TRYING TO WIN ME BACK (chapter 17)

22 0 3
                                    

ONE AND A HALF YEARS LATER......


"NURSE....ang ganda mo talaga...."

Lihim akong napangiti sa narinig ko. Kasalukuyan kong inaayos ang dextrose ng pasyenteng inaalagaan ko nang oras na iyon. Hindi ako sumagot sa sinabi niya dahil tinatapos ko muna ang pag-regulate sa dextrose nito.

"Kaya lang panigurado may boyfriend ka na...imposibleng wala..." patuloy sa pagsasalita ang pasyente ko.

Napatingin na ako sa nakahiga kong pasyente .

"Alam mo Sir, pagalingin mo muna yang sugat mo bago ka manligaw ha..." nakangiti kong sabi rito habang nagsusulat ako sa isang notepad ko na talaan ko ng mga data ng pasyente.

"Basta ba ikaw lagi ang nurse ko, gagaling ako agad panigurado.." nakatawa nitong sabi.

Napatingin ako sa benda nito sa may bandang binti. Biktima kasi ito ng ligaw na bala.

"Unahin mo muna pagalingin yan..." nakatawa kong sabi at umalis na ako sa harap nito.

"Basta nurse ha....babalikan kita rito pag gumaling ako.." pahabol nitong sabi na ikinatawa ko talaga.

Nakangiti pa rin ako nang bumalik ako sa Nurses Station.

"Oh, binola ka na naman panigurado ng playboy sa room 206..." natatawang sabi ng kaibigan kong si Ditas na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamot ng pasyente niya.

Napabuntung-hininga ako. "As usual....akala yata makukuha ako sa bola..." nakangiti kong sabi. Isa-isa ko ng sinulatan ang mga chart ng pasyente.

"Eh yung nanliligaw sa yong si Gerald, kamusta na yun..." tanong pa uli ni Ditas at tinabihan ako sa pagkakaupo habang inaayos pa rin ang mga gamot ng pasyente.

Kumibit balikat lang ako.

"Ano yun?" nagtatakang tanong ni Ditas.

Hindi ako kumibo, nakatutok lang ang tingin ko sa isinusulat ko.

"Oy girl, mag boyfriend ka na,,,,napapag-iwanan ka na noh..." tinapik pa nito ang balikat ko na nakapagpalingon sa akin.

"Bakit, karera ba yan na kung sino mauna, panalo?" pamimilosopo ko.

"Aba girl, mag move on ka na kaya....ilang taon na bang patay ang naging bf mo....alangan namang di ka na magpakasaya sa buhay komo namatay lang siya..." anito.

Yun ang alam ng mga naging kaibigan ko sa pinagtatrabahuhan kong ospital. Na namatay sa aksidente ang ex boyfriend ko na si Ariel nga. Ganun ang pinalabas ko dahil na rin sa matinding galit ko sa ginawa sa akin ni Ariel.

"Yaan mo silang maghintay sa akin....magsasawa din ang mga yan at hahanap ng iba..." sagot ko sa sinabi nito.

"Oy grabe....may plano kang magpaka-tandang dalaga? Ang tindi mo ha.." sagot ni Ditas.

Lumabi lang ako. "So be it,," mahinang sabi ko.

"Naku girl, sayang naman ang ganda mo kung ibuburo mo lang yan sa asin.." natatawa uling sabi ni Ditas at tumayo na.

"Eh sa hindi pa ako ready magkarun uli ng relasyon eh....darating naman yan sa tamang oras.." sagot ko rito at inilagay ko na isa-isa sa rack ang mga charts ng pasyente.

Hindi sa pagmamayabang, may ilan ding mga nanliligaw sa akin that time. May mga itsura din, yung iba may mga kaya naman sa buhay, yung iba medyo wala.

Pero talagang hindi ko pa makapa sa sarili ko na ready na uli ako magkaroon ng panibagong relasyon. Para sa akin, andun pa rin ang matinding sakit na naiwan sa akin. Nararamdaman ko pa rin. Hindi pa rin nag-hi-heal. Hindi ko alam kung kelan ito gagaling....or kung gagaling pa nga ba?

FOREVER LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon