28 KISSES : DANGER

91 6 0
                                    


Jenny's Pov

Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon para may kung anung nilalang ang pumapasok sa aking mga ugat sobrang sakit. Pagdilat ko ay nakatali pala ako tig isang tali sa mga kamay at mga paa ko, habang nakabitin.

Tumingin ako sa harapan at isang lalaking may mahabang buhok at balbas ang nakangisi.

" Ngayong nahuli kana namin, pwede na naming buhayin muli si Zaheer. "

" Argh! ugh ahh " -napaungol ako dahil sa sobrang sakit. Patuloy padin ang mga nilalang na yun sa pag salakay sa katawan ko.

Biglang may isang magandang babaeng anghel pero maitim ang pakpak ang lumipad papunta sa akin. Nasa harapan ko na siya.

" Sayang ang kagandahan mo Key. "

Key?

Sinung key?

Lumapit pa siya sa akin at pinalunok sa akin ang isang itim na bato.

" AHHHHH... "

Sobrang Sakit!

Kadiliman kasunod ng isang pamilyar na boses.

" Flaire "

" Flaire "

Kael?

Napabalikwas ako at bumangon nasa harapan ko si Kael.

" Ayos ka lang my flaire? "

Yumakap ako kay Kael.

  " Kael,kukunin nila ako. Sasaktan nila ako. "

" My flaire relax, di ko hahayaang manyari yun. "
-yumakap na din si Kael. Umiiyak na pala talaga ako. Para kasi talagang totoo. Yung sakit, yung mga nangyari, Lahat parang totoo.

Bumitaw sa yakap si Kael sa akin at hinarap ako. Nag aalala yung mukha nya.

" Di ko hahayaang may mangyaring masama sayo, my flaire. Diba sabi ko ako ang magiging Guardian Angel mo. Wag muna tayong pumasok ngayon, Babantayan kita. "
-sbi niya habang pinapahiran ang aking mga luhang nag uunahang umaagos mula sa mata.

Napatango na lang ako sa sinabi niya. He's Serious!

- Pinahiga nya ulit ako, tas hinaplos haplos ang noo ko papuntang buhok.

  Kael's POV

Nakatulog ulit si Flaire, sa paghaplos ko.

Anu kaya yung napanaginipan nya?
Di kaya yung mga anti angels?

Di pwede...

Di ko hahayaang kunin nila ang flaire ko.

Tatayo na sana ako para magluto ng agahan ng biglang lumabas ang lalaking nakita ko nung isang araw.

" Kumusta Kael. "

" Anung kailangan niyo sa kanya? "

" Malalaman mo din sa tamang panahon. Ngayon isa lang ang pakay ko sayo gusto kung ipaalam mo sa lahat ng GA na kaming mga Anti Angels ay nagbalik na. At papatayin namin kayung lahat hahaha..."

uminit ang tenga ko sa narinig at napa Angel State akung bigla at kinulong ko siya sa isang bola ng liwanag.

" Akala mo mapipigilan ako nyan. Isa ka lang mahinang GA. Salamat sa pag-iingat mo sa Key mag tatagumpay na ang plano namin ni Katarina. "

- umitim bigla ang mata niya at nakawala siya sa gnawa kung light prison.

Katarina? Di kaya.

" Dileon? "

" Buti naalala mo pa ako Kael. "

" Pero paanong? "

" si Katarina? "

Hindi kaya? Si mam Mae? Hindi to pwede. Ginamit nila

  si Mae para mapakawalan si Dileon.

At ang susunod ay si Zaheer?

" Hanggang dito nalang muna Kael paghandaan nyo ang pagtutuos natin. "

at nawala siyang bgla.

Napatingin nalang ako kay Jenny habang mahimbing padin ang tulog.

" Puprotektahan Kita flaire. "

Kung naguguluhan kayo sa mga
Anti Angels.

Sila yung mga Angels na nagtaksil at tumiwalag sa pagiging GA.
Pinamumunuan ni Zaheer, ang angel na gustong maging archangel pero dahil sa pagiging makasarili ay di siya napili. at simula nun ay naging isang rebeldeng anghel.
Dileon - ang anghel na umibig sa isang demonyo, kaya sumama siya sa kampon ng kasamaan.
Alvira- ang anghel na gustong maging tao pero nung 3 painful days na nya isang masamang esperito ang pumasok sa katawan nya. Kaya sya naging isang masamang anghel.

Malalakas ang tatlong ito. Kailangan kung paghandaan pag toto0s namin di nila pwdeng kunin ang flaire ko.

Nasa kusina na ako nagluluto ng agahan.

" Bro. "

Isang pamilyar na boses ang nagagaling sa ref, lumingon ako at..  

MY FIRST KISS GUARDIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon