MY DOUBTS (chapter 9)

23 0 0
                                    

BAGO dumating ang oras ng date namin sa resort, dumalaw siya sa bahay namin. In fairness sa Mommy ko, nabawasan na ang pag-irap nito kay Ariel. Although hindi pa rin totally boto, pero pinapatuloy naman sa bahay namin kahit hindi kumikibo. At kahit paano, nakapagpaluwag sa dibdib ko yun.

Hindi ko alam kung ano ang naisipan ni Ariel at dumalaw sa akin sa bahay. Pero tuwang-tuwa naman ako noon kasi nga nag-effort siya. Naging maayos naman ang kwentuhan namin hanggang maisipan na niyang umalis.

"Basta magkita na lang tayo sa Saturday ha..." bilin niya sa akin nang pabulong dahil baka marinig ng Mommy ko na nasa labas lang. Kinuha niya ang wallet niya at akmang kukuha ng pera bilang pamasahe sa pupuntahan nito. Bigla kong naisipan na agawin ang wallet niya na ikinabigla niya.

"Patingin nga nito..." sabi ko at binuklat ko ang ilang laman.

Inaagaw niya sa akin ang wallet. "Wag....wala namang pera yan..." nakipaghilahan siya sa wallet niya.

Napakunot ang noo ko at parang may duda na sumagi sa isipan ko.

"Hindi naman yung pera ang titingnan ko....curious lang ako sa itsura ng wallet mo..." sabi ko na nakikipaghilahan din.

"Akina na....wala ka namang makikita dyan.." sabi pa niya.

Kinuha ko ang lahat ng pera niya sa wallet at iniabot sa kanya. "Ayan ang pera mo....pahiram muna ng wallet mo..." sabi ko at dali-dali ko ng isinuksok sa bulsa ko ang wallet niya na pilit pa rin niyang inaagaw sa akin.

"'To naman oh....akina na wallet ko.." pagpipilit niya.

"Pahiram nga...isasauli ko naman..." pangungulit ko rin.

Nakarating kami sa may pintuan namin na nagkukulitan pa rin tungkol sa wallet niya.

Napapakamot siya sa ulo niya habang inihahatid ko siya sa pintuan namin.

"Akina na po....sige na....wala ka namang makikita dyan..." sabi uli niya.

Humalikipkip ako habang nakatayo at nakasandal sa may pintuan namin. Panay pa rin ang akma niyang pag-agaw ng wallet niya.

"Gusto ko lang makita ang laman ng wallet mo.." pagdidiin ko. "Saka sabi mo nga walang laman...eh di wala.....gusto ko lang makita ang loob ng wallet mo..." pangungulit ko pa.

Napapailing na lang siya na tumingin sa akin.

"Bye Ariel...I love you..." sabi ko rito habang kumakaway ang kamay ko.

Napabuntung- hininga siya. "IKaw talaga,,," sabi na lang niya.

Ngumiti ako at nag- muwestra ng flying kiss sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi umalis.

Nagkulong ako sa kwarto at binuklat ko na ang laman ng wallet niya. Ilang piraso ng ticket sa bus, ilang calling cards ,isang ID picture niya, at ang nakapukaw ng husto sa atensyon ko ay isang nakatiklop na parang sulat.Binuklat ko yun. Isang unfinished letter na english. Sulat kamay niya. Walang name ng reciever na nakasulat kaya hindi ko alam kung para kanino. Isang sulat na nagsasaad ng pagka-miss niya sa isang tao. Hindi ako sigurado kung para sa akin ba ang sulat na yun. Or para sa iba.

Napaisip na naman ako. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Nanay Mila. Ang tungkol sa babaeng gustong pumikot dito. Kailangang malaman ko na ang totoo mula kay Ariel. Tamang-tama, magkikita uli kami bilang huling date namin bago siya bumalik ng Cebu.

Doon kami magtutuos.


FOREVER LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon