BEATING THE ODDS (chapter 7)

25 0 0
                                    

NAGDESISYON siya na umakyat sa bahay namin bilang respeto sa Mommy ko. Aaminin ko, nung una talagang nagdalawang- isip pa ako kasi natatakot ako na baka magalit si Mommy. Katatapos ko lang kasi gumradweyt noon at wala pa akong trabaho.

Sa pagpupumilit niya , at sa tingin ko naman ay mahal niya talaga ako kaya gagawin niya yun, ay pumayag ako. Sabi ko bahala na.

Dumating ang oras na pinatuloy ko siya sa bahay namin. Wala noon ang Mommy ko, nasa palengke dahil ganung oras ang schedule ng pamamalengke nito. Kung sa kaba, grabe talaga ang kaba ko nang oras na yun. Daig ko pa ang naka-schedule makipag-meeting sa isang dosenang engkanto. Pero kailangan naming malagpasan ang sitwasyon na yun, dahil talagang darating kami sa ganun .

It's now or never.

Lord....bahala Ka na po...yun ang dasal ko nang oras na yun.

Hindi talaga ako mapakali habang nakaupo na kaming dalawa sa salas namin. Hindi ko maintindihan kung hihilahin ko ba ang oras para matapos na. Kaso, bago ko mahila ang oras, kailangan munang makita siya ng Mommy ko.

Lalong tumindi ang kaba ko nang madungawan ko sa bintana namin na padating na ang Mommy ko.

Lord...eto na po....itago Nyo po ako...huhuhuhu...

Lupa, lamunin mo ako please ,kahit ngayon lang..!!


Halata kong nabigla ang Mommy ko nang mabungaran niya sa salas namin si Ariel. Hindi ito ngumingiti. Makahulugan ang naging tingin nito sa akin. Walang anumang salita, hindi lang talaga ngumingiti.

Tumayo sa pagkakaupo si Ariel. "Good afternoon po..." magalang nitong bati.

Hindi kumibo ang Mommy ko. Tahimik lang na inilapag ang pinamili sa mesa at pumanhik na sa itaas namin.

Napakagat labi akong napatingin kay Ariel na noo'y ngumiti lang.

"Narinig ba yung sinabi ko..?" tanong niya sa akin habang umuupo uli kami sa sofa.

"Oo naman.." sabi ko at nakikiramdam na ako noon. Pero kahit paano nabawasan ang kaba ko kasi naka 1st step na kami.

"Botong-boto siya sa akin ano..?" nakuha pang magbiro ng loko.

"Oo nga eh....sobrang sweet sa yo..." ganting biro ko na lang.

Isang oras nag-stay sa bahay namin si Ariel pero hindi siya binaba ng Mommy ko kaya napilitan na itong umalis.

"Pakisabi na lang umalis na ako.." pinipilit niyang huwag bahiran ng lungkot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Pasensya ka na ha..." sabi ko na nahihiya talaga.

"Ok lang yun.." sabi niya at ngumiti.

Pagkaalis ni Ariel, doon na bumalik ang kaba ko. Alam mo yung feeling na pagkatapos mo sumalang sa isang contest eh hihintayin mo na ang verdict ng judges. Yun ang kabang nararamdaman ko noon sa pagharap ko uli kay Mommy. At tama ang hinala ko.

"Tigas talaga ng ulo mo ano.." galit niyang sabi.

"Graduate na naman ako Mommy...di ba yun naman ang sabi mo , na pwede na ako magpaakyat pag graduate ko..?" pangangatwiran ko.

"Ayoko sa kanya para sa yo.." madiin niyang sabi.

"Mabait naman si Ariel Mommy..." pagtatanggol ko.

"Basta ayoko sa kanya.." huling sabi nito at tinalikuran na ako.

Doon ko napagtanto na dahilan lang ng Mommy ko ang studies ko. Talagang ayaw niya kay Ariel.

Ang unfair naman.

Ako naman ang makikisama, hindi siya.

Yun ang matinding struggle namin ni Ariel, ang pagkontra ng Mommy ko.







FOREVER LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon