S.A 19: ★Special Academy★

1.7K 37 1
                                    

-KIMSHRIA FHION's POV-


Almost 3 hours na akong naglalakad simula nung umalis ako sa bahay.

Alam na kaya nina Steel at Sting na umalis ako na hindi nagpapaalam at hindi nagpapasama sa kanila?

Nakita na kaya nila ang binilin kong sulatsa may study table ko?

Bumuntong hininga ako't umupo sa bench dito sa park.

Tiyak na mapapagalitan talaga ako nila kapag naabutan nila ako dito.

Tinignan ko ang park.

Di masyadong okyupado ng mga tao ngayon. At isa pa, malapit ng mag gabi.

Tinignan ko ang litrato na kanina ko pa hinahawakan.

Yung litratong pinadala ni Yana saken.

Isa itong malaking kahoy na may mga kulay orange na mga dahon.

Nangunot ang noo ko.

Asan ko ba makikita tong kahoy nato Yana?! (>____<)

Tumayo nalang ako at nagpalakad lakad ulit hanggang sa mapansin kong wala ng mga tao.

Kinilabutan ako.

Natatakot ako.

Lumakad ako ng mabilis at maya-mayay binilisan ko pa dahil feeling ko parang may sumusunod saken!!

Nagsimula ng nanginig ang kamay ko.

Steel....Sting...natatakot ako...

Sa kakalad-takbo ko ay nakita ko nalang ang sarili ko na nagtatago sa mga nakaharang na mga maraming dahon ng isang maliit na puno.

May naririnig akong mga yapak ng sapatos na nakapag pataranta sa puso ko.

Gusto kong umiyak.

Natatakot ako.

Pero maisip ko lang na umalis ako sa bahay na hindi nagpapaalam kina Sting at maisip ko lang ang magiging reaction nila kapag sinabi kong napahamak ako ay siguradong mag-alala na yun.

Hindi yun pwede dahil ako mismo ang may gusto nito. Sariling pasya ko ito kaya kinalma ko ang aking sarili.

Lagpas isang oras at gabi na ng umalis ako sa tinataguan ko.

Kailangan ko ng matutuluyan.

Kinuha ko sa loob ng bag ko ang binigay saken ni Yana noon nung mga bata pa kami.

Isang water gun na sakto lang para mailagay sa bag.

Hindi tubig ang nilagay ko dito kundi alcohol.

Hinawakan ko ito ng mahigpit na parang isa akong tunay na police na nasa isang crime scene na ready na sa anumang bakbakan tsaka ako lumakad ng dahan-dahan.

Nasa parang private property siguro ako o di kaya nasa isang lote na hindi ginagamit.

Puro kase halaman dito halaman doon. Malalaking puno dito at puno doon.

Madilim at mapanganib tignan.

Parang nasa gubat ako.

Tinabig ko yung nakaharang na vines sa harapan ko at gulat na makitang may malaking bridge.

Bakit may bridge dito? Akala ko ba private property o bakanteng lote lang ito?

Napalingon lingon ako, baka kase may tao. Yung kanina naman baka guni-guni ko lang yun eh.

Special Academy -Time Immemorial (SEASON 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon