31 KISSES : WINGS

122 8 3
                                    

Someone's POV

Kahit sobrang sakit na ng dibdib ko ay pinilit ko paring lumapit sa kinaroroonan ni Jenny. Kailangan ko siyang maligtas. Di ko alam kung sinong may pakulo ng lahat ng lahat ng ito pero kailangang pigilan ko sila. Kitang kita ko ngayon ang pagpapasakay nung mga lalaki sa sasakyan nila si Jenny.

Itinakip ko na ang scarf ko sa mukha ko at patakbo akong sumugod sa mga lalaki. Limang mga lalaki. Papalaban na naman ako nito matagal na din simula nung huli kong pakikipaglaban.

"TSIT!!" -sipol ko,dahilan para mapalingon ang limang lalaki na nakatakip. Bwisit! Ka Hernan! May masama ng nangyayari sa anak mo, mas inuna mo pa ang trabaho!

"Sino ka?"

"Ako? Ako ang magpapaligaya sa inyo."

"Talaga?"

"Oo, ligayang walang kapantay."

Pagkatapos kung bigkasin ang mga salitang yun ay agad akung sumugod, isang malakas na sipa ang ibinigay ko sa naunang lalaki, nagulat naman yung iba at agad na ding sumugod sa akin. Pinagsusuntok nila ako pero sadyang mabilis ako para matamaan nila.

Isa pa din akong angel at Half Winged Angel nga lang pero di pa rin ako pahuhuli sa pakikipaglaban.

Inilabas ko ang chain of Light ko, at itiwasiwas sa dalawang lalaki dahilan para matali silang dalawa sa isa't isa.

"Art of the Chain Number 22 : Cursed of the Lightning" -isang napakalakas na boltahi ng kuryente ang kumawala sa aking chain na tumusta sa dalawang lalaking nakatali.

Napatumba ko na yung tatlong lalaki teka asan na yung dalawa?

Paglingon ko ay nasa likuran ko na pala yung lalaki. Habang yung isa naman sakay na nung truck at pinapaandar na ang puti nilang van.

"Pipigilan kita."-sabi ng isang lalaki na nanginginig na yung tuhod. Dahan dahan akong lumapit sa kanya habang tumutunog yung chain na hawak ko dahil sa pagtouch nito sa cementong daan.

"Takot kaba?"

napapaatras na siya.

"Itatakas niyo pa ang babaeng yan hah."

Iwinasiwas ko ang dala kung chain at itinapon ito papunta sa van, punterya ang gulong nito.

At sapol. Di pa rin pala talaga lumalaos ang galing ko.

Napatingin ako sa pwesto kanina nung lalaki.

Asan na yun?

Pati yung lalaking nasa loob ng van tumatakbo na din.

Success ang pagligtas ko sa anak ko. Ang anak na iniwan ko sa loob ng 17 taon. Matatanggap niya pa kaya ako?

"Mira!"

Isang napakagandang babae ang biglang sumolpot sa harap ko. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Anti Angels?

"Alvira? Paanong ?"

"Tatanungin mo agad ako ng ganyan mira? Wala man lang yakap o pangungumusta? Galing sa pinakamatalik kung kaibigan."

"Anong kailang niyo sa anak ko Alvira? "

"Di pa ito ang tamang panahon para malaman mo Mira. Umaayon ang lahat sa plano. At ikakatuwa mo ang mga mangyayari. Mawawalan ka ng anak. "

Uminit ang tenga ko dahil sa narinig at di ko napansing napa ANGEL STATE na pala ako at lumabas na ang isa kung pakpak.

"Di kita hahayaan Alvira. Ikukulong kitang muli." -itinapon ko sa kanya ang chain na hawak ko. Pero bigla syang nagteleport sa likod ko at bumulong.

"Masaya akong nakita kita pinakamamahal kung Mira. Di pa ito ang tamang panahon. "

sisikuhin ko na sana sya pero nawala na ang essence niya, kasabay ng pagkawala ng essence ni Alvira ay siya namang paglitaw ng isa pang essence, di to maari.

"Mira???"

KAEL'S POV

Ano ba kasi tung pinabibili ng flaire ko at pinagtitinginan ako kanina nung binili ko to?

Yung iba pinagtatawanan pa ako, yung iba pinicturan pa ako, yung iba sinabihan pa ako ng tapang mo ah. Wala akong idea.

Kung andito

Pabalik na ako sa bahay nung makasalubong ko si Hanna kaklase namin ni Jenny, madaldal na babae ang daming pinagsasabi tingin ko siya yung babaeng nakakita kay Gelo sa pakikipaglaban kay Katarina. Nagdududa talaga siya.

"Kaw yung anghel na nakita ko nuh? Kamukha mo talga kasi eh. hmmmm"

"Di ako yun. Tsaka wala akong pakpak baka namamalikmata ka lang. "

"Di talga e."

Yun lang yung iilan sa mga pinauusapan namin. Puro pagdududa pero kanina pa talaga ako di mapakali eh. Parang may iba.

Kaya tinapos ko na usapan namin, sa pag ccr. at ayun naiwan siya dun. Kailangan ko ng umuwi.

Sumakay agad ako sa kotse at pag minamalas ka nga naman na traffic pa ako. Sobrang bilis na ng tibok ng puso may nangyari kaya sa flaire ko?

15 mins na akong stuck sa gitna ng traffic at sobrang bilis pa rin talaga ng tibok ng puso ko yung tipong sa sobrang lakas ng tibok masakit na.

Bahala na! Kailangan kung subukang magteleport at magagawa ko lang yun kapag naka Angel sTate ako. Pinikit ko ang mata ko at dinama ang kapangyarihan sa loob ko. Dama ko ang unti unting paglabas ng pakpak ko at ng kapangyarihan ko.

Inisip ko ang bahay nila Jenny at...

Pagdilat ko ay nasa harap na ako ng bahay nila Jenny, may mga nakahandusay na tatlong lalaki at isang nakaparang van na flat ang gulong.

Paglingon ko ay nakita ko ulit ang babaeng nakita ko nung nakaraang linggo.

"Mira?"

Author's Note : Every two days na ang ud ko dito :) Hit the comments and votes Please :) 

MY FIRST KISS GUARDIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon