HOW TO PICK UP THE BROKEN PIECES AGAIN (chapter 14)

20 0 0
                                    

HINDI ko alam kung paano ko gagawin nang maayos ang lahat sa akin lalo na ang trabaho ko. Talagang grabe ang naging epekto sa akin ng nangyari. Pinipilit kong kalimutan ang lahat kapag nakaharap na ako sa work place ko, pero hindi ko talaga magawa. Nakasilip ako sa microscope noon nang di ko talaga napigilan ang luha ko. Napatingin sa akin ang katabi ko noon na si Connie dahil di ko na talaga maitago ang sakit na nararamdaman ko. Ikatlong araw yun mula nang mangyari ang lahat.

"'Yanne.....Ok ka lang..?" bigla itong humawak sa kamay ko.

Lalo ko nang di napigilan ang luha ko, nasundan na yun ng mahinang hagulgol.

"Hala...ano nangyayari sa yo..." dinig ko sa boses ni Connie ang pag-aalala habang tumatayo ito at niyayapos ako. Napatingin na rin sa amin ang lahat ng malapit sa amin.

Biglang lumapit ang Lead Girl namin na si Ate Joy at lumuhod sa harap ko, hawak ang kamay ko.

"Bakit..? Ano problema..?" nasa boses din nito ang pag-aalala. Napatingin lang ako sa mga taong lumapit sa akin habang patuloy ang pagtulo ng luha ko.

Niyapos din ako ni Ate Joy at pinatayo. "Halika....inom ka muna ng tubig ha..." sabi nito sa akin habang inilalayo ako sa work place ko. "Oh kayo, tuloy nyo na ginagawa nyo...ako na bahala kay Arianne.." sabi nito sa mga kasamahan ko.

Ipinasok niya ako sa pinaka- kwarto niya at pinainom ng tubig. Sumunod naman sa amin si Connie na nag-aalala talaga. Sa pagitan ng mga hikbi at hagulgol ay ikinuwento ko sa kanila ang nangyari.

"Eh akala ko ba, hinihintay mo siya sa December para magpakasal na kayo..?" tanong ni Ate Joy.

Si Ate Joy kasi ang tumatayong hindi lang Lead Girl namin kundi Ate naming lahat dahil talaga namang napakabait nito at maalaga sa aming lahat, kaya mahal na mahal namin ito. Naikukwento ko rin kasi sa kanya ang lahat ng nangyayari sa buhay ko.

"Wala ng kasal sa December Ate Joy....ikakasal na nga siya anytime now..." umiiyak ko pa ring sabi.

"Habulin mo..." udyok sa akin ni Connie.

"Pahihiramin kita ng pera.." dugtong ni Ate Joy. Na-touch talaga ako sa concern ng mga ito sa akin.

Umiling-iling ako. "Too late na .....ikakasal na siya...." sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.

Matagal din bago nila ako napakalma. Ang hirap.

Ang hirap-hirap.....

Pang- night shift kami noon. Hindi nila ako iniwanan hanggang mag-breaktime kami. After breaktime, lumalabas kami para magpahangin.

Nakatingin ako noon sa buwan. For the first time in my life, parang noon ko lang napuna ang buwan na tila nakikiramay sa nararamdaman ko. Pulang-pula ito na tila nagbi-bleed.

"Ano kaya ang ginagawa niya ngayon....masaya kaya siya..?" sabi ko habang nakaupo kami noon sa favorite bench na inuupuan namin after breaktime. Nakatanaw lang ako sa mapusyaw na buwan. Katabi ko noon si Connie at isa pa naming kasama na si Lorna.

"Pilitin mo na siyang kalimutan....ikaw lang kasi ang masasaktan.." payo sa akin ni Connie.

"Paano..? Ganun lang ba kadaling kalimutan ang more than 3 years namin..?" paos na ang boses ko noon pero wala ng natulong luha. Halos nasaid na.

"It takes time.....makikita mo, makaka recover ka rin..." sabi naman ni Lorna.

Paano?

Hanggang kelan?

Sana bukas paggising ko, tanggal na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Sana bukas malimutan ko na ang lahat ng ito.

Sana bukas hindi ko na siya mahal.

Sana bukas, masaya na ako.

Sana....

Sana......







FOREVER LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon