JENNY'S POV
Nandito ako ngayon sa dalampasigan. Dinadama ang simoy ng hangin, tanging tunog lang ng pagtama ng alon sa bato at iilang tunog ng mga ibon ang nagiging musika ng buong paligid.
Tatlong araw na ang nakalipas mula ng insedenteng nakakita ako ng anghel sa kwarto ko. Di ko sinabi kahit nino man ang aking natunghayan. Di kaya siya ang guardian angel ko?
" Totoong may anghel? " - bulong ko habang hawak hawak ang puting feather. Napakaganda talaga nyang tingnan.
Salamat sa tulong mo, kung di dahil sayo malamang hanggang ngayon nagluluksa pa ako sa hiwalayan namin ni Xander.
Kelan Ko kaya ulit siya makikita?
KAEL'S POV
Isang ngiti ang ibinigay ko kay Jenny, ang flaire ko. Alam ko na ng mga oras na yon ay nakikita na nya ako. Dama ko ang pagka bigla nya.
Hinawakan nya pa ang kamay ko.
Nung Ikalawang araw ay naglaho ulit ako. At ang pangatlong araw pinakahihintay ko.
Malalaman ko na kung magiging tao ba ako O tuluyan na akung maglalaho sa kawalan.
Ang ikatlong araw ang pinakamahirap sa lahat, pinakamasakit, dama ko ang parang mga karayom ng apoy na tumutupok sa aking buong katawan. Tuluyan na ding naglaho ang aking mga pakpak.
Pero pinipilit kung kalimutan at kinakalaban ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Di ko alam pero tanging si Jenny lang ang laman ng utak ko, ang matatamis nyang ngiti, ang mainit nyang kamay.
Kakayanin ko to para sa kanya. Para babaeng ilang taon ko ng pinoprotektahan.
THIRD PERS0N'S P0V
Nasa isang bangin ngayon si Kael pilit pinaglalabanan ang sakit na nararamdaman nya. 11:30 pm na ng gabi at 30 minuto nalang malalaman na kung magiging tao ba siya o malalaho na ng tuluyan.
Malakas na pwersa ngayon ang pumapal0ob sa katawan ni Kael na pilit nyang nilalaban. Pinapalitan ng pwersang ito ang katawang anghel nya papuntang katawang tao.
Matapos ang 30minutong pagtitiis ay isang matinding puwersa ang kumawala.
At ng 12 am na ay...
Author's Note:
Exciting na ang mga next chapters. kaya stay tune. sa mga di k0mplet0ng nabasa ang mga chapterz punta kayung.BLACKFIRE'S L0VE ST0RIES
@fbZhanNeilBf
@wattpadTnx-Otor Here.
BINABASA MO ANG
MY FIRST KISS GUARDIAN
FantasyHighest Rank #79 in FANTASY "Lola, ano po yang binabasa mo?" Sabi ng isa sa mga apo ni Aling Jenny. " Apo, ito ang kwento pag-iibigan ng isang anghel at ng isang tao. " " Totoo po ba talaga yung angels, Lola? " " Oo naman, lage lang silang...