HOW IT ALL STARTED (chapter 1)

112 1 0
                                    

HINDI ko maalala ang eksaktong petsa ng una nating pagkikita, or pagkakilala. Wala akong matandaang signs na may mga singing birds sa paligid na nagsi-symbolize na may something special na mangyayari sa buhay ko. Basta ordinary day lang yun, na magiging simula pala ng forever na pagmamahal natin sa isa't-isa.

Where do I start?

1987.

MASYADO kaming close ng pinsang buo ko na si Ate Milet. Magkadikit na nga raw ang bituka namin sabi ng mga tao sa paligid. Sabay kami sa lahat ng oras, sa pagkain, sa paliligo, sa pagkukwentuhan ng mga nakakakilig na nangyayari sa buhay namin. Kaya lagi akong present sa bahay nila kahit anong oras, mapaumaga man yan o gabi.

Isang araw yun na nagkukwentuhan kami nang mapuna ko ang kasambahay nila na si Lani na parang may dinudungaw sa bintana. Nagtatawanan pa kami sa pagkukwentuhan pero nababaling ang atensyon ko sa kasambahay nila na halos malaglag na sa bintana dahil parang may sinisilip. Hindi na ako nakatiis at lumapit ako.

"Ano meron sa bintana?" natatawa kong tanong.

Isang kilig na kilig na Lani ang tumingin sa akin at halos hindi matanggal ang ngiti.

"Ang pogi niya talaga..!" kinikilig nitong sabi at dumungaw uli.

Napakunot ang noo ko. "Sino..?" at nakiusyoso na rin ako sa sinisilip niya.

"Hay naku....yung crush na naman niya ang sinisilip niya dyan..." biglang sabat ng pinsan kong si Ate Milet.

"Sino nga?" nagtataka na ako at nakipagsabayan na ng silip sa bintana sa kinikilig na si Lani. Kulang na lang eh ihagis ko na sa sobrang kilig.

"Ayun oh...nakaupo sa bench ng tindahan nina Kuya Edison.." pagnguso ni Lani sa kinaroroonan ng prinsipeng kinakikiligan nito. Para bang artista yun at sobra ang kilig ng kondenadang ito?

Napasilip pa ako nang tuluyan at pilit kong tinatanaw ang sinasabi nito.

Nagulat na lang ako nang biglang napaurong si Lani at parang gustong magtago.

"Hala ate, ayan tumayo na...papunta na rito sa tapat natin..." bulong nito.

Daig ko pa ang nire-wrestling nang panahon na yun dahil hampas ng hampas sa katawan ko ang kinikilig na babaeng ito. Ganun siya matuwa. Sadista...hehehe.

"Teka, gusto mo tanungin natin kung ano ang pangalan?" sabi ko na nagpadilat sa mata ni Lani.

"Ayoko teh, nakakahiya...ayokong malaman niya na crush ko siya.." halos hysterical na sabi nito

Natawa ako sa reaksyon niya sa sinabi ko. "Relax....tatanungin ko lng naman ang pangalan .." sabi ko.

"Ariel...Ariel ang pangalan niya..." sabi ni Lani.

Napataas ang kilay ko. "Nu ba yan...kapangalan pa ng ex ko..." may kasamang ismid kong sabi.

Lalong nataranta si Lani nung makita na palapit na sa tapat ng bintana ang tinatawag niyang Ariel. BIgla akong hinila paupo. "Ate palapit na..." bulong nito.

Natatawa ako talaga. PInilit kong tumayo at dumungaw uli ako sa bintana. Sakto palapit na nga sa tapat ng bintana ang Ariel na sinasabi nito. Ni hindi tumitingala sa kinaroroonan ko. Deretso lang ang tingin niya sa dinaraanan.

Umiral ang kapilyahan ko. "....Psssssssttt....psssstttt..!!" tawag ko.

Napatingala ang lalaki.

"HI....ikaw ba si Ariel..?" prangka kong tanong. Nang oras na yun, halos mabugbog naman ang binti ko sa mga kurot ni Lani habang nagtatago pa rin sa pagkakaupo.

Isang seryosong mukha ang tumingin sa akin na parang kinikilala kung sino ako.

"Ikaw si Ariel di ba?" tanong ko uli.

Tumango ang seryosong lalaki. "Oo.." mahina at maikling sagot nito.

Kumibit-balikat ako. "WAla lang...may nagpapatanong lang.." nakangiti kong sabi.

Diyos ko, halos dumugo na yata ang binti ko sa walang tigil na kurot ni Lani.

Isang matipid na ngiti lang ang isinagot ng lalaki at umalis na.

Napaismid ako. 'Suplado..kala mo naman gwapo.." naibulong ko.

"Wala na? Umalis na?" bulong ni Lani.

"Atsus....eh nuknukan naman pala ng suplado nun...ano nagustuhan mo dun?' sabi ko at naupo na ako sa sofa.

Kinilig na naman ang bruhang babae. "Ang pogi kaya niya.." sabi nito at ipinagpatuloy na ang pagpupunas ng mga appliances.

"Atsus...pogi daw....nuknukan nga ng suplado.." sabi ko. Napapangiti lang ang pinsan ko noon na si Ate Milet.

Ano ang kakaiba sa unang meeting na yun?

Wala...Ordinary day lang di ba?

FOREVER LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon