THE HINDRANCE (chapter 5)

27 0 0
                                    

DUMATING ang oras na hinihintay ko. Ang muli naming pagkikita pagkatapos ng pitong buwan. Kahit naging regular ang palitan namin ng mga sulat, hindi pa rin naging sapat yun. Sobra ko siyang namissed talaga. Mabuti na lang at nabigyan siya ng chance na magbakasyon ng December. Lumalim na kasi ang relasyon namin kahit sa mga letters lang nabuo ang lahat. Isang napakasayang Christmas ang ibinigay niya sa akin nang dumalaw siya , hindi nga lang sa mismong bahay namin, kundi sa bahay ng pinsan kong si Ate Milet, gabi ng Christmas . Kasama niya noon ang Tito niyang si Louie. Secret pa kasi ang relasyon namin noon kaya hindi talaga pwedeng malaman ng iba lalo na ng parents ko. May pagka-conservative kasi ang parents ko.

Masayang pagkikita, masayang pag-uusap. This time, hindi na sa sulat kundi sa personal. Noon ko napatunayan sa sarili ko na mahal ko na ang taong ito.

Pero ang lahat ay dumadaan sa trials.

Natuklasan ng Mommy ko ang tungkol sa amin.

Nalaman niya yun nung mahuli niya na inaabutan ako ng letter ni Ate Milet. Sulat yun ni Ariel bilang pamamaalam uli dahil kailangan na namang bumalik sa Cebu.

Paakyat na ako sa hagdan noon nang tawagin ako ng Mommy ko.

Seryoso ang mukha nito nang humarap ako sa kanya.

"Totoo ba yung nababalitaan ko na may relasyon ka raw sa anak ni Vergel..?" deretsa nitong tanong.

Vergel ang name ng Tatay ni Ariel.

Nabigla man ako sa sinabi niya, hindi ako nagpahalata.

"Magkaibigan lang kami.." malumanay kong sabi. Andun pa rin ang paggalang.

"Parang hindi naman ganun ang nababalitaan ko.....balita ko bf mo na raw.." may tigas ang bawat salita ng Mommy ko, kaya nahalata ko ang pagka-disgusto niya.

Hindi agad ako nakakibo.

"Alam mo bang anak ni Vergel yun..? Ang tatay nun, basagulero, babaero...." sabi pa nito.

"Mabait naman si Ariel eh.." pagtatanggol ko.

Tumaas lalo ang boses ng Mommy ko. "At paanong babait yun..? Kanino pa ba magmamana yun kundi sa Tatay niya...layuan mo yan....sinasabi ko sa yo Arianne, layuan mo yan.." pagbabanta ng Mommy ko.

"Wala naman kaming ginagawang masama eh..." patuloy kong pagtatanggol.

" Nag-aaral ka pa...pano kapag napabayaan mo pag-aaral mo..? HIndi ka pa pwedeng mag boyfriend ha....pagkatapos mo ng pag-aaral, dun lang kita papayagan.." matigas pa ring sabi nito.

Hindi na lang ako kumibo para hindi na humaba ang usapan.

"Layuan mo yan..." matigas pa rin nitong sabi at tinalikuran na ako.

Lagot na. Ayan na ang kontra sa relasyon namin. Hindi naman ganun kadaling talikuran na lang ang relasyon namin. Doon ko naisip na mas maging maingat na sa lahat. Hindi na dapat pang malaman ng Mommy ko ang kung ano man na meron kami ni Ariel. Ayoko mang gawin na suwayin siya, pero mahal ko na si Ariel. Hindi ko na ito kayang talikuran.

Bahala na.


FOREVER LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon