My First Kiss Guardian
19 KISSES : FATHERAuthor's Note : Thanks sa mga sumuporta sa akin. #420 in Fantasy yey.
Kael's Pov
Nandito kami ngayon sa hospital naririnig ko ang marahang paghikbi ni Jenny habang yakap yakap ang papa niya. Lumuluha na siya. Bat ganito parang sumusikip ang dibdib ko. Ang Makita siyang nasasaktan ay isang punyal na tumutusok sa bagay na nasa loob ng dibdib ko ngayon.
"Pa? Ano po ba kasi nangyari sa engkwentro niyo dun sa sindikatong yun. Akala ko ba dala dala mo yung ating ating mo bat ka natamaan hah. Papa naman eh pinakaba mo ko. "
-si Jenny habang yakap yakap pa din ang papa nya.
Pulis pala ang papa niya ?
"Ano kaba anak malayo sa bituka yan. Tsaka masamang damo to matagal mamatay. Kahit nga bukas pwede na akong umalis sa mabahong hospital na to ih."
"Papa talaga. Bat kasi nag pulis ka pa ih. Pwede ka namang maging nurse nalang. "
"HAHA... Patawa ka talagang bata ka."
"Nga pala pa. Ano bang nangyari?"
"Yung sindikato kasi ng illegal na droga na matagal ko ng pinapabantayan gumagawa na naman ng kababalagahan. May nagtip sa amin ng lungga nila at ng pinuntahan na namin yung lugar andun nga sila pero ang problema may mga armas pala ang mga loko kaya ito ako ngayon anak natamaan buti nalang at di ako napurohan. Si PO1 Abad nga 50-50 na eh."
"Pa naman. Sa susunod mag iingat kana ah. Pag di kapa nag ingat magiging nurse kana talaga."
-sabay yakap sa papa niya. Ramdam ko ang pagmamahalan ng mag ama."Kaw talagang bata ka."
Lumingon lingon ako sa buong paligid mula dito sa labas ng room ng papa ni Jenny. Marami akong nakikitang mga Love GA, death GA, Health GA at marami pang mga guardian angels na nakasubabay sa mga flaires nila.
"Kael"
Lumingon ako at nakita ko si Jenny na nakasilip sa pintoan.
"hmmmm"
"Halika pasok ka daw sabi ni Papa."
"Ako?"
"Ay hindi yung mga katabi mo. Dali na!" –hinila ba naman ako papasok.
"Pa andito napo siya. Pa si Kael my Guardian Angel."
O____O
Nanlaki tuloy mata ko ng di oras dahil sa sinabi ni Jenny.
"Naku anak. Bata ka pa di ko pa pinangarap na magka apo wag muna ngayon dapat makapagtapos ka muna ng-"
"Papa naman napakaexcited mo talaga di ko po bf si Kael tsaka Hello? Magiging sikat pa ako na pintor bago mag asawa noh. Papakilala ko lang si Kael ang taga pag ligtas ko.""Hai po."
- tiningnan lang ako ng papa ni Jenny. Nakuh po Lord mukhang binabalatan nya ako ng buhay.
"Papa"
"Ikinagagalak kitang makilala Kael. Alam mo bang ikaw pa lang ang lalaking pinapakilala ni Jenny sa akin ng bukal sa loob niya yung mga nakaraang mga lalaki kasi sa buhay niya ako pa naghahanap ng paraan para makilala . Buti naman nakatagal ka dito sa anak ko. Jorge Mendez nga pala hijo." –sabay abot ng kamay niya habang nakahiga."Pa ang sagwa pakinggan lalaki talaga?"
ISANG MALALIM NA PAG HINGA MGA KAIBIGAN. MAY PINAGMANAHAN PALA SI JENNY SA PAGKAMADALDAL NO.
"Prince Kael Angeles po."Napangiti nalang ako habang nakikipagshake hands sa papa ni Jenny. Tiningnan ko si Jenny sa gilid namumula na ito. Ano nangyayari sa kanya.
"Papa talaga ! Namboko pa. "
"Kael pakibantayan mo nalang tong si Jenny ha my pagkachildish kasi yan minsan tsaka mahangin din. "
"Pansin ko nga po.Aray!"- kinurot ba naman ang tagiliran ko.
"jenny."
-sabi ng papa ni Jenny.
Biglang bumukas ang pinto at inuluwa nito ang isang lalaki. Nagmano ito sa papa ni Jenny tas niyakap bigla si Jenny.
O____O
Ano na naman tong nangyayari sa dibdib ko sumusikip na naman. Tas parang may galit na namumuo sa buong Sistema ko.MERON BANG MAY ALAM SA INYO KUNG ANO TONG NANGYAYARI SA AKIN? NAHAWA NABA AKO NG SAKIT NG MGA TAO.
TSAKA ANO TONG NASA LOOB NG DIBDIB KO?
PAKISAGOT .. HUHU/2����ï
BINABASA MO ANG
MY FIRST KISS GUARDIAN
FantasyHighest Rank #79 in FANTASY "Lola, ano po yang binabasa mo?" Sabi ng isa sa mga apo ni Aling Jenny. " Apo, ito ang kwento pag-iibigan ng isang anghel at ng isang tao. " " Totoo po ba talaga yung angels, Lola? " " Oo naman, lage lang silang...