SINFUL ACT [chapter 20]

17 0 0
                                    

PAKIRAMDAM ko ay kasing bilis ng takbo ng kabayo ang kaba ng dibdib ko habang nakatutok lang ang paningin  ko sa telepono namin na nag-ri-ring uli.

Gusto kong batukan ang sarili ko sa ginawa kong pag-dial sa number ni Ariel. Ano ba itong nagawa ko?

Patuloy ang pag-ring.

Kinakabahan akong iniangat uli ang reciever ng phone.

"Hello..Arianne..alam kong ikaw yan.." sabi ni Ariel sa kabilang linya.

Umubo pa ako ng konti bilang pagtanggal sa bumara yata sa lalamunan ko.

"Pasensya na....nacurious lang ako..." sagot ko na.

"Okay lang.....ang saya ko nga ngayon kasi kausap kita...salamat..." sagot ni Ariel.

Hinawakan ko ang dibdib ko para pakalmahin yun.

"O-okay...sige....may gagawin pa ako eh..." sagot ko rito.

"Teka......teka lang...." pagpipigil nito dahil akmang ibababa ko na ang telepono.

Napahinga ako ng malalim.  "Bakit..?" tanong ko.

"Kamusta ka na..?" tanong nito.

Kumibit balikat ako.

"Okay lang...ikaw.." balik tanong ko.

Matagal din kaming nagka-usap or nagkakwentuhan. Hiningi niya ang cellphone number ko at hiniling na baka pwede naman kaming magkita, for old times sake, sabi niya.

Matagal din bago niya ako nakumbinse. Sabagay, wala naman kaming gagawin na masama. Tutal matagal na nangyari ang lahat.  Sa bilang ko, almost 10 years din kaming hindi na nagkita 

Move on na ika nga.

Nagkasundo kami na magkita sa isang lugar na malayo sa mga malisyosong mata ng mga tao. Kumustahan lang naman.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa loob ng isang sikat na mall. Nagsuot ako ng sunglasses , panangga  lang kung sakali na may makakilala.

Ilang beses pa akong nagpalinga-linga sa paligid sa paghahanap sa kanya.

Nakailang lakad ako paroon parito habang hinahanap ng mata ko ang katagpo ko nang oras na yun.

Nang bigla na lang may tumawag mula sa likuran ko na pamilyar na boses. Napalingon ako at napatingin sa lalaking papalapit sa kinaroroonan ko.  Si Ariel.

Andun na naman ang kaba sa dibdib ko na hindi ko maintindihan kung bakit laging present.

Nakatingin lang ako sa kanya habang mgkaharap kami. May mga sinasabi siya pero parang lahat ng yun, lumalagpas lang sa tenga ko. Nakatitig lang ako sa kanya.

HIndi na rin maitatago sa itsura niya ang edad namin. Andun na yung maturity look sa kanya.

Sa isang pizza parlor kami humantong, at doon ipinagpatuloy ang kwentuhan tungkol sa mga naging buhay namin. Maayos naman.

"Na-missed kita...sobra...." sabi niya habang nakatitig sa akin.  Ngumiti lang ako habang umiinom ako ng iced tea.

Matagal din kaming nagkwentuhan sa pizza parlor na yun. Nalibang ako sa oras kaya sa huli ay  napatingin ako sa relo ko.

"I have to go na.." pamamaalam ko na rito.

Hindi siya kumibo, tumingin lang sa akin habang pinagmamasdan ako sa pagtayo ko sa kinauupuan naming pwesto.

Nasa labasan na kami nang hawakan niya ang braso ko na nagpalingon sa akin.

"Pwede pa ba tayong mag-usap...." bulong niya sa akin. Daig ko pa ang nahipnotismo sa pagtitig ko sa kanya.

Napatingin  ako sa paligid namin na puno ng mga tao dahil nga nasa loob kami ng mall.

"Yung lugar na tayo lang..." patuloy niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman  ko nang panahon na yun. Daig ko pa ang nawala sa sarili ko. Nagsilbi akong sunud sunuran sa lahat ng sinabi at ginawa niya. At humantong kami sa isang bawal na pagsasanib ng katawan.

Napatingin ako sa kisame ng isang pribadong lugar na pinuntahan namin. Napalingon ako sa katabi kong si Ariel na noon ay natutulog sa tabi ko. 

Napaupo ako sa kama habang tinatakpan ko ng kumot ang hubad kong katawan. Hindi ko maintindihan kung magsisisi ako sa ginawa namin nang oras na yun. Oo, bawal dahil may mga sarili na kaming pamilya. Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko.

Dahan-dahan akong tumayo upang magbihis. Wala naman akong maramdamang guilt dahil siguro nga ay mahal ko pa ang taong ito.

Nagsusuklay na ako ng buhok ko nang magising si Ariel.

"Maaga pa.." sabi niya habang nakatingin sa akin na nasa harap ng salamin.

"Kailangan ko ng umuwi...gabi na...hinahanap na ako sa amin.." sagot ko habang nagpapahid ng lipstick.

Napabuntung-hininga si Ariel.  "Kelan tayo uli magkikita?" tanong niya.

Napatigil ako sa ginagawa ko, nanatiling nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

"Hindi na to mauulit....alam nating mali..." sagot ko.

Tumayo siya sa kama at nagsimula na ring magbihis. Nakaupo pa rin ako sa harap ng salamin nang lumapit siya at niyapos ako patalikod. 

"I love you..." bulong nito. 

Hindi ako kumibo.  Naguguluhan ako nang oras na yun.

Sampung taon kaming hindi nagkita, at eto, humantong kami sa isang bawal na sitwasyon.

Alam kong mali.....

Alam kong bawal.....

Doon ko narealize na kahit mahal mo ang isang tao, hindi nito maitatama ang bawal.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FOREVER LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon