KAEL'S POV
Hayyyy!!!!! Kailan ba ikakasal ang babaeng to?
Napakahirap ng trabaho ko ah. Mag dadalawang taon na akong Love Guardian angel ni Jenny at laging sa maling lalaki siya napupunta, I mean sa maling lalaki lage ang nagiging boyfriend nya. Mga plastic na lalaki sa harap ni Jenny ki bait bait pero pag wala e. may kaharotang iba, may sugal, may nagdodroga, may nagsisinungaling, at may ginawa lang na panakip butas si Jenny.
Kawawang bata! Kaya lage akong nakabantay kay Jenny. At sa tuwing hahalikan na siya ng mga "lalaking mali" (oo yun tawag ko sa mga ex bf ni Jenny lalaking mali) ay nakikialam talaga ako.Kung di ko papagalawin yung upuan, babasag ako ng pinggan, papasakitin yung tiyan ng lalaki, o di kaya si Jenny wag lang talaga matuloy ang halik nila. Sabi ko sa inyo diba ayun sa survey diba.
WALA NA BANG MATINONG LALAKI SA MUNDO NGAYON? DAHIL MABILIS NA PAGBABAGO NG MUNDO E PATI UGALI NG MGA LALAKI NAGBABAGO DIN. NUNG KAPANAHONAN NAMAN NI BALAGTAS, ANG MGA LALAKI DI MAGAWANG SAKTAN AT LOKOHIN ANG MGA BABAE FOR SHORT LOYAL AT MABABAIT ANG MGA LALAKI NOON. PERO NGAYON TINGNAN NIYO?
Pero wag lahatin may mga nasa tamang daan pa rin naman. Diba Author?
HAHAH...
Andito ako ngayon sa kwarto ni Jenny pinapanood siyang humilik at gumalaw galaw na parang isang balirina sa pag tulog. Napangiti nalang ako ng di oras sa nakikita ko ngayon. Ang Cute niya talaga. Pwede siyang maging angel.
"Bro!" -Gelo appeared with broken wings.
"Ang hilig mo talagang mang gulat bro... Teka? Ano nangyari dyan sa pakpak mo?"
"Yung binabantayan ko kasi muntik ng mapahamak kaya ayun niligtas ko siya mula sa mga mamaws..."
MAMAWS -- Sila yung mga kalaban namin kapon ng kadiliman. Sila yung mga katunggali naming mga love guardian angels. Tagahatid ng Temptasyon. Lust! at iba pang negatibong puwersa na pag di namin napigilan e sira ang misyon namin. Tuluyan ng maliligaw ng landas ang binabantayan namin at mahihirapan na kaming makakuha ulit ng babantayan kasi di na kami pagkakatiwalaan ni G. Kilala niyo kung sino si G? diba diba? at ng Secretary niya na si V. Si Saint Valentine.
"Kawawa ka naman bro, bat ka andito baka napahamak na binabantayan mo ngayon."
"Hindi tulog na siya, yung boyfriend kasi nun naligaw na e. wala ng love GA na nakabantay sa kaluluwa puro mga mamaws na kaya ayun napalaban ako. Yung iyo ba ?"
GA- Guardian Angel.
"Napapalaban din ako minsan, sa dalawang taon kung pagbabantay sa kanya nagkaganyan na din ang mga pakpak ko. Ayos lang naman sa akin yung ngiti lang niya yung parang ginagawa kong kabayaran sa pagtatanggol ko sa buhay pag-ibig niya. Ang ganda talga niya bro...kung.."
"shhhh... bibig mo bro dahan dahan lang di natural yan. Tao siya anghel ka.. Rule No. 35 of Angels Code .. No human is for an Angel"
"Alam ko! Impossible naman na magkagusto ako sa tao..."
"Ah basta wag na wag mong hahawakan ang puso ng binabantayan mo bro .. Angels Pedia Page 23 .. If a Love Angel Touches the heart of a human he/she is guarding a consequence is a- "
"Oo, nabasa ko yun ano kaba? Alis ka na nga mag-uumaga na o. naka gising na yung binabantayan mo."
"Ok ok /... so long bro.. "
Mag uumaga na at isang bagong araw na naman ang makakaharap mo Love GA Kael. Angel No. 14-099.
JENNY's POV
kRING ! KRING! KRING!
GOOD MORNING WORLD!!!
Agad akong bumangon at nagdasal ng isang Our FAther at Tatlong Hail Mary Tapos isang Glory Be. Bait ko noh?
Lagi kasi akong may napapanaginipan na gwapong angel e. sabi nya magdasal daw ako lage at yun nga ginagawa ko naman. Ang gwapong Anghel sana Maging Tao nalang yun. Hayyy !!
"Miss ganda may text ka !!"
"Miss ganda may text ka !!"
"Miss ganda may text ka !!"
May text? Teka asan na yung cp ko. Katabi ko lang yun kagabi ah. Kaya hinanap ko ang pinanggagalingan ng tunog.
HULI KA!
From : My BEBE LOVEs!!
Good morning sa pinakamagandang babae ng buhay ko, Kumain ka ng marami hah . Love you...
ANG SWEET TALAGA NG LALAKING TO. SANA SA 9 BOYFRIENDS KO.. SIYA NA ! SIYA NA MAKAKUHA NG FIRST KISS KO HAHAHA.. DI JOKE LANG ! SANA SIYA NA ANG MAGDALA SA AKIN SA ALTAR AT ANG LALAKING MAMAHALIN AKO.
TO LOVE AND TO BE LOVED.
BEBE LOVEs: Loves punta tayo sa Spring mamaya sunduin kita dyan.
REPLY
OKEY LABS ... ingat ka love you
SEnd
NOT ENOUGH BALANCE
AHHHHHHHHHHH!!! SAD STORY !!! WALA NA PALA AKONG LOAD.
"ANAK KAIN NA!"
"OPO DDY ANJAN NA."
Third person's POV
Habang kinikilig si Jenny ay nagtataka naman ang mukha ni Kael di kasi maganda ang kutob niya sa mangyayari.
"ANGEL'S THOUGHTS"
Author's Note: HALA! Di ako makapaniwala sa daming support ngayon ng story na to iba sa CDCT ... Okey sana po tuloy tuloy ang support niyo sa akin.
COMMENT PO KAYO AH.. LOVE YOU
BINABASA MO ANG
MY FIRST KISS GUARDIAN
FantasyHighest Rank #79 in FANTASY "Lola, ano po yang binabasa mo?" Sabi ng isa sa mga apo ni Aling Jenny. " Apo, ito ang kwento pag-iibigan ng isang anghel at ng isang tao. " " Totoo po ba talaga yung angels, Lola? " " Oo naman, lage lang silang...