CONTINUOUS PAIN (chapter 15)

19 0 0
                                    

.......letting go is hard...

.........but it's harder to hold onto something you know would never be yours......


KAHIT halos ipamukha na ng lahat sa akin ang totoo, ayaw ko pa ring maniwala. Nandun pa rin ang isang hiblang natitirang pag-asa sa akin na maaari pang magbago ang lahat.

Halos isang buwan na ang nakakaraan nang mangyari ang lahat pero hindi pa rin ako bumibitaw. Naghihintay pa rin ako sa kanya. Na sumulat siya, na magpaliwanag siya. Na sabihin niya sa akin na hintayin ko pa rin siya at darating siya.

Doon nagsimula ang araw-araw kong dasal. Ang araw -araw kong paghihintay. Halos napabayaan ko na ang trabaho ko, ang sarili ko.

Hanggang dumating ang isang balita na talagang nakapagpasuko na sa akin.

Kaharap ko na naman ang Tiyahin kong si Tita Naty na nagdala na naman muli ng nakamamatay na balita.

"Andito ang tatay ni Ariel kanina...si Kuya Vergel.....may pinapasabi sa yo..." mahinang sabi nito.

Napatungo na ako habang nagsasalita ang Tiyahin ko. "Ikaw daw ang mahal ni Ariel...napilitan lang siyang magpakasal dahil nga tinakot siya ng mga kamag-anak ng babae....pikot ang nangyari sa kanya..." sabi ng Tiyahin ko na pinakikiramdaman ang reaksyon ko. Nakapikit lang ako.

"Gusto lang ipaalam sa yo nina Kuya Vergel na ikaw ang gusto nila para kay Ariel...pero wala na silang nagawa.....eskandalo na kasi ang nangyari at di na nila naiwasan....pasensya ka na raw..." sabi pa nito.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Panay buntung-hininga lang ang ginawa ko.

"Sila na raw ang humihingi ng tawad sa nangyari....sorry daw talaga....sana daw mapatawad mo sila...." huling sabi nito habang tinatapik ang balikat ko.

Isang mapait na ngiti na lang ang isinagot ko at pagkatapos kong magpasalamat ay tinalikuran ko na ang Tiyahin ko. Nangingilid na naman kasi ang luha ko noon at ayokong makita uli yun ng TIyahin ko.

So that's it.

It's all over....

Tuluyan nang naputol ang nag-iisang hiblang pag-asa ko.


.



FOREVER LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon