KAEL'S POV
"Isa ka bang anghel Kael?"
-si Jenny habang kumakalas sa kanyang yakap at nakatingin sa malayo.
"Jenny, flaire ko."
"Ikaw ba yung anghel na nakita ko sa kwarto, yung anghel na lumalagas na yung pakpak tas nawalang bigla sa paningin. Yung ... "
"shhhhhh" -- pumunta ako sa harapan niya at hinawakan ang kanyang labi kasabay ng marahang pagtango.Tiningnan ko siya sa mata ganun din siya sa akin, hinintay ko ngayun kong ano ang magiging reaction nya.
"TALAGA?! WAHHHHHHHHH!!! ANG GALING? IKAW BA ANG GUARDIAN ANGEL KO? ANG COOL NAMAN NITO. SINASABI KO NA NGA BA EH. IKAW NAMAN KAEL BAT DI MO SINABI SA AKIN.?"
-nagtatalon sya sa harap ko kasabay ng paghampas pa sa akin ng marahan.May kalog din talaga minsan ang flaire ko na to di ko maintindihan minsan.
"Pero Kael, marami akong tanong sayu. Tungkol sa nangyari kagabi. Ikaw ba ang nagligtas sa akin? Ang naalala ko lang kasi kagabi lalabas ako ng gate namin dahil may naamoy akong sobrang bango tas di ko na maalala ang mga sumunod na pangyayari. Tas nasa loob na ako ng van, tas may mga lalaking parang binugbog, ikaw ba ang nagligtas sa akin?"
"Flaire ko, hindi ako ang nagligtas sayo. Pero.."
"PEro ano Kael?"
"Kilala ko ang nagligtas sa yu."
"Sino siya?"
"Siya ang taong matagal ko ng kilala, at marahil ay kilala ka rin nya.""Anong pangalan nya?"
"Siya Love Angel Almira."
Tiningnan ko si Jenny at nagulat ako sa kanyang reaction. Natulala ka si siya at parang may naiisip na di ko matukoy."Are you okay flaire ko?"
"Almira? Pamilyar sa akin ang pangalan na iyan. Teka.."
Bigla siyang tumayo at binuksan nya ang kabinet na nasa gilid niya. Parang may hinahanap siya kung ano man.
"Tama ito yun, ang painting."
"Hah, anung painting yan flaire ko?"
Iniharap nya sa akin ang isang painting na nasa isang uri ng tela, binaliktad nya ito at sa likod ng painting ay may nakasulat na pangalan."ALMIRA?"
Hindi! Hindi ako maaring magkamali ang uri ng sulat na iyan ay sulat ng Love angel na nagtrain sa akin, Almira "Mira" Wingfree.Sa pinakita ni Jenny sa akin ay naalala ko ang nakaraang pinag usapan namin ni Gelo.
FLASHBACK
"Zaheer, isa sa 5 anghel na isinumpa, o kilala sa tawag na anti angels. Siya ay tinalo ni Gabriel sa kanilang pagtutunggali at inilagay ang kanyang kaluluwa sa isang lagyanan na di pa rin natutukoy hanggang ngayun. Kasama ng apat na anti angels na sina Katarina, Alvira, Delion, at Sandro silang lima ay ikinulong sa ibat ibang diminsyon na kahit sino man ay walang nakakaalam."
"Walang nakakaalam pero anong ibig sabihin nung pagpapatumba sayu ni Katarina? Paano sila nakalaya? Paano, hah Gelo?"
"Ayun sa nabasa ko tol, ang mga anti angels ay inilagay sa mga diminsyon na di matukoy pwera nalang kung..."
"Kung isa sa kanila ay di talaga nakulong doon.."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam ng bawat anti angels na iyun ang lokasyon ng bawat isa sa kanila. At kung nagkataon na isa sa kanilang lima ay hindi pala nakulong habang yung apat naman ay nakulong. May possibilidad na, mapalaya ng isang yun ang apat pang nakakulong. Dahilang upang makalaya si Katarina.""Kung gayun ay sino sa kanilang lima ang di nakulong.. "
"Di ko pa alam bro hayaan mo na ang mga Arch angels na siyang kumalaban sa mga yun."
"Pero bro nung nakaraang linggo nakaramdam ako ng isa sa kanila, and I think they are after my flaire, which is hindi ko hahayaang mangyari. KAhit maging dahilan man ito ng tuluyan pagkawala ng natitira kong pakpak."
"Bro ang simbolo na pinakita ko sayu dati, yun ang simbolo ng flaire mo, ang simbolo din ng anghel na magpapalaya kay
ZAHEER.""HOOYYYYY!! Kael? Okay ka lang? Kanina kapang tulala jan ha kanina pa kita kinakausap. Ganyan naba ako kaganda at mawala kana sa realidad dahil sa akin?"
"Ah.. eh wala flaire ko.. tara na mag umagahan na tayu.. gutom na siguro ako. Tingin ko pati ikaw eh. Mamaya na natin pag usapan ang tungkol sa nagligtas sayu tara kain muna tayu."
"Ako? Hello? Di ah di ako gutom, pero sige na nga mamaya nalang natin pag usapan. "
Ngayun ay alam ko na, napagkunekta ko na ang lahat di ito maari. Si Jenny, ang aking flaire?
Ang NAKATAKDA?
ang magpapalaya kay ZAHEER.
BINABASA MO ANG
MY FIRST KISS GUARDIAN
FantasyHighest Rank #79 in FANTASY "Lola, ano po yang binabasa mo?" Sabi ng isa sa mga apo ni Aling Jenny. " Apo, ito ang kwento pag-iibigan ng isang anghel at ng isang tao. " " Totoo po ba talaga yung angels, Lola? " " Oo naman, lage lang silang...