ALMIRA'S POV
Nandito ako ngayun sa harap ng isang bahay namin, ang bahay kung saan dati kaming masayang namumuhay ng aking asawang si Arman. Ang lalaking aking minahal at dahilan para akoy magsakripisyo. Tanaw ko mula sa aking kinalalagyan ang ka sweetan ng guardian angel na si Kael at ng aking pinakamamahal na anak na si Jenny.
Ang bilis ng oras at panahon. Ang bilis ng paglaki ng aking anak. Ang nag iisa kung anak na minsan ko ng inabandona.FLASBACK
(17 YEARS AGO)"UGHHHH.. .ARAY KO! ANG SAKIT.. ARMAN ...HALIKA DITO.... MANGANGANAK NA ATA AKO!!! "
Daing ko dahil sa sobrang sakit ng aking tiyan. Di ko aakalaing ganito pala kasakit ang panganganak ng isang tao. Dali dali akong sinakay ng aking asawa sa aming sasakyan at agad nagpaharorot ng takbo papunta sa pinakamalapit na hospital.
Bakit pa kasi ngayun ka pa lalabas baby ? May laban sana ngayun ang mommy mo e.
Ngayun kasi ang araw at oras na tutugisin ng mga arch angels ang mga anti angels at ang kanilang pinuno na si Zaheer. Gusto kung tumulong sa pagpuksa sa mga taksil na angel na iyon.
"AAARAYY.. KO.. UGHHH .. HOOHH.. HAHHA.."
"You can do it Missis! Kunti nalang. "
Ani ng doctor habang pinapaanak ako. Ganito pala ang mga tao kung manganak, sobrang sakit.
"aRGGHHH... Diyos ko! G! Bakit ganito kasakit kung MANGANAK ANG MGA TAO!!!! WAHHHH....""sige pa, kaya mo yan. "
- Cheer ulit sa akin ng doctor.
Isang malakas na ire ang aking pinakawalan. Napapikit ako.. at di nagtagal ayy
"owa owaahh!!!" - Isang iyak ng sanggol ang bumalot sa buong operating room. Ang anak ko!"Congratulations Maam! Babae ang anak niyo, isang malusog at maganda batang babae."
sabi ng doctor habang karga karga ang aking anak. Di ako makapaniwalang magkakaroon na ako ng anak. Di ko na tuloy mapigilang mapaluha, ang bunga ng lahat ng aking sinakripisyo.
Pagkatapos ng lahat ng aking mga pinagdaananan.
Lumapit sa akin ang doctor dala ang aking anak at inilagay nya ito sa aking tabi na agad ko namang ikinulong sa aking mga bisig."Anak ko, ang ganda ng anak ko. Mana sa anghel nyang ina."
Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang nakataas na kilay at gulat na reaksyon ng mga nurses at midwife na nagpaanak sa akin dahil siguro sa aking sinabo. Nawewerduhan na siguro sila sa akin. Pero wala akong pakialam, ang saya ko ngayun kasi ina na ako."Pwede niyo po ba, muna kaming iwan ng anak ko? "
Wika ko na kaagad naman sinunod nila. Agad silang lumabas.
"Anak ko." - Habang hinahalikan ng marahan ang napakaganda kong anak."Patawarin moko anak peroo.. kailangan ng langit ang aking tulong... wag kang mag alala anak.. babalikan ko kayu ng ama moo.. pangako.."
"Aalis ka? Iiwan mo kami ? .. Almira naman.. di mo kailangang gawin to.. kaya na ng mga kasamahan mo ang mga sinasabi mung kal..""Patawarin mo ako flaire ko! Pero kailangan kong siguruhin ang katapusin ng mga anghel na yun. PAra din to sa inyu para sa anak natin. Pangako maiintindihan mo rin ako sa pagdating ng panahon. Babalik ako."
"Almira, mahal ko.." -
Bigla akong niyakap ni Arman, isang mahigpit na yakap at ramdam ko ang init ng kanyang pag-ibig sa yakap na iyun.
"Mahal na mahal kita, mahal ko kayo ni Jenny." - ako habang dahan dahang kumakalas sa yakap nya at ibinigay sa kanyang mga bisig ang aming anak."Je-jenny??"
"Oo flaire ko, Jenny ang ipangalan mo sa ating unang anghel."
"Al-mi---ra..wagg.."
"shhhhh.... wala ka ng magagawa mahal ko.. "
Hinawakan ko ang kanyang mukha at ngumiti ng marahan.
"Mahal kita Arman Santiago Flores! Hanggang sa muli mahal kung flairee.."
Kasabay ng aking dahan dahang paglaho, nagiging butil ng liwanag ang aking katawan. Teleportation.
"Mag iingat ka mahal ko, mahal na maha" Si Arman na bigla akong siniid ng isang halik, napakatamis na halik sa taong aking minahal ng lubusan. Pangako mag iingat ako, para sa inyung dalawa.Habang hinahalikan nya ako ay napagtanto kong umiiyak siya."Ar-mann.."
<END OF FLASHBACK>
"Almira! Long time no see"NAgulat ako sa boses na nagmumula sa aking narinig mula sa aking likuran at ng lilingon na sana ako ayy ..
"Miss na kita.."Nasa likod ko na siya at ramdam na ramdam ko ang essence nya.
ISA SIYANG ANTI ANGEL.
O_O
"Alvira?" - naibulong ko.
BINABASA MO ANG
MY FIRST KISS GUARDIAN
FantasyHighest Rank #79 in FANTASY "Lola, ano po yang binabasa mo?" Sabi ng isa sa mga apo ni Aling Jenny. " Apo, ito ang kwento pag-iibigan ng isang anghel at ng isang tao. " " Totoo po ba talaga yung angels, Lola? " " Oo naman, lage lang silang...