrio."

"Bakit hindi pwede?!"

"Hindi basta-basta ang lugar ng SPELXIA, Kenshrio. Lalong lalo na ang Academy na yun. Maraming misteryo kaya nga lumayo kami dun eh. Hindi tayo pupunta dun." Matigas kong sabi sa kanya.

M

asyadong risky ang gusto ni Kenshrio.

"Pero Sting! Paano yung kapatid ko?! Hahayaan nalang natin siya na ganyan?! Wth?! Puro hindi pwede kase ganyan ganito! Hindi niyo pa nga masabi saken ang tungkol sa mga magulang namin at yang lecheng SPECIAL na yan!!" Galit na sabi ni Kenshrio at padabog na umalis.

Special Academy -Time Immemorial (SEASON 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon