FIGHTING FOR YOU (chapter 13)

19 0 0
                                    

KINABUKASAN pinuntahan ko agad sina Louie at Ate Milet sa bahay ng mga ito na kasalukuyang nakikitira muna sa mga Tiyuhin ko na tatay ni Ate Milet. Isang paglilinaw ang gusto kong malaman mismo sa bibig ni Louie. Halata ko sa ekspresyon ng mukha ng mag-asawa ang lungkot nang hinarap nila ako.

"Please, Louie....tulungan mo ako...gusto ko siyang puntahan sa Cebu..." umiiyak kong sabi rito.

Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Para saan pa Arianne..? Ikakasal na siya..buntis ang babae.." sagot ni Louie.

Umiling-iling ako. "Baka makahabol pa ako....hindi siya pwedeng magpakasal....." daig ko pa ang isang napakadesperadang babae nang oras na yun. Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin ng tao sa gusto kong gawin.

Mahal ko ang gusto kong ipaglaban.

Niyapos-yapos ako ni Ate Milet. "Wala na tayong magagawa....tanggapin na lang natin.." bulong nito sa akin.

Pumiglas ako sa pagkakayapos nito. Umiling-iling uli ako at ibinaling uli ang tingin kay Louie na alam kong awang-awa na sa itsura ko.

"Please Louie....pupuntahan ko siya sa Cebu...samahan mo lang ako...." pagmamakaawa ko rito.

Napapalatak si Louie. "Mahirap yang sinasabi mo....napakalayo ng Cebu....wala tayong pera...saka baka huli na pagpunta natin dun....sayang lang ang lahat ng gagawin mo..." pagkukumbinsi niya sa akin na lalo kong ikina- hagulgol.

"Gagawa ako ng paraan sa pera...basta samahan mo lang ako..." patuloy kong pagpipilit dito.

Nagkatinginan lang ang mag-asawa . Alam kong imposible na ang sinasabi ko. Ganun na ako ka-depressed that time. Nanghihina akong umupo at humagulgol na lang. Niyapos uli ako ni Ate Milet at inalo-alo.

"Tama na....niloko ka niya....hindi siya deserving sa pakikipaglaban mo....magmumukha ka lang tanga dun...." pag-aalo nito sa akin.

"Saka pwede kang lumaban kung buntis ka....eh hindi ka naman yata buntis..." sabi rin ni Louie.

Doon ko naisip ang huling pagkikita namin ni Ariel. Iyon siguro ang dahilan kung bakit gusto niyang may mangyari sa amin noon. Na mabuntis ako. Para may laban ako sa ganitong pagkakataon.

Sa bandang huli, hindi ko rin napilit si Louie. Sabagay naiintindihan ko rin siya. Alam kong suntok sa buwan na rin ang gusto kong mangyari.

Pagkatapos nun ay nagsimula na akong magkulong sa kwarto. Ni ayaw ko ng kumain. Nawalan na ako ng gana sa lahat.

Ikalawang araw ng pagkukulong ko nang puntahan ako ng Mommy ko sa kwarto. Nakahiga ako noon nang patagilid. Halos magang-maga na ang mata ko sa pag-iyak.

"Anak...." mahinang tawag niya.

Narinig ko ang tawag niya pero hindi ako lumingon. Nanatili lang akong nakahiga patagilid, paharap sa bintana namin.

"Kain ka na....niluto ko yung paborito mong ulam...." sabi pa nito.

Napapikit ako nang mariin at naramdaman ko ang muling pagtulo ng luha ko. Hindi pa rin ako sumasagot.

"Baba ka na lang ha....ipaghahain kita...." patuloy na sabi nito. Naramdaman ko ang pag-alis nito.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Maya-maya, nang ready na ako ay bumaba ako. Nakahain na nga sa mesa ang paborito kong niluluto ng Mommy ko. Tahimik akong naupo sa silya at pinagmasdan ang pagkain sa mesa.

Lumapit sa akin si Mommy na nakaupo noon sa sofa habang nanonood ng tv.

"Sige na anak, kain na....mamaya may apple at orange ka sa ref.....kainin mo rin..." sabi nito habang inaayos ang pagkain ko.

Iniiwasan kong tumingin sa mata ng Mommy ko dahil makikita niya ang pamamaga ng mata ko. Alam ko namang alam niya ang pinagdaraanan ko pero ayaw ko pa ring makita niya ang itsura ko.

"Andito lang si Mommy ha..." sabi nito sa medyo garalgal na boses habang tinatapik ako sa balikat, saka ito tumalikod at lumabas ng bahay.

Awtomatiko na namang tumulo ang luha ko sa sinabi niya.

Doon ko napatunayan na kahit ayaw niya kay Ariel, sa huli ay andun pa rin siya para damayan ako sa pinagdadaanan ko. Pinabantayan pa nga ako sa kapatid kong si Judai dahil baka raw kung ano ang maisipan kong gawin.

Na-touched ako sa lahat ng ginawa ng Mommy ko mula noon.




FOREVER LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon