35 KISSES: DISCOVERING

221 11 0
                                    


ALMIRA'S POV




"Alvira?!!" 


Nakaikuyom ko ang aking kamay habang pinagmamasdan ko ang mukha ng isang anti angel na katulad ni Alvira, ang isa sa mga dahilan ng aking paglisan at pagkawalay ko sa aking pamilya. 
Nilibot ko ang aking paningin at napag alaman kong ginamitan ako ni Alvira ng kapangyarihan nyang teleportation, nasa isang mabuhanging lugar na kami, pamilyar na lugar ito sa akin. 

"Di ka pa rin pala nagbabago Almira, mainitin pa rin ang ulo mo."

"Di ka parin pala nagbabago Vira, mas maganda pa rin ako sayu at panget ka parin. "

"I-iikaww.." 
Naku! mukhang nagalit ko na yata siya. Lumalabas na kasi sa mukha nya ang mga ugat at napakapanget na niyang tingnan. 

"Oo ako, ako na mas maganda sayu. "

Tumingin ako sa mga kamay niya, at unti unti ng nabubuo ang sandata niyang spear dito. Kaya naman ay isinamo ko na din ang aking sandatang tanikala. Mukhang mapapalaban na naman ako. Oras na rin siguro upang pagbayarin ko ang isang anti angel na katulad ni Alvira. 

"Humanda ka Almira, katapusan mo na."

"Ikaw ang tatapusin ko Vira, ikaw at wala ng iba."

At sa pag ihip ng malakas na hangin sa aming harapan ay siya ring pag sulong namin upang maglaban. 

"KATAPUSAN MO NA!"

.

.

.

.

.

.

.

GELO'S POV




Di maalis sa aking isipan ang tungkol kay Zaheer at sa mga anti angels na kasama nya. Isang malaking palaisipan sa akin ang kanilang pakay at gustong makuha mula sa mga flaires namin ni Kael. Lalo na kay Jenny. Bakit pagkakainteresan ni Katarina ang isang katulad ni Jenny. 

Kaya naman ay nagsagawa ako ng isang pananaliksik sa library of forbidden knowledge, isang aklatan na pinagbabawal pasukan ng sinumang anghel dahil sa mga mapanganib na kaalaman. PEro wala nakapigil sa akin. HAHAH.. madiskarte kaya tong anghel.



sa aking pananaliksik ay nakakita ako ng isang kakaibang libro wala itong title o ni author wala, pero merong nakasulat na mga symbolo dito. NAgsaliksik pa ako at napag alaman kung ibang klase ng writing system ang ginamit dito. Kaya naman ginamitan ko ito ng aking kapangyarihan at dun ako nabigla sa aking natuklasan ang librong ito ay tungkol sa mga anti angels. Nagtataka lamang ako kung sino at kani ang librong ito. 

Kaya naman ay nung malaman ko kung paano ito basahin ay agad ko itong ibinaba kasama ko sa lupa, upang habang aking binabantayan si Mary Mae, ay natutoto din ako tungkol sa mga bago naming kalaban.  


"To whom it dwells the darkness will prevail, the light will disappear and darkness will reign. To whom darkness is, light will be the vessel. The light who hides the darkness. The vessels of the 5 spirits are the souls of the cleanest hearts from light."


"Mga mabubuting puso ang magiging sisidlan ng mga pusong puno ng galit at puot. Liwanag ang kukulong sa kadiliman."

<Ibig sabihin ang mga sisidlan na sinasabi nilang paglalagyan ng mga spirito ng mga anti angels ay... mga tao.. o di kayay anghel na may mabuting kalooban na kayang pumuksa sa kadiliman.>

" The being created from two different creatures will separate the light from darkness. The being from the blood of an angel and body of a human. The result of the forbidden love. 

The being will set Zaheer free. " 


Anong ibig sabihin nito?

Nanlaki ang aking mata sa aking nabasa. Isang nilalang na galing sa dalawang magkaibang lahi, anghel at mortal? 

Ang siyang magpapalaya kay Zaheer?

Nagpatuloy pa ako sa pagbabasa at habang nagbabasa ako ay isang simbolo ang naka agaw ng aking atensyon. 

Teka simbolo ng kaibigan kong Love GA na si KAel to ah. 

Tiningnan ko itong mabuti ngunit nagkamali pala ako. 

Hindi iyon simbolo ni Kael. 

Ngunit


Simbolo ng Flaire niya


"Jenny?"- naibulong ko. 


Si Jenny ang nakatakdang magpapalaya kay Zaheer. Pero paanong ? 



MY FIRST KISS GUARDIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon