18 KISSES : A DATE

118 12 0
                                    


  18 KISSES : A DATE  

Jenny's POV

" Sino to? Be? Kailan ka pa naging ganyan ka bango? "

- ako, na nagmamaangan pa kahit alam ko na na si Kael. Naamoy kuna kaya siya. Awkward. Yung amoy na parang matapang na kaaya aya amoyin. Ewan! Di ko maexplain di pa kasi ako nkaamoy ng ganito dati.

"talaga Mabango ako? "

Tama nga ang hinala ko, pati ang hinala nyo. Si Kael nga. Napayuko nalang ako. Ramdam ko ang init na mula sa pisngi ko.

Argh!

   Mabango pala ako. Inamoy mo'ko? "

" Mang.Asar pa."

" Ah,siguro nung niyakap mo ko, inamoy mo rin ako nuh? "

" Di ko sinasadyang amuyin ka. "-tulong! Ang init na ng pisngi ko.

" Namumula ka. "

" Natural lang yan. Redish White. "

" Hahaha Uwi kana ba agad? " -si Kael na parang kinakabahan.

" Oo, bakit mo natanong. "

" Papasama sana ako sayo. "

Bakit ganito ang bilis ng tibok ng puso ko?

" Saan? "

" Sa lugar kung san tayo nagyakapan?"

" Argh! Ang galing mu mang-asar. Dyan ka na nga."

Tumakbo ako at sinundan naman ako ni Kael. Para kaming mga bata. Tas nung hiningal naku naglakad ulit kami papuntang seaside port. Palubog na ang araw. How Romantic.

" Sana di nalang lumulubog ang araw. "- bigla kung nabulalas habang nakaupo kami ni Kael sa isang bench kaharap ang paglubog ng araw.

" Di mangyayaring di lulubog ang araw. Lahat may katapusan. " -malungkot na t0no ng boses habang tumitingin sa sunset.

Tinitingnan ko ngayon si Kael. Pointed nose, makinis na mukha, mapupungay na mga mata at  maninipis na labi na ang pupula. Mas lalo pa siyang nagiging pogi dahil sa sinag ng araw mula sa sunset. This man is so perfect to be an angel. Otherwise, to be mine. Haha. Inangkin.

" Bat mo-"

" Katutuhanan yun Flaire, na kahit buhay ng tao at mundo may katapusan. Lahat nagbabago. "
-malungkot?

Inakbayan ko siyang bigla tas tiningnan yung mukha nya. Mata sa mata. Eye to eye kami ngayon.

" Alam mo ang bitter mo. Kahit naman may katapusan ang lahat yung love ni Lord para sa atin endless yun. Nasasa Atin na yun kung tatanggapin ba natin oh hndi. Tsaka- anung sabi mu Flaire? Kailan pa naging flaire ang pangalan ko. "

Nakatingin siya sakin parang kinakabahan tas tumingin sa kanan tas kaliwa.

  Nahihiya ba siya sa kin? *_*

KAEL'S POV

Inakbayan akong bigla ni Jenny tas payuko syang tumingin sa mga mata ko. Tinanung nya ko kung bakit flaire ang tinawag ko sa kanya.

   Wala naman gusto ko lang na flaire ang itawag sayo. "

This time inalis na nya ang akbay nya sa akin. Tas tumingin sa sunset. Nahihiya ata sya sa pag-akbay nya.

" Salamat nga pala sa pagligtas mo sakin lage ah. Alam mo parang matagal na talaga kitang kilala. Ang gaan gaan ng feelings ko para sayo. Di ka ba talaga guardian angel? "

Napalunok ako sa narinig ko.

" Kamukha mo kasi talaga yung nakita ko. Ah, nga pala nag uusap na tayo tas wala tayong formal na pagpapakilala. "

Henga malalim Kael. Nagchange siya ng topic.

" Jenny Flor Mendez nga pala, Friends na tayo ah. Ops! ito na naman ang childish side ko. Madaldal. "

" Nakakatuwa ka nga e. Prince Kael Angeles. I can be your guardian angel kung gusto mo. "

  "Talaga?"

" Oo. "

" Basta ba anjan ka lage sa oras ng kagipitan ah-"

MISS GANDA MAY TEXT KA.

MISS GANDA MAY TEXT KA.

Yung cellphone nya biglang tumunog, kinuha nya ito mula sa bag nya.

Binasa nya ito, habang ako naman tinitingnan ang tuluyang paglubog ng araw.

" Hello Insan, saang hospital?"

" Papunta na ako. sige..." -si Jenny na natataranta na.

Anong nangyari?

" Kael " -si Jenny na maluha luha na.

Parang kinikirot tuloy ang bagay na nasa dibdib ko.

"Si Papa."

AN: Happy 200 reads within 6 days. Ang shaya. Ok Ok. ^.^


MY FIRST KISS GUARDIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon